Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Government suspends work, mass transportation for Luzon-wide enhanced community quarantine

by Jet Hitosis
Mar 17, 2020
President Rodrigo Duterte: “Upon study of worldwide trends, I have come to the conclusion that stricter measures are necessary. I am placing the entire mainland of Luzon under enhanced quarantine until April 12, 2020."
PHOTO/S: Presidential Communications Operations Office

Nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng "enhanced community quarantine” sa buong Luzon hanggang sa April 12, 2020.

Layunin nitong mapigilan ang pagdami pa sa Pilipinas ng nagpopositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

“Upon study of worldwide trends, I have come to the conclusion that stricter measures are necessary,” sinabi ng Presidente sa kanyang public address nitong Lunes ng gabi, March 16.

“I am placing the entire mainland of Luzon under enhanced quarantine until April 12, 2020,” aniya.

Epektibo ang pinaigting na quarantine simula 12:00 ng hatinggabi ng Martes, March 17.

Ang pasya ni Pangulong Duterte ay batay sa pakikipagpulong niya nitong Lunes ng hapon sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

"HUWAG MUNANG LUMABAS NG BAHAY"

Batay sa bagong Memorandum na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea, istriktong ipatutupad ang mandatory home quarantine sa Luzon.

Mariing babala ng Presidente sa publiko: “There is danger.

“If you want to test the waters and end up getting sick... ang sinasabi namin huwag munang lumabas ng bahay.”

Continue reading below ↓

MASS TRANSPORTATION SUSPENDED

Upang makumbinse ang publikong manatili sa loob ng bahay, sinuspinde na ang lahat ng pampublikong transportasyon.

Sa ilalim ng enhanced community quarantine, walang mago-operate na mga jeepneys, UV Express, buses, taxis, motorcycle taxis, at mass transit o mga tren.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Humarap si Cabinet Secretary Karlo Nograles sa press conference sa Malacañang pagkatapos ng public address ng Pangulo upang talakayin ang mga detalyeng ito.

Kasama ni Nograles sina Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, Health Secretary Francisco Duque, Justice Secretary Menardo Guevarra, at Presidential Communications Secretary Martin Andanar.

private vehicles to be allowed are limited

Papayagan sa kalsada ang mga pribadong sasakyan, ayon kay Secretary Nograles, na exempted: mga opisyal ng pamahalaan, medical frontliners, maghahatid ng medical supplies, at nagbibiyahe ng mga produktong pagkain.

Pupuwede ring gumamit ng private vehicle ang isang indibiduwal kung mayroong tutugunang emergency, at kung bibili ng pagkain o gamot, ayon kay Cabinet Secretary Nograles.

Continue reading below ↓

Gayunman, diin ni Nograles, dapat na isang tao lang mula sa bawat household ang lalabas ng bahay para bumili ng pagkain at ng iba pang pangangailangan.

AIRPLANES, BOATS FOR INCOMING & OUTGOING PASSENGERS

Idinagdag ni Nograles na restricted din ang biyahe ng mga eroplano at barko.

Aniya, ang mga bibiyahe palabas ng bansa na magmumula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Clark International Airport ay papayagan sa loob ng 72 oras simula nang ipatupad ang enhanced quarantine.

Tatanggapin naman ang mga inbound international passengers, na sasailalim sa quarantine kung kinakailangan.

Tatanggapin din maging ang mga inbound Filipino citizens at kanilang pamilya kapag nakapagpakita ng mga kinakailangang dokumento, at ika-quarantine din kung kinakailangan.

WORK STOPPAGE AND SKELETAL FORCE

Magpapatupad ng work-from-home sa Executive Branch ng pamahalaan.

Hindi kasama rito ang pulisya, militar, at health and emergency frontline services, na magkakaroon ng skeletal force.

Hinihimok naman ang remote work o work suspension sa pribadong sektor, alinsunod pa rin sa pagpapatupad ng mandatory home quarantine.

Continue reading below ↓

Apela ni Pangulong Duterte sa mga employers: “Yung malalaking enterprise, maybe you can consider giving the 13th month pay.”

Ito, aniya, ay upang hindi na mapilitang pumasok sa trabaho ang manggagawa, pero may panggastos pa rin habang naka-quarantine kontra COVID-19.

Babala pa ng Presidente sa mga negosyante: “Pag lumalala ito, you better close down your business.

“And that’s an order because you will also help in propagating the disease instead of helping.”

FOOD AND MEDICINE

Batay sa bagong memorandum para sa enhanced quarantine, mananatiling bukas at may skeletal workforce ang mga palengke, supermarkets, groceries, convenience stores, food preparation and delivery services, water-refilling stations, botika, ospital, at medical clinics.

Bukas din maging ang mga planta ng basic food products at pagawaan ng gamot, mga bangko at money-transfer services, gayundin ang mga power, energy, water, at telecommunications supplies at facilities.

TRANSPORTATION ASSISTANCE

Dahil suspendido ang pampublikong transportasyon sa buong panahon ng enhanced quarantine, tutugunan ng mga local government units (LGUs) ang pagbibiyahe ng mga magtatrabaho sa nabanggit na mga establisimyento, ayon kay Nograles.

Continue reading below ↓

Tuloy pa rin ang trabaho ng mga miyembro ng media, ayon kay Andanar, bagamat kinakailangan nila ng special media pass mula sa Presidential Communications Operations Office (PCOO).

ENOUGH FOOD SUPPLY

Sa kanyang public address, tiniyak ni Pangulong Duterte na sapat ang supply ng pagkain sa bansa.

“I have been assured by Ramon Ang of San Miguel and other food conglomerates that there will be sufficient food, we have enough supplies,” anang Presidente.

Batay sa pinaigting na quarantine, bibigyan ng LGUs ng food assistance ang pinakamahihirap na pamilyang apektado.

Sa bahaging ito, makikipagtulungan ang mga LGUs sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

13TH MONTH PAY, MORATORIUM ON RENT & BILLS

Magkatuwang naman ang DSWD at Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagbubuo ng mga programa upang maibsan ang gastusin ng mga manggagawang maaapektuhan ng quarantine.

Kabilang sa mga ito ang maagang pagbibigay ng pro-rated na 13th month pay at moratorium sa renta ng bahay at sa mga utility bills.

Continue reading below ↓

VIOLATORS CAN BE ARRESTED

Nakasaad pa sa memorandum na ang lalabag sa mga nabanggit na guidelines ay mahaharap sa kaso, na maaaring kriminal o administratibo.

Obligado ang mga barangay chairman na ipatupad ang enhanced quarantine, at nagbabala si Pangulong Duterte na mananagot sa kanya ang mga “tatamad-tamad.”

Sinabi naman ni DOJ Secretary Guevarra na maaaring arestuhin ang mga pasaway sa grounds ng resistance at disobedience to person in authority.

May katapat itong parusa na arresto mayor at multang hindi lalampas sa PHP100,000, ayon sa kalihim.

Kung may nagawang karahasan habang inaaresto, liable naman ang pasaway sa direct assault.

Ayon kay Guevarra, katapat nito ang prision correccional o multang hindi hihigit sa PHP200,000.

Maaari ring kasuhan ang violator ng “non-cooperation” sa ilalim ng Section 9 ng Republic Act 11332 (Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act).

Kung mapatutunayang guilty, may katapat itong multa na hindi lalampas sa PHP50,000 at hindi hihigit sa anim na buwang pagkakakulong, ayon pa sa Justice secretary.

Continue reading below ↓

Nananatiling suspendido ang klase sa mga eskuwelahan hanggang sa April 14.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ng gobyerno ang anumang mass gathering upang maiwasang kumalat pa ang virus.

Sa latest update ng Department of Health (DOH), 142 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Tatlo sa mga ito ang tuluyan nang gumaling, habang 12 ang namatay.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
President Rodrigo Duterte: “Upon study of worldwide trends, I have come to the conclusion that stricter measures are necessary. I am placing the entire mainland of Luzon under enhanced quarantine until April 12, 2020."
PHOTO/S: Presidential Communications Operations Office
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results