Former Sampaguita star Liberty Ilagan dies at 76

by Jojo Gabinete
Mar 17, 2020
Liberty Ilagan's daughters confirm death of their mother: "We are heartbroken to announce that our dearest Mom, Liberty Ilagan, has joined our Creator. She lost her battle to COPD complications and had a cardiac arrest."
PHOTO/S: Facebook / The Philippine Star

Pumanaw na ang dating aktres na si Liberty Ilagan sa edad na 76.

Sa pamamagitan ng isang joint statement ngayong Martes ng hapon, March 17, kinumpirma ng mga anak ni Liberty na sina Love, Happy, at Soeng Ongpauco ang malungkot na balita.

Pumanaw daw ang kanilang mahal na ina dahil sa Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD) dito sa Pilipinas.

Ito ang pahayag ng mga anak ng aktres:

"We are heartbroken to announce that our dearest Mom, Liberty Ilagan, has joined our Creator.

"She lost her battle to COPD complications and had a cardiac arrest.

"Our Mom lived a full and glorious life.

"Mom was a beautiful woman with a golden heart.

"She was a loving and wonderful mother to us, a doting Mamam to her grandchildren, and a caring and devoted wife.

"Above all, our mother was a true and faithful child of God.

"We are the luckiest children in the world to have had the privilege to call her Mom.

Continue reading below ↓

"Your prayers, loving thoughts and supportive words bring comfort to us during this time of sorrow.

"Though we will miss her terribly, we are happy that she is now free from suffering and is reunited with our Lord and all our loved ones who have gone on.

"Mom must be so touched to be remembered so fondly and be held in such high esteem by all of you.

"We are happy to have shared our MOM with you.

"There are no words to describe our grief.... If she left us when she is 100-years-old, it would still be too soon.

"We love you, Mom. We will carry your love and memories in our hearts forever."

Dahil sa current COVID-19 pandemic situation, nagpasya ang pamilya na ipagpaliban ang Thanksgiving Memorial Celebration para kay Liberty.

LIBERTY, A FORMER SAMPAGUITA CONTRACT STAR

Si Liberty ay ipinanganak noong July 6, 1943.

Nag-umpisa ang acting career niya sa murang edad na apat.

Continue reading below ↓

Ilan sa mga pelikulang ginawa niya bilang child star ay ang So Long, America, Hindi Kita Malimot, at Selosa.

Ngunit mas nakilala siya bilang contract star ng dating film company na Sampaguita Pictures, mula late '50s hanggang '60s.

Ipinakilala siya sa pelikulang Lover Boy (1958), kung saan nakasama niya sina Susan Roces, Romeo Vasquez, at Jose Mari.

Ilan pa sa mga pelikulang ginawa niya ay ang Tindahan Ni Aling Epang (1961), Kaming Mga Talyada (1962), Alipin ng Busabos (1968), Brainwash (1968), at Umibig Ay Di Biro (1964).

Continue reading below ↓

Tumigil sa pag-aartista si Liberty nang mauso ang "bomba movies" noong dekada '70.

Matapos nito ay lumabas pa rin siya sa ilang pelikula.

Ang kanyang huling pelikula ay ang Tatlong Patak ng Dugo ni Adan noong 1980.

DAUGHTER OF A NATIONAL ARTIST

Si Liberty ay anak ng direktor at National Artist na si Gerry de Leon.

Sa exclusive interview ni Ricky Lo ng The Philippine Star kay Liberty noong August 2018, sinabi ng dating aktres na ang hindi nito pagkakaroon ng pagkakataong maidirek sa pelikula ng ama ang pinanghihinayangan niya.

Sabi niya, “I should have begged my father to help me with my career.

"He could have directed me in Brownout, the movie that I produced [eventually directed by the late Ruben Abalos], but I was so scared that he wouldn’t find me a good enough actress, that he would be disappointed in me.

"I was successful in my career as a movie actress. I was shy, afraid, and too proud to ask help from anybody.”

Continue reading below ↓

Si Gerry de Leon ang nagdirek ng classic films na Ang Sawa Sa Lumang Simboryo (1952), Dyesebel (1953), Ifugao (1954), Sanda Wong (1955), Noli Me Tangere (1961), The Moises Padilla Story (1961), Ang Daigdig ng mga Api (1965), at Banaue (1975).

Kamag-anak din ni Liberty ang veteran actor na si Robert Arevalo at ang yumaong aktor na si Jay Ilagan.

Unang ikinasal si Liberty sa dating aktor na si Rod Evans, o mas kilala bilang si Rod Ongpauco, ang may-ari ng kilalang Filipino restaurant na Barrio Fiesta.

Nagkaroon sila ng tatlong anak na babae—sina Love, Happy, at Soeng.

Ngunit nag-divorce sina Liberty at Rod pagkalipas ng ilang taon.

Nagpakasal uli si Liberty. Ito ay kay Carlos Lardizabal, isang real estate lawyer mula sa Los Angeles, California.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Liberty Ilagan's daughters confirm death of their mother: "We are heartbroken to announce that our dearest Mom, Liberty Ilagan, has joined our Creator. She lost her battle to COPD complications and had a cardiac arrest."
PHOTO/S: Facebook / The Philippine Star
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results