Lea Salonga asks: How do we recommend staying at home to a worker surviving on a daily wage?

by Erwin Santiago
Mar 18, 2020
Lea Salonga on fighting COVID-19: "Now, whatever we gotta do to beat this thing, let’s beat this thing. Let’s keep our wits about us... our heads screwed on straight... we have to beat this thing. I look forward to the day that this virus becomes insignificant and inconsequential, but this isn’t that day."
PHOTO/S: Noel Orsal

Habang nasa loob ng kanyang tahanan, nakapagmuni-muni raw ang Broadway star na si Lea Salonga tungkol sa quarantine sa buong Luzon.

Kabilang sa inaalala ni Lea ay ang kalagayan ng marami sa ating mga kababayan, partikular na ang daily wage earners.

Sa kanyang Facebook post nitong Martes ng gabi, March 17, ibinahagi ng 48-year-old The Voice coach ang saloobin.

Mensahe ni Lea, "There will be a segment of our population that will fare just fine.

"But majority of our countrymen? I honestly don’t know."

Para raw sa marami sa atin, madaling irekomenda sa iba na manatili na lamang sa loob ng bahay.

Pero sunud-sunod na tanong ni Lea:

"But how do we recommend that to a daily wage earner?

"To someone that can’t see their families because of the lockdown?

"To people that are with their families, but are now unable to provide for them?

"What do we do? Point fingers?

Continue reading below ↓

"Blame the government for its delays in taking action?

"Blame the folks that insist on going out when they’ve already been told to stay at home?

"How do we recommend social distancing to people whose homes are inches away from each other?

"What then? Can anyone answer these questions?"

STAYING POSITIVE

Sinusubukan pa rin daw ni Lea maging positibo, at nagpo-post daw ito sa social media ng mga tamang impormasyon lamang na may kinalaman sa COVID-19.

Saad niya: "I’m trying to keep myself smiling and positive, posting things with a tinge of humor, if only to keep myself from getting sad and angry.

"Also trying to post things that are factual, and avoiding any unnecessary noise.

"This is literally keeping me up at night, and I know it’s not healthy, but there it is."

Pinapurihan din ni Lea ang mga taong nagbibigay ng tulong, sa anumang paraan, upang mabuhayan ng loob ang lahat.

Continue reading below ↓

"Kudos to everyone that have been providing funds... food... support... protective devices... funny videos and memes... music... workouts... prayers... mental health checks... whatever it takes to keep everyone’s spirits up. Thank you."

Mensahe pa niya sa lahat: "Now, whatever we gotta do to beat this thing, let’s beat this thing.

"Let’s keep our wits about us... our heads screwed on straight... we have to beat this thing.

"I look forward to the day that this virus becomes insignificant and inconsequential, but this isn’t that day.

"You may consider this TL;DR. That’s fine."

Continue reading below ↓

LEA'S PREVIOUS POST CRITICIZED BY DIREK JAY

Noong Linggo, March 15, ibinahagi ni Lea ang isang quote card na sumusuporta sa ipinatutupad na community quarantine at curfew.

Mensahe ng quote card na ibinahagi ni Lea sa kanyang Instagram account:

“To those who are complaining about the quarantine period and curfews, just remember that your grandparents were called to war; you are being called to sit on the couch and watch Netflix. You can do this.”

Malinaw namang may sense ang quote card. Sinasabi nitong huwag mareklamo, mas malaki pa ang hininging sakripisyo sa mga taong dumaan ng digmaan. Ngayon ay hinihingi lamang na manatili ang mga tao sa bahay.

Yun lang, ang ina-address nito ay ang middle at upper classes, ang may kakayanang mag-Netflix at mag-bulk buying sa grocery.

Ngunit, dahil quote card na pasabog sa marami, maaaring mabasa nang kakaiba.

Ganoon nga ang nangyari. Umani ito ng batikos sa ilang netizens, kabilang na ang TV-film director na si Jay Altarejos.

Continue reading below ↓

Sa kanyang Facebook post noon ding March 15, naging mabigat ang bagsak ng mga salita ni Jay sa Broadway star.

Buong mensahe ng direktor: “Sabagay kung ang exposure mo nga naman sa kalagayan ng buhay ay MS SAIGON...

“Tangama, yung mga maralita ba may Netflix, may mga hi-nord na pagkain?

“Ne, di lang pala limited ang range ng boses mo, pati utak mo.”

Si Lea ang orihinal na gumanap sa lead role ng West End at Broadway musical na Miss Saigon.

Wala na ang orihinal na Instagram post ni Lea, ngunit ni-repost niya ito noong March 16, Lunes.

Sa kanyang caption, bagamat hindi siya nagbanggit ng pangalan, mahihinuhang nabasa ng international singer-actress ang mga negatibong komento tungkol sa kanyang naunang post.

Paglilinaw ni Lea sa isang bahagi ng kanyang mensahe: "To those of you asking me to check my privilege, I hear you.

"I didn’t mean Netflix in a literal sense because I’m fully aware that not everyone has access to it. So replace it with something else you like to do.

Continue reading below ↓

"I only meant it as a figure of speech. Thanks for your time."

Kagabi rin, nag-post muli si Jay sa Facebook kaugnay ng bagong Facebook post ni Lea.

Kalakip ang screenshot ng bahagi ng FB post ni Lea, ito ang maikling komento ng direktor: "Ganyan nga po dapat, Ms. Lea!"

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lea Salonga on fighting COVID-19: "Now, whatever we gotta do to beat this thing, let’s beat this thing. Let’s keep our wits about us... our heads screwed on straight... we have to beat this thing. I look forward to the day that this virus becomes insignificant and inconsequential, but this isn’t that day."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results