Luzon placed under "enhanced community quarantine"

by Jet Hitosis
Mar 16, 2020
President Rodrigo Duterte has placed the entire island of Luzon under “enhanced community quarantine” as COVID-19 cases rise in the country. There are now 140 confirmed COVID-19 cases in the Philippines, with 12 deaths.
PHOTO/S: Presidential Communications Operations Office

Nagpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim na sa "enhanced community quarantine” ang buong Luzon.

Ito ang nakasaad sa text message na ipinadala ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa media ngayong Lunes ng hapon, March 16.

“PRRD just announced an enhanced community quarantine in the entire Luzon,” ang quote ng Philippine Daily Inquirer sa text message ng tagapagsalita ng Presidente.

Batay sa guidelines na isinapubliko ng Malacañang nitong Sabado, March 14, posibleng magpatupad ang gobyerno ng enhanced community quarantine kapag patuloy na lumala ang banta ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa bansa.

Dahil nasa enhanced community quarantine na ang buong Luzon, magpapatupad ang gobyerno ng:

— Istriktong home quarantine para sa lahat ng taga-Luzon.

— Sususpendihin ang transportasyon.

— Lilimitahan ang probisyon sa pagkain at iba pang mahahalagang serbisyo.

— Dadagdagan ang mga pulis at sundalo na magpapatupad ng quarantine procedures.

Ihahayag ni Pangulong Duterte ang iba pang detalye ng enhanced community quarantine sa Luzon sa kanyang public address bandang 5:00 ng hapon ngayong Lunes.

Continue reading below ↓

PANELO, AÑO RECOMMEND METRO LOCKDOWN

Nagpasya ang Presidente na paigtingin ang ipinatutupad na quarantine sa bansa matapos niyang pulungin ngayong Lunes ng hapon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Nauna rito, sa Malacañang press briefing bago magtanghali, sinabi ni Panelo na “worried” ang Pangulo sa patuloy na dumadaming kaso ng COVID-19 sa bansa.

Pinag-aaralan ng Presidente, aniya, ang mga proposal na magpatupad ng total lockdown sa Metro Manila at isailalim sa community quarantine ang ilang probinsiya upang makontrol ang pagkalat ng virus.

Sa press briefing, inamin ni Panelo na inirekomenda niya at ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang lockdown ng Metro Manila.

COMMUNITY QUARANTINE IN METRO MANILA

Biyernes, March 13, nang isinailalim ni Pangulong Duterte sa community quarantine ang buong Metro Manila.

Pinalawig ang kanselasyon ng klase at sinuspinde ang mga biyahe palabas at papasok ng Metro Manila.

Hinimok din ng pamahalaan na magkaroon ng skeletal workforce sa gobyerno, at magpatupad ng work-from-home at flexi work arrangements sa pribadong sektor.

Continue reading below ↓

Tuluy-tuloy pa rin ang transportasyon, bagamat nagpapatupad ng social distancing ang Department of Transportation (DoTR).

Sa kasalukuyan, 140 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Dalawa sa mga ito ang tuluyan nang gumaling, habang 12 ang namatay.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
President Rodrigo Duterte has placed the entire island of Luzon under “enhanced community quarantine” as COVID-19 cases rise in the country. There are now 140 confirmed COVID-19 cases in the Philippines, with 12 deaths.
PHOTO/S: Presidential Communications Operations Office
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results