Atom Araullo, Karen Davila, netizens dismayed by lack of social distancing on second day of community quarantine

by Bernie V. Franco
Mar 16, 2020
News anchors Atom Araullo and Karen Davila are dismayed that social distancing is not being observed by the public. (R)) Motorists waiting for their turn for thermal scanning at a checkpoint in San Jose del Monte, Bulacan are packed in one spot for hours.
PHOTO/S: GMA-7 Photo (Atom) / @iamkarendavila on Instagram / Atom Araullo on Twitter

Nagpahayag ng pangamba ang broadcasters na sina Atom Araullo at Karen Davila, at maging ang ilang netizens, kasunod ng paglabas ng larawan ng mga motorista at publiko na walang ginagawang social distancing.

Ngayong Lunes, March 16, ang ikalawang araw ng ipinatutupad na community quarantine sa buong Metro Manila upang maiwasan ang pagdami ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Ngunit marami sa ating mga kababayan, mula sa loob at labas ng Metro Manila, ang dumagsa sa mga pangunahing kalsada dahil sa kanilang trabaho.

Bunsod nito, nagkumpul-kumpol ang maraming bilang ng motorista at pasahero sa mga itinalagang checkpoints, kung saan isa-isang sinusuri ng mga awtoridad ang temperatura ng mga tao.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang social distancing ay isang hakbang na makatutulong upang makabawas sa tsansa ng paglaganap ng coronavirus disease na idineklara nang pandemic.

Naiulat din dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isang artikulo kung saan iminumungkahi ng limang U.S. medical experts na seryosohin ang social distancing laban sa epidemya.

Continue reading below ↓

Ngunit tila hindi ito nasusunod sa Pilipinas.

KAREN DAVILA AND ATOM ARAULLO

Ngayong Lunes, March 16, ipinost ng GMA News anchor na si Atom Araullo sa Twitter ang kuha niyang larawan ng mga nagsisiksikang motorista sa isang checkpoint sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Kaninang umaga nakunan ni Atom ang nasabing eksena.

Ayon kay Atom, bukod sa hindi ideal ang distansiya sa isa't isa ng mga motorista, ilang oras nang naghihintay ang mga ito para ma-check ang kanilang temperature.

Tweet ng news anchor: “Checkpoint situation in San Jose Del Monte, Bulacan. Definitely not ideal for social distancing.

"Some people have been in line for 3 hours. Only 3 thermal scanners are being used here."

Continue reading below ↓

Ibinahagi rin ni Atom ang pakikipag-usap niya sa isang motorista, na tinanong niya kung mas maaga itong aalis bukas, March 17, dahil natagalan ito sa checkpoint kanina.

Sagot ng motorista, 5 a.m. siya umalis ng bahay. Hindi na raw ito makakaalis nang mas maaga dahil sa ipinapatupad na curfew sa Metro Manila, mula 8 p.m. hanggang 5 a.m.

Continue reading below ↓

Ni-retweet naman ng ABS-CBN news anchor na si Karen Davila ang larawang ibinahagi ni Atom.

Kasunod nito ay nanawagan si Karen sa gobyerno na aksyunan ang suliraning ito.

Tweet niya: “This does not look safe.

"It only takes 1 person to carry a virus. That was my concern if some will still be allowed in & out of Manila.

"I’m hoping government can address this asap. #covid1”

Continue reading below ↓

Ni-retweet din ni Karen ang mga kuhang larawan ng ABS-CBN News reporter na si Abner Mercado.

Kuha ito sa boundary ng Caloocan City at San Jose Del Monte, Bulacan, kung saan tila di mahulugang-karayom ang dami ng mga tao.

Tweet ni Karen: "Eto na po. Mahirap ito @AbnerMercado - higher risk of contamination.

"It takes 1 person to carry a virus.

"Manila’s population is at 12M and peaks to 15M.

"It means millions of workers going in and out every single day.”

Continue reading below ↓

Sa obserbasyon ni Karen, kailangan ng mas epektibong strategy para mapatupad ang social distancing at pananatili sa bahay.

"Today, we are seeing that social distancing and the 'stay home' directive is a privilege of those who can afford it.

"The government can still correct this. Improve strategy," mensahe ng Kapamilya news anchor.

Continue reading below ↓

NETIZENS SAY SOCIAL DISTANCING IS USELESS

Ilang netizens din ang nagbahagi ng mga kuha nilang larawan ng mga pasahero, public utility vehicles (PUVs), at ilang istasyon ng Metro Rail Transit (MRT).

Kapansin-pansin sa mga larawang ito na hindi natutupad ang social distancing na iminumungkahi ng gobyerno.

Isang netizen ang nag-tweet na may mga bus daw na hindi nagpapasasakay ng mga pasahero para sa 25-passenger limit, pero unahan ang mga nag-aabang ng mga sasakyan at walang social distancing.

Isang netizen naman ang nag-post ng picture sa loob ng bus na punumpuno at mayroon pang mga nakatayo.

Continue reading below ↓

Nag-tweet din ang CNN Philippines na nagpapakita ng kalagayan ng mga pasahero sa MRT Taft Cubao, at sinabing “no social distancing.”

Isang netizen ang nagsabing unahan ang mga tao sa paghahabol sa mga sasakyan dahil limitado lamang ang mga pinasasakay.

Mapapansin ding sa dami ng mga pasaherong nag-aabang ay magkakalapit-lapit na ang mga ito.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

LTO ON SOCIAL DISTANCING

Noong March 12, idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa community quarantine ang Metro Manila, mula March 15 hanggang April 14.

Inilatag naman ng Land Transportation Office (LTO) noong March 14 ang mga regulasyon pagdating sa pagsasakay ng mga pasahero sa public transports, gaya ng PUVs at tren.

Continue reading below ↓

Partikular na layunin ng LTO na maipatupad ang social distancing.

Iniutos ni LTO Chief Edgar Galvante na obserbahin ng mga pasahero ang one-seat apart rule.

Dapat ay apat lamang—kasama ang driver—ang puwedeng sumakay sa mga taxi at Transportation Network Vehicle Service (TNVS), tulad ng Grab.

Anim lamang—kasama ang driver—ang maaaring isakay sa mga UV Express.

Habang 25 lamang ang maisasakay ng bawat bus, kasama na ang driver at konduktor.

Ipinag-uutos ding obserbahan ang one seat apart.

Magkakaroon din ng limitasyon sa bilang ng mga pasahero sa MRT, Light Rail Transit (LRT) Lines 1 at 2, at Philippine National Railways (PNR).

Pagpasok pa lamang sa tren ay ipatutupad na ang one-meter-apart distance sa mga pasahero, at nilimitahan hanggang 25 percent ang mga pasahero sa loob ng istasyon at loob ng tren.

At press time, ang Pilipinas ay mayroon nang 140 kaso ng COVID-19 at 12 deaths, ayon sa worldometers.info/coronavirus.

Sa buong mundo, halos 170,000 na ang COVID-19 cases; 6,518 na ang nasasawi; habang 77,772 naman ang naka-recover na.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
News anchors Atom Araullo and Karen Davila are dismayed that social distancing is not being observed by the public. (R)) Motorists waiting for their turn for thermal scanning at a checkpoint in San Jose del Monte, Bulacan are packed in one spot for hours.
PHOTO/S: GMA-7 Photo (Atom) / @iamkarendavila on Instagram / Atom Araullo on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results