Ellen Adarna flies in after 14-day retreat in Bali; will undergo quarantine

by Bernie V. Franco
Mar 17, 2020
Actress Ellen Adarna says she has mixed emotions about undergoing a 14-day quarantine in the Philippines after just completing a 14-day retreat in Bali, Indonesia.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna on Instagram

Sasailalim sa 14-day quarantine si Ellen Adarna paglapag nito sa Pilipinas matapos magbiyahe sa Indonesia.

Bahagi ito ng direktiba para sa mga pasaherong dumarating mula sa ibang bansa, kasunod ng pagsasailalim ng NCR sa enhanced community quarantine dala ng banta ng coronavirus disease.

Ngayong umaga ng Martes, March 17, ipinost ni Ellen ang kanyang larawan habang nakasakay sa eroplano at naka-face mask.

Caption niya (published as is): Happy ill be home soon..but not really happy to be to be quarantined and away from my family for another 14 days.

“so close yet so far…”

Continue reading below ↓

Si Ellen ay nanggaling sa Bali, Indonesia, at sumailalim sa 14-day retreat sa isang wellness center doon.

Maging sa eroplano at airport, ramdam ni Ellen ang epekto ng COVID-19, na isa nang pandemic.

Ipinost niya ang video na kuha sa loob ng sinasakyang eroplano na halos walang pasahero.

Caption niya: “THE CORONA EFFECT”

Continue reading below ↓

Base sa isa pang video post niya, sa Changi Airport sa Singapore siya sumakay.

Paglapag naman sa terminal, nag-video rin ang aktres at ipinakitang halos walang katao-tao sa escalator.

Caption niya: “SOCIAL DISTANCING…”

Continue reading below ↓

Isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang enhanced community quarantine ang buong Luzon pagsapit ng March 17, 2020.

Sa Memorandum galing Malacañang, may panuntunan para sa mga pasaherong galing ng ibang bansa.

Nakasaad dito: “Inbound international passengers, in transit upon effectivity of the Enhanced Community Quarantine, shall be allowed entry, subject to applicable quarantine procedures if coming from countries with existing travel restrictions imposed by the IATF [Inter-Angecy Task Force].”

Continue reading below ↓

ELLEN GOES ON RETREAT FOR HER DEPRESSION

Nitong weekend ay sunud-sunod ang Instagram Story posts ni Ellen tungkol sa pagsasailalim niya sa isang retreat.

Inamin niyang tatlong taon din siyang nakaranas ng depression, at inasahan niyang makakatulong ang retreat sa pamamahala ng isang mentor.

Nagpakonsulta na raw siya sa isang ekspertong doktor, subalit hindi raw umubra ang niresetang anti-depressants.

"i was getting weaker mentally and emotionally—something had to be done,” post ni Ellen, kung kaya’t naisipan niyang mag-retreat sa Bali.

Hindi naman tinukoy ni Ellen kung ano ang naging dahilan ng kanyang depresyon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Ellen Adarna says she has mixed emotions about undergoing a 14-day quarantine in the Philippines after just completing a 14-day retreat in Bali, Indonesia.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results