Roxanne Barcelo apologizes to Alex Gonzaga fans for retweeting bashing thread

by Bernie V. Franco
Mar 16, 2020
Roxanne Barcelo (left) apologizes to fans of Alex Gonzaga for mindlessly retweeting a post from a thread bashing Alex. This enraged Alex's fans who accused Roxanne of condoning her fans' bashing of Alex.
PHOTO/S: @roxannebarcelo and @cathygonzaga on Instagram

Nakatanggap ng pambabatikos si Roxanne Barcelo, 35, mula sa fans ni Alex Gonzaga, 32, dahil sa maling retweet ng una.

Nagsimula ito nang i-retweet ni Roxanne ang papuri sa kanya ng isang netizen na nakasalamuha siya.

Pero hindi inakala ni Roxanne na ang pinagmulan pala ng thread na ito ay ang tweet ng kanyang fan na nagkumpara sa kanila ni Alex.

Pinuri ng fan si Roxanne, at nilait naman si Alex.

Nag-sorry si Roxanne. Inaming nagkamali siya dahil hindi muna inalam ang nilalaman ng thread.

Pero hindi nagpapigil ang supporters ni Alex.

Binash ng mga ito si Roxanne, na pinagbintangang kasabwat ng kanyang fans sa pamba-bash sa kanilang idolo.

ROXANNE ON BEING COMPARED TO ALEX

Noong Biyernes, March 13, guest si Roxanne sa ABS-CBN late-night entertainment talk show na Tonight With Boy Abunda (TWBA).

Tinanong siya ng host na si Boy Abunda kung ginagaya ba niya ang style ni Alex sa vlogging, dahil pareho silang vloggers.

Continue reading below ↓

“I honestly celebrate Alex.

“I’ve known her since we were in high school, kasi same kami ng derma nila Alex and Toni,” pagtukoy niya sa kapatid ni Alex na si Toni Gonzaga.

“I’ve known the family for a very long time.

"So, if anything, I'm really happy when people say that… they always tell me to collaborate with Alex."

Ang tinutukoy na "collaborate" ay ang pagsasama ng dalawa o higit pang vloggers para sa isang YouTube video.

Bukas daw si Roxanne makipag-collaborate kay Alex.

“I just don’t know how to make it happen, like, ime-message ko ba siya, idi-DM [direct message] ko ba siya sa IG.

“How does it work?”

Ang tiniyak niya ay “friends” sila ni Alex.

ROXANNE’S WRONG RETWEET

Kasunod ng guesting ni Roxanne sa TWBA, may isang supporter siyang nag-tweet.

Sa naturang tweet, idinidiin ng fan na mas angat si Roxanne kay Alex.

Mapangahas na tweet ng netizen: "The disrespect!!!! Roxee B is talented. She can act, she can sing, and most of all, she is effortlessly funny.

Continue reading below ↓

"Alex?? Pfft. Marcos apologist pa lol."

Marami ang sumagot sa tweet na ito, hanggang sa maging thread.

Sumagot dito ang isa pang netizen na nagkwento ng kanyang magandang experience nang makadaupang-palad si Roxanne.

Ito ang ni-retweet ni Roxanne, na mukhang hindi talaga alam ang pinagmulan ng thread.

Iba-iba ang opinyon ng netizens sa usapan, pero marami rito ang nam-bash kay Alex at pumanig kay Roxanne.

Continue reading below ↓

Ikinagalit ito ng fans ni Alex na nagsabing kumampi si Roxanne sa kanyang followers sa pamba-bash kay Alex.

Nagpaliwanag si Roxanne na binura niya ang retweet, at sinabing hindi niya sinusuportahan ang pambu-bully dahil siya mismo ay nakaranas nito noon.

“I deleted a recent retweet and will say that I don’t condone hate or bullying towards others.

“I have been bullied all of high school and college and feel terrible for those who think I retweeted to a reply that I did not know was a response to a thread on hate,” anang aktres.

Continue reading below ↓

Humingi siya ng paumanhin at inamin ang pagkakamaling hindi muna niya inalam ang nilalaman ng thread.

Tweet ng sexy actress: “I feel so bad, I didn’t read that it was a reply to different thread. I only read the text to me. I did not see the thread so thank you for letting me know! Again I’m sorry. I took down my retweet immediately and I only want to spread positivity. Again I am so sorry.”

Continue reading below ↓

Pero hindi na nagpaawat ang mga tagasuporta ni Alex.

Nagsunud-sunod na ang pag-bash nila kay Roxanne na tinawag nilang “plastic,” “hypocrite,” at nanggagamit lang daw kay Alex.

Narito ang ilan lamang sa pamba-bash kay Roxanne:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

ROXANNE EXPLAINS

Tiniyak ni Roxanne na nagkamali lang siya ng pag-retweet.

Ipinangako rin niyang mas magiging maingat siya sa pagre-retweet sa susunod.

Continue reading below ↓

Ayon pa kay Roxanne, nirerespeto niya si Alex bilang aktres at host, gaya ng sinabi niya sa TWBA.

Nagbitaw rin siya ng salitang hindi na niya ime-message si Alex para hilingin na magkaroon sila ng collaboration, para patunayang hindi niya ginagamit si Alex.

Ani Roxanne: “honestly said all I needed to say about what I truly think of Alex on twba. I respect her for the actress and host she is.

“Also, for your peace of mind, I won’t ever msg her about a collab so as to appease your doubts.”

Continue reading below ↓

Diin naman ng isang supporter ni Alex, ipinagtanggol lamang nila ang kanilang idolo mula sa mga bully supporter ni Roxanne.

Samantala, ni-like ni Alex ang tweet ng kanyang supporter na nagsasabing walang isyu sa pagitan ng dalawang actress-vloggers, at wala rin daw masama kung magkaroon ng collaboration ang dalawa sa hinaharap.

Continue reading below ↓

Malinaw na simpleng reaksiyon ito ni Alex na wala siyang isyu kay Roxanne, at bukas siyang magkatrabaho sila sa isang YouTube video kapag nagkaroon ng pagkakataon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Roxanne Barcelo (left) apologizes to fans of Alex Gonzaga for mindlessly retweeting a post from a thread bashing Alex. This enraged Alex's fans who accused Roxanne of condoning her fans' bashing of Alex.
PHOTO/S: @roxannebarcelo and @cathygonzaga on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results