Bela Padilla raising funds to feed informal workers affected by metro quarantine

by Jet Hitosis
Mar 16, 2020
Bela Padilla launches online fundraising to feed informal workers amid Metro Manila community quarantine against COVID-19: “I set up an account, and whatever money we do raise, let’s split 16 ways for the 16 cities of metro Manila affected by this community quarantine.”
PHOTO/S: @bela on Instagram

Kumakalap ng pondo si Bela Padilla para sa vendors at iba pang informal workers na mawawalan ng pagkakakitaan.

Sa ilalim ng isang buwang community quarantine (March 15-April 14), maraming establisyamento sa National Capital Region (NCR) ang pansamantalang magtitigil-operasyon.

Extended ang kanselasyon ng klase sa mga eskuwelahan sa Metro Manila.

Hinimok din ng pamahalaan na magkaroon ng skeletal workforce sa gobyerno, at na magpatupad ng work-from-home at flexi work arrangements sa pribadong sektor.

Kung may mga manggagawang tuluy-tuloy ang suweldo, at ang ilan ay may magagamit na leave credits, ang informal workers ay arawan, irregular, at kakarampot lang ang kinikita.

Kabilang sa kanila ang mga ambulant vendors at jeepney drivers.

FOOD DONATIONS

Ang maliliit na manggagawang ito ang nasa isip ni Bela nang mag-tweet siya nitong Linggo ng gabi, March 15, tungkol sa plano niyang pagkalap ng food donations.

Patanong ang unang tweet ng 28-anyos na aktres bandang 9:35 ng gabi nitong Linggo:

Continue reading below ↓

“Do we have agencies that handle donations for food for this month for employees or people who dont have enough money or groceries put aside for a whole month?

“Or even soup kitchens?

“If you know of any, please let me know! Thank you [heart emoji]”

Isa sa Twitter followers ni Bela ang nagkomento tungkol sa hiwalay na medical supplies donation drive para sa frontliners ng mga ospital na pinagdadalhan sa mga nagpositibo sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Sinagot ni Bela ang netizen na marami nang nagtutulung-tulong upang mag-donate ng sanitizers at iba pang disinfectants sa health workers.

Paliwanag ng aktres, kumakalap siya ng food donations para sa mahihirap na pansamantalang hindi makakapagtrabaho dahil sa community quarantine.

Reply ni Bela: “Hopefully, [there] will be a lot of people donating sanitizers to the frontliners...

"however, I was asking about food donations for the Filipino workers in metro Manila who won’t be able to work this month and their kids who are now all home because school is closed.”

Continue reading below ↓

BELA ASKS FOR GOVERNMENT OFFICIALS' HELP

May mga sumagot sa aktres na makipag-ugnayan siya sa mga local government office, partikular sa social welfare and development offices sa mga lungsod at munisipalidad.

Pero dahil walang taga-gobyerno o elected official na nagre-reply sa thread, direkta nang nag-tweet si Bela ng kanyang mensahe sa mga ito.

“To all our government officials, I know your health and your family’s safety is your top priority right now as it should be :) but I was hoping I could get in touch with anyone of you in the metro Manila area and maybe we can do food drives or soup kitchens this month?

“Thank you!”

Continue reading below ↓

Isang Twitter user ang nag-suggest na makipag-ugnayan ang aktres kina Manila Mayor Isko Moreno at Pasig City Mayor Vico Sotto.

Sagot ni Bela: “I just followed Mayor Vico a while ago, I am actually closer to his city proximity wise. I’ll try to get in touch!”

Sa kasunod na tweet ng aktres, nagpahayag siya ng pag-aalala kung paanong nakakakain ng hapunan ang mga vendor dahil, ayon sa kanya, halos walang kinita ang mga ito sa unang araw ng pagpapatupad ng community quarantine.

Continue reading below ↓

“How do the taho, sampaguita, chips and basahan vendors we see on EDSA who probably sold close to nothing today eat tonight.

“And tomorrow? And the whole month?

“Is there anyone I can go to, to talk about this and hopefully help out? :)”

Sa mga sumunod niyang tweets, binanggit ni Bela ang mga naiisip niyang paraan upang makatulong, pero mahalaga raw na hindi malalabag ang ipinaiiral na social distancing.

Continue reading below ↓

Mababasa sa magkakasunod na reply niya sa kanyang Twitter followers:

“Something like soup kitchens but that will bring people out of their homes so that’s not an option. There has to be something else...

“I was thinking house to house too but I only have so much to give, I’ll look into setting up a page!”

Continue reading below ↓

BELA TO RAISE FUNDS ONLINE

Makalipas ang ilang minuto, nag-tweet si Bela na mangangalap siya ng donasyon para tulungan ang informal workers.

Nagbukas ang aktres ng page sa gogetfunding.com, na tinawag na Pagkain Para sa Pinoy.

Ang gogetfunding.com ay isang crowdfunding website ng mga nais mangalap ng donasyon online para sa isang particular purpose.

Continue reading below ↓

Tweet ni Bela: “The best solution I came up with is for us to donate.

“I set up an account, and whatever money we do raise, let’s spilt 16 ways for the 16 cities of metro Manila affected by this community quarantine.

“I will personally see to it that the money we raise will go to the right people.”

Continue reading below ↓

Target ng Pagkain Para sa Pinoy na makalikom ng PHP1 million hanggang sa katapusan ng March.

Sa pagsilip ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa page ni Bela ngayong Lunes ng umaga, March 16, mahigit P75,000 na ang natanggap nitong donasyon.

Sa Twitter, ibinahagi ni Bela ang link sa kanyang page, at hinimok ang kanyang fans at social media followers na pagtutulung-tulungan nilang makumpleto ang donasyon sa loob ng isang linggo.

Ito ay upang kaagad na maayudahan, aniya, ang informal workers na ang arawang kita ay naapektuhan na ng community quarantine simula nitong Linggo.

“Please help and share this link and let’s try to hit or surpass the target in one week because our local workers have all already been affected starting today [weary face emoji] thank you.

“Twitter, let your magic work please [heart emoji].”

Continue reading below ↓

Ibinahagi rin ni Bela sa Instagram Stories ang link sa kanyang page sa gogetfunding.com.

Sa kasalukuyan, 140 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Dalawa sa mga ito ang tuluyan nang gumaling, habang 12 ang namatay.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bela Padilla launches online fundraising to feed informal workers amid Metro Manila community quarantine against COVID-19: “I set up an account, and whatever money we do raise, let’s split 16 ways for the 16 cities of metro Manila affected by this community quarantine.”
PHOTO/S: @bela on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results