Mayor Vico Sotto trends on Twitter; inspires netizens with his efforts to rise above COVID-19

by Rachelle Siazon
Mar 18, 2020
A netizen's reaction to Mayor Vico Sotto's approach to handling public health and transportation woes in Pasig City: "Amidst the chaos and the global health issues here's Mayor Vico Sotto! Huy sana all. Paampon sa Pasig!"
PHOTO/S: Vico Sotto Twitter

"Protect Mayor Vico Sotto at all costs."

Ito ang sigaw ng mga tagasuporta ni Pasig City Mayor Vico Sotto na mabilis rumesponde sa pangangailangan ng mga nasasakupan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Simula noong Lunes ng gabi, March 16, ipinatupad ng gobyerno ang "enhanced community quarantine" sa Luzon.

Sinuspinde ang trabaho sa public at private sectors, liban sa skeletal work force. Tigil-pasada rin ang mass transportations tulad ng trains, buses, taxis, at jeepneys.

Ito ay upang siguruhing manatili muna sa bahay ang mga tao para iwasang kumalat ang coronavirus disease na wala pang lunas hanggang sa ngayon.

May sariling diskarte si Vico sa pagresponde niya sa krisis.

DRONE TO FIGHT COVID-19

Sa ulat ng esquiremag.ph, nakasaad na bumili ang pamahalaan ng Pasig ng tatlong MG-1P drone para safe at mabilis na makapag-disinfect sa nasasakupang lugar.

Ang MG-1P, ayon sa dji.com, ay isang octocopter na dinisenyo para sa application ng "liquid pesticides, fertilizers, and herbicides" para sa agricultural purposes.

Continue reading below ↓

Mayroon itong spray system na may kapasidad na maglipad ng 10 liters o bigat na 10 kilograms.

Sa kaso ng COVID-19 outbreak, magagamit ang drones sa pag-spray ng disinfectant sa mga lugar sa Pasig City.

Sa gayong paraan ay maiiwasan ang personal contact ng mga opisyal na una nang lumibot para mag-disinfect sa mga pampublikong lugar.

NEED FOR TRIKE AS MEANS OF TRANSPO

Sa Pasig City, bukod sa "#LibrengSakay" ay pinayagan ni Vico na pumasada ang tricycle drivers.

Base raw kasi sa "risk assessment" sa kanilang lugar, kailangan ng tricycle para sa mga papasok na health workers at empleyado ng essential services.

May emergencies din daw na tricycle lang ang nakakapasok sa lugar.

Pahayag ni Vico sa kanyang official Facebook, Martes ng umaga, March 17:

"Dahil dito, SA NGAYON AY PINAPAYAGAN KO ANG LIMITADONG PAGBIYAHE NG MGA TRICYCLE SA LOOB NG PASIG --

"SUBJECT TO TORO GUIDELINES SUCH AS LIMITED PASSENGERS (SOCIAL DISTANCING).

Continue reading below ↓

"PAALALA LANG DIN NA ANG PUWEDE LANG SUMAKAY AY ANG MGA EXEMPTED SA QUARANTINE."

PAY FOR GOVERNMENT EMPLOYEES

Siniguro rin ni Vico na hindi mamomroblema ang mga kawani ng gobyerno sa kanilang susuwelduhin habang ipinapatupad ang mandatory work suspension.

Alinsunod ito sa rekomendasyon ng gobyerno na sikaping makatanggap pa rin ng suweldo ang mga manggagawang ipinapasailalim sa mandatory home quarantine.

Ito ang Facebook post ni Vico bandang 2:47 p.m. ng March 17:

"Wag kayong mag-alala, tuloy-tuloy kayong makakatanggap ng buong sweldo -- kahit yung mga Job Order na 'no work no pay'.

"Gagawan natin ng paraan. Basta, mag-ingat, at hangga't maaari sa bahay lang muna kayo.

"Sa mga empleyado namang nasa Frontlines, meron kayong hazard pay, OT, at iba pang benepisyong maaasahan."

Continue reading below ↓

BUS SERVICES FOR ESSENTIAL WORKERS

Makikita rin sa Facebook account ni Vico ang schedule ng bus service para sa "essential personnel" tulad ng health workers na exempted sa mandatory home quarantine.

Bukas ang siyam na bus stops na may schedule mula 6 a.m. hangagng 7 p.m.— alinsunod sa 8 p.m. to 5 a.m. curfew na ipinatutupad ng gobyerno.

Continue reading below ↓

"HINDI AKO NAKATULOG"

Bandang 5 a.m. nitong Miyerkules, March 18, nag-tweet si Vico na hindi siya nakatulog kakaisip sa sitwasyon ng kanyang mga nasasakupan sa Pasig dahil sa travel restrictions.

Ipinagdasal daw niyang huwag sanang pigilan ng national government ang pag-operate ng mga tricycle sa kanilang lugar.

Bukod sa health workers na kailangang pumasok sa trabaho, sabi ni Vico, "Palalakarin ba talaga natin ng 5 kilometro ang isang dialysis patient na senior citizen? ang cancer patient na bagong opera?"

Hindi naman daw kasi lahat ng residente ay may access sa private cars.

Maximum of two passengers lang din daw ang pupuwedeng sumakay sa tricycle na puwedeng pumasada, kaya masusunod pa rin ang social distancing measures.

"Sana makita po ng mga ginagalang nating lider--na may perspektibo kami sa LGU na maaaring di nakikita mula sa mas mataas.

"I am not yet even considering the social and economic effects of probihiting tricycles -- we are all talking about potential damage to public health and a possible loss of lives."

Continue reading below ↓

Bukod dito ay nasaksihan din ang pagiging hands-on ni Vico simula pa nang ipatupad ang community quarantine sa Metro Manila noong March 15, Linggo.

Personal na pinuntahan ni Vico ang checkpoints sa kanilang lugar upang alamin ang sitwasyon ng mga dumadaang motorista roon.

Naging aktibo rin siya sa pagpapatupad ng disinfection sa mga publikong lugar sa Pasig.

Continue reading below ↓

Bago pa ang community quarantine sa Metro Manila ay may pauna nang disinfection supplies na ipinadala ang pamahalaan ng Pasig para sa kanilang 30 barangays.

Continue reading below ↓

NETIZENS' REACTIONS

Dahil sa katangi-tangi raw na pamumuno ni Vico ay nag-trend ang pangalang "Vico Sotto" at "Pasig" sa Twitter.

Sa edad na 30 ay pinapatunayan daw ni Vico na kahit siya ay baguhang lider ay may kapasidad siyang harapin ang krisis dulot ng COVID-19.

Sabi ng netizens, masuwerte raw ang Pasig sa mabilis na aksyon ng alkalde.

Sana raw ay tularan si Vico ng iba pang local officials.

May mga kuwela ring nagsabi na "pa-ampon" na lang daw sila sa Pasig.

Habang ang iba naman ay hindi maiwasang lalong mabighani sa binata na hanggang ngayon ay single pa rin.

Narito ang iba pang sinabi ng netizens:

"SETTING THE BAR HIGH"

Continue reading below ↓


Continue reading below ↓

"SANA ALL, PA-AMPON SA PASIG"

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

"mahal kita, vico"

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

"PROTECT mayor VICO sotto"

Continue reading below ↓

MAKING his PARENTS PROUD

Si Vico ay anak nina Vic Sotto at Coney Reyes.

Isang netizen ang nagsabing siguradong naiiyak na sa sobrang proud parents nina Vic at Coney.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A netizen's reaction to Mayor Vico Sotto's approach to handling public health and transportation woes in Pasig City: "Amidst the chaos and the global health issues here's Mayor Vico Sotto! Huy sana all. Paampon sa Pasig!"
PHOTO/S: Vico Sotto Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results