Bela Padilla surpasses online fund-drive target; raises P3.3M for vendors affected by quarantine

by Jet Hitosis
Mar 18, 2020
In less than three days, Bela Padilla has raised a total of PHP3.3 million in online donations, surpassing her initial PHP1 million target that is meant to help informal workers affected by the enhanced community quarantine in Luzon.
PHOTO/S: @bela on Instagram

Sobra-sobra sa target ang cash donations na nalikom ni Bela Padilla.

PHP1 million ang target ng online fundraising ng 28-anyos na aktres hanggang sa March 31.

Pero sa loob lang ng wala pang tatlong araw, umabot na sa PHP3.3 million ang kabuuan ng donasyong ipinagkatiwala ng publiko kay Bela.

Ang fundraiser ay para sa informal workers na hindi makapagtrabaho ngayong nasa enhanced community quarantine ang buong Luzon.

WORK STOPPAGE FOR INFORMAL WORKERS

March 12 nang isinailalim ang Metro Manila sa community quarantine.

Hinimok ng gobyerno ang publiko na manatili sa loob ng bahay upang maiwasang kumalat pa ang coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Kasabay ng isang buwang extension sa class suspension, nagpatupad ng work-from-home setup sa ilang sangay ng pamahalaan at sa pribadong sektor.

Ngunit kaugnay nito, natigil din sa paghahanapbuhay ang informal workers, tulad ng ambulant vendors at jeepney drivers.

ONLINE FUND DRIVE

Nitong Linggo ng gabi, March 15, pinasimulan ni Bela ang isang online fundraising para magbigay ng food donations sa informal workers na pansamantalang hindi makapaghanapbuhay.

Continue reading below ↓

Tweet niya nitong Lunes ng madaling-araw, March 16:

“The best solution I came up with is for us to donate.

“I set up an account, and whatever money we do raise, let’s spilt 16 ways for the 16 cities of metro Manila affected by this community quarantine.

“I will personally see to it that the money we raise will go to the right people.”

Continue reading below ↓

Nagbukas ang aktres ng Pagkain Para Sa Pinoy page sa crowdfunding website na gogetfunding.com.

Lilikom ang page ng PHP1 million hanggang sa March 31 upang maipambili ng pagkain ng mga informal workers at ng kanilang pamilya habang wala silang pinagkakakitaan.

Apela ni Bela sa isa pang tweet: “Please help and share this link and let’s try to hit or surpass the target in one week because our local workers have all already been affected starting today [weary face emoji] thank you.”

Continue reading below ↓

Kaagad namang nagtulung-tulong ang social media followers ni Bela sa pagre-repost ng link ng Pagkain Para Sa Pinoy upang mas marami ang makalap na donasyon.

P1 MILLION IN LESS THAN TWO DAYS

Bandang 6:52 ng gabi nitong Martes, March 17, inanunsiyo ni Bela sa Twitter na naabot na nila ang PHP1 million target cash donations.

“We hit the target of 1,000,000 pesos!!!! [three hearts, three praying hands emojis] thank you!!!” tweet ni Bela.

“Looking for the best deals for food now and hopefully be able to deliver everything this week! THANK YOU [heart emoji]”

Continue reading below ↓

May 809 backers ang Pagkain Para Sa Pinoy.

Dahil na-reach na ang target, awtomatiko nang isinara ni Bela ang page na ito sa gogetfunding.com.

MARVIN AGUSTIN VOLUNTEERS RESTO KITCHEN

Nagkomento kay Bela ang dating aktor at ngayon ay matagumpay na restaurateur na si Marvin Agustin.

Ayon kay Marvin, 41, mas makatitipid si Bela kung gagamitin ng aktres, at ng mga magbo-volunteer na chefs, ang isa sa kanyang mga restawran sa paghahanda ng ipamamahaging pagkain.

Tweet ni Marvin: “Hi Bela. I can open one of my kitchens, lets look for cooks or chefs who can volunteer.

“That way we can make more food.

“This an inexpensive approach so you can provide more food. Let me know.”

Continue reading below ↓

Wala pang reply si Bela kay Marvin at press time.

Pagsapit ng 12:09 ng madaling-araw ng Miyerkules, March 18, nagbigay ng update si Bella sa kanyang Twitter followers.

“WE RAISED NEARLY 1.4M PESOS.

“FEEL GOOD ABOUT YOURSELF AND GIVE YOURSELF A HIGH FIVE IN THE MIRROR!

“IM PROUD OF ALL OF US [heart, praying hands, face throwing a kiss emojis]”

Continue reading below ↓

“SOMEBODY DONATED 2 MILLION PESOS”

Mag-aalas nuwebe ng umaga nang ginulat ni Bela ang kanyang Twitter followers sa latest update niya.

Ayon sa aktres, nagising siya sa tawag ng isang nagmagandang-loob na dagdagan ng PHP2 million ang nalikom ng kanyang online fund drive.

Hindi naman pinangalanan ni Bela ang nag-donate ng PHP2 million.

“I was just woken up by a call. Somebody donated 2 million pesos.

“We are now at 3.3M pesos. [three hearts, three praying hands emojis]”

Continue reading below ↓

LUZON-WIDE QUARANTINE VS COVID-19

Gabi ng March 16 nang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Sinimulan itong ipatupad hatinggabi ng March 17, at tatagal hanggang sa April 12, 2020.

Sa loob ng panahong ito, suspendido ang trabaho at lahat ng pampublikong transportasyon, habang isinara rin ang maraming establisimyento.

Layunin nitong kumbinsihin ang publiko na manatili sa loob ng bahay upang mapigilan ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Batay sa latest update ng Department of Health (DOH), nasa 187 na ang nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas.

Fourteen sa mga ito ang binawian ng buhay, ngunit pito ang gumaling.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In less than three days, Bela Padilla has raised a total of PHP3.3 million in online donations, surpassing her initial PHP1 million target that is meant to help informal workers affected by the enhanced community quarantine in Luzon.
PHOTO/S: @bela on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results