Ayala, Sy, Ang, Gokongwei, MVP, Ty, Tan, pour in hundreds of millions in fight against COVID-19

by Jet Hitosis
Mar 19, 2020
[L-R] San Miguel Corporation President-COO Ramon Ang, JG Summit Holdings President-CEO Lance Gokongwei, and First Pacific Company Ltd Chief Executive Manny V. Pangilinan make big moves to help fight the COVID-19 pandemic. Other big players are doing their lions' share: Hans Sy, Andrew Tan, Georgy Ty, Jaime and Fernando Zobel de Ayala, Vicki Belo.
PHOTO/S: sanmiguel.com.ph, jgsummit.com.ph, @iamMVP on Twitter

Tuluy-tuloy na bumubuhos ang donasyon mula sa pinakamalalaking conglomerates ng bansa upang labanan ang paglala ng COVID-19.

Ang malaking bahagi ng mga donasyon ay nakatuon sa kinakailangang medical supplies ng ating healthcare frontliners.

Ito ay sa harap ng patuloy na pagdami ng nagpopositibo sa virus sa bansa, na umabot na ngayon sa 202.

Batay ito sa latest update ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, March 18.

Sa bilang na ito, pito ang napagaling, habang 17 ang namatay.

HANS SY: HELPING PGH & Research institute

Kasunod nito, mabilis na umaksiyon ang pinakamalalaking kumpanya sa bansa.

Naglaan ang SM Group ng PHP100 million para mapabuti ang testing capacity ng Philippine General Hospital (PGH) at Research Institute for Tropical Management (RITM) kontra sa COVID-19.

Quoted ng CNN Philippines si SM Prime Executive Committee Chairman Hans Sy sa pagsasabing magdo-donate ang conglomerate ng mga face masks, gowns, visors, hoods, gloves, at shoe covers sa dalawang nabanggit na ospital.

Continue reading below ↓

Nakipag-ugnayan na rin ang kumpanya sa Manila Healthtek, Inc. para mamahagi ng 20,000 test kits sa mga government hospitals, sa oras na maaprubahan na ang mga ito.

Ang SM Supermalls ng mga Sy, iwe-waive raw ang rental fees ng kanilang mga tenants upang matutukan ng huli ang pagtulong sa sariling mga empleyado.

Ang SM Group ay pagmamay-ari ng pumanaw na business tycoon na si Henry Sy, ama ni Hans.

RAMON ANG: PROMISE OF ENOUGH FOOD STOCK, FREE FOOD PACKS

Kung medical supplies ang sasagutin ng SM Group, nangako naman ng sapat na food supply si San Miguel Corporation (SMC) President-Chief Operating Officer (COO) Ramon Ang.

Sa kanyang official statement, siniguro ni Ang na sobra-sobra ang stock ng pagkaing isu-supply ng kumpanya sa mga supermarkets sa Luzon sa mga susunod na linggo.

Magsu-supply din ng pagkain ang SMC sa mga pampublikong ospital at ilang government centers.

Nitong Miyerkules, kinumpirma ng kumpanya na nagsimula na itong mamahagi ng mga food packs sa Maynila.

Continue reading below ↓

Laman ng food packs ang mga canned goods, biskuwit, kape, gatas, bottled water, at palaman sa tinapay.

Una nang inihayag ng SMC na lumikha ito ng ethyl alcohol para mai-donate sa mga ospital at local government units (LGUs).

MVP: HOSPITAL PERSONNEL TO THE FRONTLINES

Samantala, frontline workers mismo mula sa pag-aaring Metro Pacific Hospitals ang ipinadala ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan sa iba’t ibang pagamutan.

Inihayag ito ng negosyante sa isang Twitter post nitong March 17.

Continue reading below ↓

Nag-import din ang kumpanya ni Pangilinan ng karagdagang PPE para i-donate.

Nakapagbigay na rin siya ng 4,000 liters ng alcohol sa mga pampublikong ospital, bukod pa may isinasagawang fundraising.

Sa hiwalay na tweet, sinabi ng businessman na tuluy-tuloy na susuweldo ang kanyang mga empleyado, at ang ilan ay tatanggap ng pinaagang 13th month pay habang hindi pa makakapagtrabaho.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Si Pangilinan ang managing director ng Hong Kong-based First Pacific Company, Ltd., na nagpapalakad din ng Metro Pacific Tollways, PLDT, Smart, Philex Mining.

JAIME & FERNANDO ZOBEL DE AYALA: HEALTH MASKS, ONLINE FUNDRAISING, RELIEF PACKAGE FOR EMPLOYEES

Aabot sa 10,000 N95 masks ang ipinamahagi ng AC Health ng Ayala Corporation sa PGH, RITM, gayundin sa ilang ospital sa Manila at Quezon City.

Ang GCash ng mga Ayala, naglunsad ng online donation drive para sa mga healthcare frontliners.

Kasabay nito, inihayag ng kumpanya na magkakaloob ito ng PHP2.4-billion relief package para sa mga empleyado at partners nitong mawawalan ng pagkakakitaan sa quarantine.

Hindi rin muna maniningil ng renta ang Ayala Group sa mga mall na kabilang sa mga isinara.

Ang Ayala Corporation ay pinamumunuan ng magkapatid na Jaime Augusto Zobel de Ayala, Chairman-Chief Executive Officer (CEO), at Fernando Zobel de Ayala, President-COO.

LANCE GOKONGWEI: TEST KITS, SNACK PACKS, protective equipment FOR medical frontliners

Nitong Miyerkules, naglaan ang Gokongwei Brothers Foundation (GBF), ang philanthropic arm ng JG Summit Holdings, Inc., ng PHP100-million fund para ipambili ng mga COVID-19 test kits at PPE ng mga health workers.

Continue reading below ↓

Ayon sa statement ng foundation, kabilang ang University of the Philippines (UP) Medical Foundation, Inc. at Philippine General Hospital (PGH) Medical Foundation, Inc. sa mga makikinabang sa donasyon ng GBF.

Aayuda rin ang mga subsidiaries ng Gokongwei Group, tulad ng Universal Robina Corporation (URC), Robinsons Land Corporation (RLC), at Robinsons Bank.

Mamamahagi ang URC ng kape, snacks, bottled water, cup noodles, at crackers sa mga health workers, ayon sa report ng Esquire Philippines.

Iwe-waive ng RLC ang rental charges sa lahat ng tenants nito sa mga commercial spaces, habang pinalawig naman ng Robinsons Bank ang loan payments.

Ang JG Summit ay pinangangasiwaan ng pamilya Gokongwei.

Kasalukuyan itong pinamumunuan ni President-CEO Lance Gokongwei.

Si Lance ay anak ng yumaong business tycoon-philanthropist na si John Gokongwei Jr. o tinatawag na Mr. John.

Ang Gokongwei Brothers Foundation ay pinamumunuan ng isa pang anak ni Mr. John, si Lisa G. Cheng.

George TY: P200 million

Miyerkules din nang nag-pledge ang Metrobank at GT Capital Holdings Group ng PHP200 million, ayon sa official statement ng kumpanya.

Continue reading below ↓

Ang malaking bahagi ng nabanggit na halaga ay gagastusin sa produksiyon ng test kits, na magmumula sa UP National Institutes of Health.

Bibili rin ng mga PPE para sa mga health workers.

Kumpirmado ring naglaan ng pondo ang conglomerate para sa mga empleyado at customers nitong maaapektuhan ng tigil-trabaho.

Ang GT Capital Holdings Group ay pag-aari ng banker at business magnate na si George Ty, founder ng Metrobank.

ANDREW TAN: I MILLION LITERS OF ALCOHOL, JOLLIBEE FOOD PACKS FOR FRONTLINERS

Ang Alliance Global Group ng business tycoon na si Andrew Tan, nangako namang magdo-donate ng isang milyong litro ng 70 percent disinfectant ethyl alcohol.

Ang alcohol ay ibibigay sa mga frontliners mula sa DOH, Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at maging sa mga LGUs.

Ayon sa kumpanyang nasa likod ng Emperador, Inc., iko-convert nito ang 850,000 liters ng stock nitong 96% ethyl alcohol, para magamit sa disinfection ng mga klinika at ospital kontra COVID-19.

Continue reading below ↓

Miyerkules ng gabi naman nang ianunsiyo ng Jollibee Group Foundation na magdo-donate ito ng PHP100 million halaga ng pagkain sa mga frontliners sa ospital at sa mga tumatao sa mga on-ground checkpoint.

Sa Facebook post ng foundation, sinabi ni Jollibee Food Corporation (JFC) CEO Ernesto Tanmantiong na tatanggap ang mga frontliners ng mga food packs mula sa iba’t ibang fast food chain restaurants ng kumpanya.

Continue reading below ↓

Ang JFC ay itinatag ng Filipino-Chinese billionaire na si Tony Tan Caktiong.

VICKI BELO: PERSONAL PROTECTIVE EQUIPMENT, EMPLOYEE BENEFITS

Ipinamigay ng cosmetic surgery firm na Belo Medical Group sa mga medical workers ang mga natitirang PPE stocks ng klinika.

Nangako itong muling magdo-donate kapag dumating na ang karagdagang supplies na inorder nila.

Sinabi rin ng Belo Medical Group CEO Vicki Belo na ibibigay ang suweldo at mga benepisyo ng mga empleyado sa kabila ng work suspension.

Maaga rin daw ire-release ang 13th month pay ng mga tauhan ng klinika.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
[L-R] San Miguel Corporation President-COO Ramon Ang, JG Summit Holdings President-CEO Lance Gokongwei, and First Pacific Company Ltd Chief Executive Manny V. Pangilinan make big moves to help fight the COVID-19 pandemic. Other big players are doing their lions' share: Hans Sy, Andrew Tan, Georgy Ty, Jaime and Fernando Zobel de Ayala, Vicki Belo.
PHOTO/S: sanmiguel.com.ph, jgsummit.com.ph, @iamMVP on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results