Alex Gonzaga spoofs Ivana Alawi; answers netizens commenting on her braless outfit

by Rachelle Siazon
Mar 16, 2020
Sa kanilang paghaharap, biniro ni Alex Gonzaga (kanan) si Ivana Alawi (kaliwa) na "maraming nawawasak na relasyon" dahil sa male fans nitong mahilig tumingin sa kanyang sexy pictures. Hirit ni Ivana, "Wag kang mag-alala. Hindi ko wawasakin yung sa iyo." Sagot ni Alex, "Dapat lang."
PHOTO/S: @cathygonzaga Instagram

Sinorpresa ni Alex Gonzaga, 32, ang netizens sa pabirong pakikipagtunggali niya sa kapwa-YouTube sensation na si Ivana Alawi, 23.

Linggo ng gabi, March 15, nang ipakita ni Alex ang litrato niya kasama si Ivana.

Bahagi ng post ni Alex: "We shot this 3 weeks ago and people might find it out of touch with what’s happening now.

"Pero sa Monday magkakaaalaman na kung sino mas sexy si Ivana or si Iguana (the braless girl)."

Continue reading below ↓

Agaw-pansin ang suot ni Alex na sleeveless top dahil kitang-kita ng netizens na wala raw siyang suot na bra.

Komento ng isang netizen, marami sa ibang Instagram followers ni Alex ang nagsabing "teh bakat" at "di naka bra."

Puna pa ng netizen, "Di naman ganyan kalaki ang d*d* ni alex g kaya don't worry netizens, di niya d*d* yan."

Sinundan ng netizen nang mahabang tawa at wacky face emoji ang kanyang comment.

Natatawang komento ni Alex, kalakip ang laughing with tears emoji, "sakit mo magsalita ah."

May isa pang pumansin sa braless outfit ni Alex.

Sabi ulit ni Alex, mage-gets daw ng netizens ang kanyang "joke" paglabas ng kanyang YouTube vlog kasama si Ivana.

Continue reading below ↓

Lunes, March 16 ng hapon, nang ilabas ni Alex ang bago niyang vlog.

Dito ay inamin ni Alex na napanood niya ang vlog ni Ivana na naglalaba sa bahay.

"15 million views naglaba lang! Hindi puwede, kailangan magawa ko rin 'to!" kuwelang bulalas ni Alex.

Nagsuot siya ng silicone boobs para magmukhang lumaki ang kanyang boobs tulad ng kay Ivana.

Saka siya naglaba, nag-gym, at nagpunta sa park.

ALEX MEETS IVANA

Sa park sila nagkita ni Ivana.

Tawa nang tawa si Ivana habang ipinagmamalaki ni Alex ang kanyang silicone boobs.

"Magkaaway pa nga iyan ngayon, e. East and West nga sila ngayon. Yung isa nga naka-North.

"Mine is flexibe!" hirit ni Alex habang hinawak-hawakan ang kanyang fake boobs.

Natatawang reaksiyon ni Ivana, "Oh my god!"

Pilit ding inalam ni Alex kung ano ang vital statistics ni Ivana.

Sagot ni Ivana, "32B-23-34."

Biro ulit ni Alex, ang kanyang vital statistics ay "38D-25-12."

Continue reading below ↓

ALEX ALLOWS FIANCÉ TO MEET IVANA

Maya-maya pa ay inamin ni Alex na ang fiancé niyang si Mikee Morada ang isa sa mga kalalakihang tumitingin sa sexy pictures ni Ivana sa Instagram.

Nabanggit daw kasi dati ni Alex kay Mikee ang tungkol sa noo'y 8 million YouTube views ng vlog ni Ivana na naglalaba.

Sagot daw ni Mikee kay Alex, "A, si Ivana. Check mo yung IG niya. Sexy siya!"

Nagbiro pa si Alex na "maraming nawawasak na relasyon" si Ivana dahil sa kanyang male fans na mahilig tumingin sa kanyang sexy pictures.

Hirit ni Ivana, "Wag kang mag-alala. Hindi ko wawasakin yung sa iyo."

Sagot ni Alex, "Dapat lang."

Pagkatapos ay dumating din sa park si Mikee at personal na nakilala si Ivana.

Continue reading below ↓

Halatang hiyang-hiya si Mikee nang harap-harapang sabihin ni Alex na sini-search ni Mikee si Ivana sa Instagram.

Sabi ni Mikee kay Alex, "Hindi. Ito talaga..."

Tinanggal ni Alex ang kanyang fake boobs at sabi patungkol sa kanyang lean figure, "Otso diretso!"

Panay ang biro ni Alex na "may chance pa" si Mikee na mamili.

Pero nangingiting sabi lang ulit ni Mikee, "Loko-loko talaga 'to."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kanilang paghaharap, biniro ni Alex Gonzaga (kanan) si Ivana Alawi (kaliwa) na "maraming nawawasak na relasyon" dahil sa male fans nitong mahilig tumingin sa kanyang sexy pictures. Hirit ni Ivana, "Wag kang mag-alala. Hindi ko wawasakin yung sa iyo." Sagot ni Alex, "Dapat lang."
PHOTO/S: @cathygonzaga Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results