COVID-19 has KC Concepcion wanting to get married: "Ayoko na mag-isa."

by Bernie V. Franco
Mar 18, 2020
KC Concepcion says that once COVID-19 is gone, she intends to cross paths with the man she will marry: "Gusto ko na ngang mag-Tinder eh."
PHOTO/S: @itskcconcepcion on Instagram

Ipinangako ni KC Concepcion, 34, na pagtutuunan na niya ng pansin ang pag-aasawa sa oras na malampasan ang coronavirus disease outbreak.

“Ayoko na mag-isa,” bahagi ng Instagram post niya nitong Martes, March 17.

Kasalukuyang nasa enhanced community quarantine ang buong Luzon dahil sa pangambang dulot ng virus na idineklara nang pandemic.

Kaya si KC, solong naka-quarantine sa kanyang tirahan.

Sa kuwento ni KC sa Instagram, kinilig siya nang makita ang kanyang kapitbahay mula sa bintana.

Kinawayan daw nila ang isa't isa.

Lalo raw niyang naramdaman ang kanyang pagiging single nang magkapalitan sila ng mensahe ng kanyang personal assistant (P.A.) na si Puff.

Kasama kasi ni Puff ang special someone nito sa gitna ng mandatory home quarantine ngayon.

Post ng aktres (published as is): “While cooking today, I saw a neighbor from my window.

“We smiled and waved at each other, and oh my gosh it made my day”

“Pero itong P.A. ko na 6 days ko nang hindi kasama dahil sa self-quarantine, ito iniinggit pa ako eh!!! Buwisit.”

Continue reading below ↓

Ipinost pa ni KC ang screenshot ng palitan nila ng mensahe ni Puff. Makikita rito na ipinagluluto si Puff ng kanyang special someone.

Dugtong na post ni KC (published as is): “Dear God, after this pandemic promise ko sayo I will seriously consider marriage na.

“Ayoko na mag isa.

“And thank you din God na may na hanap si Puff na magaalaga sa kanya. Dream ko yun for her.”

Hirit na dalangin ni KC para sa sarili: “Me naman next Lord ha? hahahahaha #SanaAll”

Continue reading below ↓

Ganito rin ang ipinost ni KC sa kanyang Instagram Story.

Aniya: “Dear God, I promise after this pandemic I will finally seriously consider marriage.”

REACTION FROM NETZIENS

Sa comments section, ang kaibigan ni KC na si @celinibelini ay suportado ang kanyang resolusyong makahanap na ng love life.

Sabi ni @celinebelini: "Yes ask the (social media) universe?? and you shall receive babe!!"

Continue reading below ↓

Humirit naman si KC na natutukso na siyang subukan ang Tinder, isang geosocial networking at online dating application.

Komento niya: “I know gusto ko na nga mag Tinder eh.

“Pano ba yun baka nandito lang The One ko in Rockwell.”

May isang pang netizen (@pinksmatias) ang nagkomentong nakilala niya ang kanyang Spanish husband sa pamamagitan ng dating site.

Natuwa si @celinibelini at hinimok si KC na isa itong "sign" na subukan ng aktres ang dating app.

Pero dahil sa mandatory home quarantine, sinabihan nito si KC na makuntento muna sa pagkaway-kaway sa kanyang crush at sa paggamit ng dating app.

Biro naman ni KC, magandang senyales din ang pag-iibigang nabuo kahit malayo sa isa't isa.

“Hahahaha! At least I know he’s after my heart not my body right? Kidding hahahha!”

Continue reading below ↓

KC AND THE MEN IN HER LIFE

Karamihan sa mga napabalitang boyfriends ni KC ay mga artista at celebrity.

Ang huling lalaking na-link kay KC ay si apl.d.ap ng international group na The Black Eyed Peas.

Namataan umano silang magkasama noong December 2019.

Pero wala pang anumang kumpirmasyon mula sa dalawa kung may katotohanan ito.

Continue reading below ↓

Ang huling napabalitang naging boyfriend naman niya ay ang French businessman-filmmaker na si Pierre-Emmanuel Plassart.

Inanunsiyo ni KC ang pagbabalikan nila ng French guy noong August 2018, o limang taon matapos nila unang magkahiwalay.

Pero pagsapit ng July 2019, ginamit ni KC ang mga katagang “we single ladies” sa isang komento na nagpatibay sa mga haka-hakang muli silang naghiwalay ni Pierre.

Walang direktang pag-amin mula sa kanilang dalawa tungkol sa muling paghihiwalay, pero may mga sumunod na post si KC na nagpapahiwatig na single na nga siya.

Ang iba pang napabalitang boyfriends ni KC noon ay ang Kapamilya actors na sina Piolo Pascual at Paulo Avelino.

Naging boyfriend din niya ang former Azkals player na si Aly Borromeo, director-turned-politician na si Lino Cayetano, at singer na si Rico Blanco.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Concepcion says that once COVID-19 is gone, she intends to cross paths with the man she will marry: "Gusto ko na ngang mag-Tinder eh."
PHOTO/S: @itskcconcepcion on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results