Pokwang hits back at bashers calling her "mayabang" for posting how she helped frontliners

by Jet Hitosis
Mar 18, 2020
Pokwang slams bashers of her posts about helping frontliners: “Damned if you do damned if you dont, sa mga nakukunsensya sa mga posts ko ng pagtulong and calling me papansin, hahahahaaa problema nyo nayan! pumikit nalang kayo at manalangin! yan nalang sana maitulong nyo sa bayan natin."
PHOTO/S: @itspokwang on Instagram

Nagngingitngit sa galit ang post ni Pokwang para sa mga pumupuna sa pagtulong niya sa frontliners na nagpapatupad ng quarantine.

Ayon sa 49-ayos na Kapamilya comedienne, “naiiyak” siya sa galit sa mga nakukuha pang batikusin ang pagtulong niya ngayong binubulabog ng matinding krisis ang mundo.

Mga pulis at sundalo ang nakabantay sa mga entry point sa Luzon habang ipinatutupad ang isang-buwang enhanced community quarantine sa rehiyon.

Sila rin ang tumitiyak na tanging mga exempted lang sa quarantine—kabilang ang health workers at emergency services frontliners—ang papayagang lumabas ng bahay.

Isinailalim ang Luzon sa pinaigting na quarantine upang mapigilan ang pagdami ng kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa bansa.

TUNA SANDWICHES FOR FRONTLINERS

Simula nitong Lunes, March 16, regular na ipinu-post ni Pokwang—Marietta Subong ang tunay na pangalan—sa Instagram ang ginagawa niyang pagtulong sa mga frontliners.

Nitong Lunes, ibinahagi ni Pokwang ang litrato niya habang gumagawa ng tuna sandwiches.

Ipamamahagi niya ang sandwiches sa mga pulis at sundalong nagbabantay sa checkpoints malapit sa kanilang lugar.

Continue reading below ↓

Taga-Antipolo City, Rizal si Pokwang.

Caption niya (published as is): “Goodmorning.... pa tuna sandwich po para sa ating mga pulis, sundalo sa checkpoint next naman sa mga doctors and nurses....

“wag mawalan ng pag asa matatapos din ito kapit lang mahal kong kababayan [praying hands, heart emojis] Lord Jesus will cover us with his holy blood trust in him lang paaakkk

“again PAALALA MANAHIMIK KA SA BAHAY PARA SA IKABUBUTI NG MGA MAHAL MO SA BUHAY AT NG BAYAN”

Continue reading below ↓

Nitong Martes, March 17, isa pang litrato ni Pokwang habang gumagawa ng mas maraming tuna sandwiches ang kanyang ipinost.

Kasama ng litrato ang dalawang videos.

Sa unang video, makikitang nasa loob ng sasakyan ang komedyana habang iniaabot sa medical workers ng Rizal Provincial Hospital ang mga nakabalot na tuna sandwiches.

Ang ikalawang video, mga tauhan naman ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang binibigyan ni Pokwang ng mga sandwich.

May isang litrato ring nakitang tinatanggap ng sundalo ang isang balot ng sandwiches.

Sulat ni Pokwang sa caption: “sa mundong puno ng takot at pangamba, ngiti nila ang nais kong makita at mahawa hindi ang CORONA [smiling face with smiling eyes, heart, praying hands, victory hand emojis]”

Continue reading below ↓

REPACKED RICE FOR THE POOR

Ngayong Miyerkules, March 18, litrato ng saku-sakong bigas at ang mismong pagre-repack ni Pokwang sa mga ito ang ipinost niya sa Instagram.

Ayon sa post ng komedyante, ipamamahagi niya ang mga ni-repack na bigas sa mga naka-mandatory home quarantine na hindi nagawang makapag-imbak ng pagkain dahil sa kakapusan ng budget.

Mababasa sa caption: “sa mga friends ko WALA muna video call at group chat hahahahhaaa busy ako mag re pack

“wait lang po para sa mga nasa bahay na alam nating kahit gusto nilang magtabi para sa lockdown e wala naman ipang ta tabing pagkain.

“kapit Lang ha matatapos din ito [praying hands, rainbow emoji]”

Continue reading below ↓

Kasabay ng post niyang ito ang kanyang Instagram Story na nagpapakita sa ilang bote ng vitamin C tablets at isang malaking plastic bottle ng alcohol.

Ayon sa teksto sa Story ni Pokwang, proteksiyon iyon ng kanyang mga kasambahay laban sa pagkakasakit.

Continue reading below ↓

POKWANG GETS PRAISES, BASHINGS

Umani ng paghanga, papuri, at pasasalamat ang serye ng posts na ito ni Pokwang mula sa kanyang 2.2 milyong Instagram followers.

Libu-libo ang bumilib sa kagustuhan ni Pokwang na makatulong sa frontliners ng gobyerno kontra COVID-19.

Pero may iilan ding bumatikos sa mga nabanggit na posts ng komedyana.

Opinyon ng isang netizen, hindi tamang ipinu-post ang pagtulong sa kapwa “kung talagang tulong ang after mo hindi para maka earn ka ng positive comments at likes.”

Continue reading below ↓

Hindi sinagot ni Pokwang ang netizen, pero idinepensa ang komedyante ng isa niyang fan.

Ikinumpara ng fan si Pokwang sa ibang celebrities na “mga walang ka kwenta kwenta ang ginagawa ipopost parin,” gayung pagtulong sa iba ang laman ng mga Instagram post ng komedyante.

Sagot ng netizen, iisa raw yata ang "trip" ni Pokwang at ng fan—ang “tipong tutulong tas ang after lang pala ay para makapag post.”

Continue reading below ↓

Ang parehong netizen, nagkomento rin sa isa pang naunang post ni Pokwang: “pag yayabang na yan poks! ikaw na mayaman.”

Ang isa pang Instagram user, ikinomento ang Bible verse na Matthew 6:3 tungkol sa pagtulong nang hindi isinasapubliko.

Mababasa sa Matthew 6:3, “But when you give to the needy, do not let your left hand know what your right hand is doing.”

Continue reading below ↓

Reply ni Pokwang sa netizen, minsan ay ginagamit ng Diyos ang mga tao para magbigay ng pag-asa sa panahon ng krisis.

Pinayuhan din ng komedyana ang netizen kung hindi nito nagugustuhan ang mga post niya.

“NAIIYAK AKO SA GALIT SA INYO!!!”

Makalipas ang ilang oras, nag-post si Pokwang ng galit na mensahe niya sa kanyang bashers.

Continue reading below ↓

Saad sa post: “Damned if you do damned if you dont,

“sa mga nakukunsensya sa mga posts ko ng pagtulong and calling me papansin, hahahahaaa problema nyo nayan!

“pumikit nalang kayo at manalangin! yan nalang sana maitulong nyo sa bayan natin POTAH KAYO!

Mas mababakas naman ang galit ni Pokwang sa all-capital letters na caption niya sa naturang post: “READ THIS MGA ANIMAL!!!!

“NAIIYAK AKO SA GALIT SA INYO!!!

“SA GANITO PA TALAGANG PANAHON??? HAA???

“SA GANITONG PANAHON MGA KAMPON NG BASHERS NA SATANAS????

“NGAYON PA TALAGA???

“HINDI ITO ANG TAMANG ORAS!!!”

Continue reading below ↓

Pinayuhan si Pokwang ng kapwa celebrities at ilang fans na huwag nang pansinin ang bashers at ituloy lang ang pagtulong sa kapwa.

Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta kay Pokwang ang best friend at kapwa komedyante niyang si K Brosas, gayundin sina Kris Aquino, Zsa Zsa Padilla, Jessy Mendiola, Korina Sanchez, at ang magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto.

Continue reading below ↓



Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang slams bashers of her posts about helping frontliners: “Damned if you do damned if you dont, sa mga nakukunsensya sa mga posts ko ng pagtulong and calling me papansin, hahahahaaa problema nyo nayan! pumikit nalang kayo at manalangin! yan nalang sana maitulong nyo sa bayan natin."
PHOTO/S: @itspokwang on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results