Marvin Agustin alarmed after experiencing COVID-19 symptoms

by Bernie V. Franco
Mar 18, 2020
Actor Marvin Agustin says he couldn't get himself tested for COVID-19 because testing kits for the virus are still limited.
PHOTO/S: @marvinagustin on Instagram

Nangangamba ngayon si Marvin Agustin na baka mayroon siyang COVID-19 dahil sa mga sintomas na nararamdaman niya.

Ngayong umaga ng Miyerkules, March 18, ibinahagi ng 41-anyos na aktor sa kanyang Twitter followers na sunud-sunod na araw siyang nilagnat.

Kalakip ng kanyang tweet ang mga larawan na nagpapakita ng kanyang temperature.

Base rito, nilagnat siya ng tatlong araw.

Tweet ni Marvin (published as is): “I am not sure if I got corona virus, ive just recovered from high fever.

“Day 1: 38.2

“Day 2: 39.2

“Day 3: 38

“Day 4: 36.4”

Sabi pa niya, “Wala ako maaala na contact with any PUI [person under investigation].

“But since last Friday, wala na ako physical contact with my mom who lives [with] me that had undergone chemo coz of cancer.”

Continue reading below ↓

Pag-amin ng aktor: “Ganyan kami kaparanoid dito sa bahay.”

Sa kabila nito, hindi raw siya makapagpa-test kung positibo siya sa COVID-19 dahil wala na siyang sintomas at limitado pa rin ang testing kits sa mga ospital.

Ang magagawa na lamang daw niya ngayon ay maghintay.

Pahayag ni Marvin: “Mahirap pero lumalaban.

“Pero alam ko na may mas mahirap pang pinagdadaanan ang ibang tao.

“I cant get tested kasi wala na ako symptoms at hindi na daw ako priority to get tested dahil limited pa din ang testing kits.

“Nakakalungkot pero yun ang sitwasyon at kailangan maging pasensyoso sa paghihintay.”

Continue reading below ↓

MARVIN ENUMERATES HIS OTHER SYMPTOMS

May netizens naman na nagpahayag ng pag-aalala para kay Marvin.

Tinanong ng isang netizen ang aktor kung ano ang iba pang sintomas na nararamdaman niya.

Sagot ni Marvin: “Dry throat, mild coughing. Severe headache.”

Continue reading below ↓

Isang female netizen naman ang nagbahagi ng hotline kay Marvin na puwede nitong tawagan.

Ibinahagi rin ng netizen ang mga impormasyon tungkol sa sintomas ng taong posibleng nakuha ang virus.

Ang mga sintomas ng COVID-19 ay: “Fever, Tiredness, Dry Cough, Sore Throat, Runny Nose, Shortness of Breath.”

Ang sinumang nakararanas nito ay pinapayuhang tumawag sa hotline.

Continue reading below ↓

CHRISTOPHER DE LEON IS POSITIVE FOR COVID-19

Nito lamang Martes, March 17, kinumpirma ng aktor na si Christopher de Leon na nagpositibo siya sa COVID-19.

Bahagi ng Facebook post ng seasoned actor: “Today, our doctor confirmed that I have COVID-19.

"I’ve had no recent travel history outside of the Philippines and no known contact with anyone who is positive to have the virus.

Continue reading below ↓

Pero dahil daw sa kanyang trabaho, hindi raw maiwasan ni Christopher na makisalamuha sa iba’t ibang tao.

Hinimok naman ng aktor mga nakasalamuha niya, kabilang ang co-stars niya sa teleseryeng Love Thy Woman, na obserbahan ang kanilang kalusugan sa anumang sintomas.

"I therefore ask anyone who has come in contact me within the last week or two to observe stringent self-quarantine, observe for symptoms and follow the triage procedures published by the DOH, whether asymptomatic or not,” saad niya.

Si Christopher ang unang aktor sa Pilipinas na kilalang nagpositibo sa COVID-19.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Marvin Agustin says he couldn't get himself tested for COVID-19 because testing kits for the virus are still limited.
PHOTO/S: @marvinagustin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results