Senator Juan Miguel Zubiri tests positive for COVID-19

by Jojo Gabinete
Mar 16, 2020
Senator Juan Miguel Zubiri on testing positive for COVID-19: "I practiced social distancing as well as a no handshake policy but yet i got contaminated. How, I do not know."
PHOTO/S: Instagram

Positibo sa COVID-19 si Senator Juan Miguel Zubiri.

Siya mismo ang nagkumpirma nito sa pamamagitan ng kanyang Facebook post ngayong Lunes ng gabi, March 16.

Si Zubiri ang kauna-unahang mambabatas at kilalang personalidad sa Pilipinas na inilantad sa publiko ang kanyang karamdaman.

Mensahe ng 50-anyos na senador sa kanyang Facebook post:

"To my dear fellow Filipinos, my Kababayans. It is with sadness that I announce that I am positive for COVID-19.

"I had a test taken last Friday while on self-quarantine and this afternoon I received a call from Sec. Duque on my condition.

"My heart sank with what he had said but I’m uplifted with the fact that I am asymptomatic and have no fever or cough nor am I weak or have any headaches."

Ayon kay Zubiri, ang pagse-self-quarantine niya noong nakaraang linggo pagkatapos ng sesyon nila ang pinakamagandang desisyong ginawa niya dahil naprotektahan ang kanyang pamilya.

Hindi raw mawari ng senador kung bakit dinapuan siya ng virus, gayong isa siya sa nagpa-practice ng social distancing sa Senado.

Continue reading below ↓

Saad niya, "My decision to self-quarantine last Wednesday evening after session was the best decision I made and could have protected my family from contamination.

"As one of those very early on in the Senate who espoused and advocated for stronger Government response on controlling COVID- 19, I was very careful in my dealings with people at work in the Senate.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"I practiced social distancing as well as a no handshake policy but yet i got contaminated. How, I do not know."

Paalala pa niya, "This just goes to show how easily this virus is spread and therefore it is best for everyone to stay home and stay clean.

"As for me, I will stay locked in isolation for 10 more days until I get checked once again with hopefully a negative result. I hope my coming out will show how dangerously infectious this virus is.

"Sa aking mga Kababayans, makinig po tayo sa mga babala nang gobyerno at wag na po kayo lumabas sa inyong mga tahanan. God bless us all.”

Continue reading below ↓

CONTAMINATION AT THE SENATE

Sa live interview ni Senator Zubiri sa 24 Oras ng GMA-7 ngayong gabi, sinabi niyang tiyak na nakuha niya ang virus sa Senado.

"I'm sure sa Senado ko po 'yan nakuha dahil ano lang po naman ako, e, Senado-bahay," pahayag niya.

Maliban kay Zubiri, ang iba pang mga senador na naka-self-quarantine ay sina Sherwin Gatchalian, Nancy Binay, at Bong Revilla.

Continue reading below ↓

Ito ay matapos silang magkaroon ng direct contact sa isang taong nagpositibo sa COVID-19 sa isang Senate hearing.

Hindi malinaw kung na-test na rin sa COVID-19 ang mga nabanggit na senador, ngunit wala pang inilalabas na resulta tungkol sa kalagayan nila.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Juan Miguel Zubiri on testing positive for COVID-19: "I practiced social distancing as well as a no handshake policy but yet i got contaminated. How, I do not know."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results