Sharon Cuneta, KC Concepcion kiss and make up

by Bernie V. Franco
Mar 17, 2020
KC Concepcion and mom Sharon Cuneta seemed to have buried the hatchet after their rift that lasted more than two months.
PHOTO/S: @annadasig on Instagram

Nagkaayos at nagkabati na si Sharon Cuneta, 54, at anak nitong si KC Concepcion, 34, matapos ang higit dalawang buwang tampuhan.

Nalaman ng marami ang naging hidwaan ng mag-ina dahil sila mismo ang nagsapubliko nito sa pamamagitan ng social media.

Si KC ay anak ni Sharon sa dati nitong asawang si Gabby Concepcion, 55.

Nito lamang March 11, muling naging aktibo si Sharon sa Instagram pagkatapos ng halos isang buwang social media break.

SHARON EXPRESSES HER LOVE FOR KC

Nitong Lunes ng gabi, March 16, nag-post sa Instagram ang Megastar para i-promote ang YouTube channel ng kanyang panganay na anak.

Caption ni Sharon: “Baby#1 has a new YouTube channel. Hope you can all support her.”

Makahulugan din ang mga hashtag na ginamit ng singer-actress-host: #stillmybabynomatterwhat #unconditionally #iloveyounowandforever #onlyonemomsyforever

Continue reading below ↓

Sa comments section ay nagpaabot ng maikling pasasalamat si KC para sa ina: “Thank you, Mama. [rose emoji]”

May sagot din dito si Sharon.

Aniya: “@itskcconcepcion You are welcome. I love you no matter what. That will never change.”

POSITIVE REACTIONS FROM NETIZENS

Bumuhos naman ang positibong reaksiyon mula sa netizens sa pagkakaayos nina Sharon at KC.

Continue reading below ↓

Komento ng isang netizen, nasiyahan siya sa pagkakabati ng mag-ina sa kabila ng coronavirus disease o COVID-19 threat sa bansa.

Narito ang ilang positive comments ng netizens sa pagkakaayos nina Sharon at KC:

Continue reading below ↓

KC ANSWERS BASHER

Samantala, sa hiwalay na post ni KC ngayon ding Lunes ay mahihinuhang nagkaroon na sila ng komunikasyon ng ina.

Ipinost ni KC ang larawan niyang kinunan dalawang linggo na ang nakalilipas.

Pabalik daw siya noon ng Maynila pagkatapos magbakasyon sa Boracay.

Sa comments section, may isang basher na sinagot si KC.

Tila burado na ang komento ng basher, pero binanggit ni KC sa kanyang sagot na nagkaroon siya ng komunikasyon sa kanyang mga magulang.

Sinabihan daw siya ng mga itong manatili sa bahay bilang pag-iingat mula sa COVID-19.

Bahagi ng sagot ni KC sa basher: “Huh? I’m sorry but my parents instructed me to stay home. Which is the bottom line for us all right now.”

Continue reading below ↓

MOTHER-DAUGHTER RIFT

Nalaman ng publiko ang tampuhan sa pagitan ng mag-ina nang bigyan ng birthday tribute ang Megastar sa ABS-CBN Sunday musical-variety show na ASAP Natin ‘To noong January 5, 2020.

Naroon ang pamilya ni Sharon—ang asawang si Senator Kiko Pangilinan at ang mga anak nilang sina Frankie, Miel, at Miguel.

Pero kapansin-pansing wala si KC.

Halata namang may parunggit ang Megastar kay KC sa naging speech niya sa programa.

Pinasalamatan niya ang lahat ng kanyang mga anak, maliban kay KC.

Sabi ni Sharon, “Thank you, Frankie, Miel, and Miguel for giving importance to Mama, and loving me, and being respectful and kind, grateful children.

“Ipinagdarasal ko rin lahat ng aking mga anak... na sana, lumaki kayo na nakatapak ang mga paa sa lupa.

“Huwag nakalilimot sa pagmamahal ng magulang, at sa lahat ng nagawa ng mga magulang ninyo sa inyo.”

Napansin ito ng mga manoonood, at pinuna si Sharon sa pagpaparinig umano nito sa kanyang panganay.

Continue reading below ↓

Sa parehong araw ay nag-post si KC ng birthday message para sa ina via Instagram.

Aniya, “I’m sorry I couldn’t join the ASAP celebration for personal reasons.

“We may not be perfect, but in the many ways I know how to LOVE you, I have, I do and I always will.

“If I fail, I’m only human and I’m sorry. But I try my best,” post pa ni KC.

January 8, sumagot naman si Sharon sa pamamagitan ng isang open letter para sa anak.

Dito ibinuhos ni Sharon ang mga hinaing niya kay KC.

Ayon kay Sharon, idinaan niya sa social media ang open letter para sa anak dahil sa Instagram din idinaan ni KC ang birthday greeting nito sa kanya.

Himutok ni Sharon, inasam niya ang mas personal na birthday greeting o yakap mula kay KC, pero ginawa ito ng huli sa pamamagitan ng Instagram post matapos ang birthday tribute ni Sharon sa ASAP.

Continue reading below ↓

"I haven’t really known for years now what has been going on with you, in your life, in your heart,” hinaing ng Megastar.

Binanggit din ni Sharon na ang huling pagkikita nila ni KC ay bago mag-Noche Buena, noong December 24, 2019.

Pero hindi na raw nagparamdam ang anak sa mga sumunod na mahahalagang okasyon gaya ng Pasko, New Year’s Eve, at Bagong Taon.

Madamdaming pahayag ni Sharon: "I myself hunger for the closeness we once had. We are just always here, waiting for you."

Pero sa kabila nito, sinabi ni Sharon na hindi magbabago ang pagmamahal niya kay KC kahit anong mangyari.

Ganito tinapos ni Sharon ang kanyang open letter: "Wherever you are, please take good care of yourself. And know that I pray for you every single day - sometimes a few times a day - for your protection, guidance and wisdom.

"And for God to embrace you whenever Mama cannot. I love you and miss you. I can’t say that enough. But I’ll end here."

Continue reading below ↓

Bagamat nagkaayos na sina Sharon at KC, hindi pa rin malinaw hanggang ngayon kung ano nga ba ang pinag-ugatan ng kanilang hidwaan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Concepcion and mom Sharon Cuneta seemed to have buried the hatchet after their rift that lasted more than two months.
PHOTO/S: @annadasig on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results