Vice Ganda appeals to public: "CEASEFIRE muna tayo sa patalinuhan at pabobohan."

by Bernie V. Franco
Mar 18, 2020
Vice Ganda: “Kahit mawala ang virus kung magpapatayan naman tayo e wala ring makakasurvive."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram

May pakiusap si Vice Ganda, 43, sa gitna ng gulo at kalituhang dulot ng kasalukuyang sitwasyon sa bansa.

Partikular na ang pagsasailalim ng buong Luzon sa enhanced community quarantine dahil sa pandemic na coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Nagkaroon ng di pagsasang-ayunan sa lipunan dulot ng banta ng virus at ang pagnanais ng gobyerno na masupil ito.

Halimbawa, hinihimok ng pamahalaan ang mga mamamayang huwag lumabas ng bahay para hindi na madagdagan pa ang mga kaso ng apektado ng virus.

Pero umaaray ang mga ordinaryong manggagawa, gaya ng informal workers, dahil kailangan nilang kumayod para may maipakain sa pamilya.

Sa madaling salita, pahirapan ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine dahil kailangang lumabas at kumita ng pera ni “Juan.”

Sa kabila nito, patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan—sa pamamagitan ng mga ahensiya nito—na matugunan ang mga hinaing ng mamamayan sa gitna ng krisis.

Pero maging sa social media, aktibong-aktibo ang marami, at ang bawat isa ay may kanya-kanyang kuru-kuro at sentimyento—mapa-ordinaryong mamamayan man, artista, personalidad, o pulitiko.

Continue reading below ↓

Ang kaguluhang ito ang nag-udyok kay Vice na mag-tweet ngayong hapon ng Miyerkules, March 18.

VICE ASKS FOR CEASEFIRE

“Wag tayong mag away away. Lalong lalo na sa panahong ito. Di makakatulong,” bungad ng It’s Showtime host sa kanyang unang tweet.

“Wag tayong magsalita na parang tayo lang ang tama, ang matalino at magaling.

“Wag tayong umasta na parang tayo lang ang may pagmamahal at malasakit sa kapwa, sa bayan at sa mundo.”

Continue reading below ↓

Batid ni Vice na magkakaiba ng opinyon ang mga tao, pero naniniwala siyang iisa lang ang hangad ng lahat—ang malampasan ang health crisis dulot ng coronavirus.

“Sa oras na to naniniwala ako na lahat tayo ay pareho lang ang intensyon.

“Yun ay ang makaraos at makatulong sa sitwasyon kahit papaano.

“SADYANG MAGKAKAIBA LANG TAYO NG MGA PARAAN AT ATAKE.

“Lahat tayo ay nagdadasal na matapos na ang krisis na ito.”

Continue reading below ↓

Pang-unawa sa isa’t isa ang pakiusap ng comedian-host.

“Hindi lang sa mga ‘walang makakain’ tayo dapat may compassion.

“Dapat sa lahat. OO SA LAHAT.

“Pati sa mga pinaparatangan nating walang compassion.

“Pahabain natin ang pang unawa sa isat isa.”

Babala pa ni Vice, “The more na nagagalit tqyo mas humihina ang ating immune system.

“CALMNESS IS STRENGTH.”

Continue reading below ↓

Bilang panghuli, apela ni Vice sa mga tao: “CEASEFIRE muna tayo sa patalinuhan at pabobohan.

“Kahit mawala ang virus kung magpapatayan naman tayo e wala ring makakasurvive.

“Hingang malalim.

“Gawing donasyon ang PANG UNAWA.

“GOD BLESS EVERYBODY.

“This too shall pass.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda: “Kahit mawala ang virus kung magpapatayan naman tayo e wala ring makakasurvive."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results