Heart Evangelista shocked by ugly reactions to her "inspiring post" about bone cancer patient

by Bernie V. Franco
Mar 19, 2020
Heart Evangelista on negative reactions to her post about bonce cancer patient who had to walk after the government suspended public transportation due to COVID-19 outbreak: “Ayoko na twitter. Kayo kayo nalang magaway. Tumulong nalang tayong lahat. Being toxic will not help. Good bye nalang. Di ko na kaya.”
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram

“I am truly sorry if I offended ‘you.’”

Bahagi ito ng mensahe ni Heart Evangelista nitong Miyerkules, March 18, para sa ilang netizens na nagalit sa kanyang retweet ng isang bone cancer patient na kinailangang maglakad patungong ospital dahil walang masakyan.

Simula pa noong March 17, sinuspinde na ang mass transportation kasunod ng anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa enhanced community quarantine ang Luzon, dahil sa panganib ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Bunsod nito, walang masakyan ang publiko papunta sa kanilang destinasyon.

Kahapon, ipinost ng GMA News via Twitter ang interview kay Cynthia Esperitu, isang bone cancer patient.

Kuwento ni Cynthia, kinailangan niyang maglakad mula Masinag sa Antipolo, Rizal hanggang sa checkpoint sa Marcos Highway.

Ang destinasyon niya ay ang Philippine General Hospital para sa kanyang monthly check-up.

Kapansin-pansin sa video na putol ang kanang paa at nakasaklay si Cynthia.

Ni-retweet ni Heart ang report sa paniniwalang inspiring ang kuwento ni Cynthia.

Continue reading below ↓

Caption niya: “Dearest Cynthia, thank you for inspiring others to smile and stay positive… God bless you and your friend”

UNEXPECTED COMMENTS FROM NETIZENS

Pero hindi inasahan ng 35-year-old Kapuso actress na pagsisimulan pala ito ng pagbatikos sa kanya.

May mga nag-tweet na hindi raw nakaka-inspire ang sitwasyon ng pasyente na kailangang maglakad dahil walang masakyan.

Noong una ay sumagot pa si Heart.

Tweet ng aktres: “I'm saying so many people are complaining at home while Cynthia is still trying to be very positive.

“Why are you hating so much? Guys, stop hating. Ang sama na ng mga nangyayari. Let's try to lift each other.”

Continue reading below ↓

Ayon pa kay Heart: “IM NOT HAPPY ABOUT THIS! I’m saying she is still smiling and trying to be positive .

“Guysssssssssss [crying emoji] stop this … lift each other and help! Not hate !”

Ramdam naman ang pagkadismaya ni Heart sa natanggap niyang pambabatikos.

Kaya tweet niya: “Ayoko na twitter. Kayo kayo nalang magaway. Tumulong nalang tayong lahat.

“Being toxic will not help. Good bye nalang.

“Di ko na kaya.”

Continue reading below ↓

Pero hindi nagpatinag ang ibang netizens.

Hinimok nila ang aktres na intindihing maigi ang sitwasyon ni Cynthia at ang konteksto ng report: walang choice ang pasyente kundi ang maglakad matapos iutos ng gobyerno ang suspensiyon ng mass transportation.

Narito ang tweets na kinontra si Heart:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Binura ni Heart ang kanyang pakikipagsagutan sa netizens.

Sa kanyang mga sumunod na tweet, nagpakumbaba ito.

HEART SAYS SORRY

Tila nang maunawaan ang katuwiran ng netizens, humingi ng paumanhin ang aktres.

Sumunod niyang tweet: “I deleted all my previous tweets . I understand the hate . I should have elaborated my sentiments more . I am sorry . So sorry...”

Continue reading below ↓

Paliwanag ni Heart, wala siyang masamang intensiyon nang i-retweet ang report tungkol sa pasyente.

“You may not see my heart and that’s ok so I just wanna say I am truly sorry if I offended ‘you’” sabi ng aktres.

Continue reading below ↓

Mensahe pa niya: “so sorry I really am [sad face] this is driving me crazy [sad face] I am so sorry”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heart Evangelista on negative reactions to her post about bonce cancer patient who had to walk after the government suspended public transportation due to COVID-19 outbreak: “Ayoko na twitter. Kayo kayo nalang magaway. Tumulong nalang tayong lahat. Being toxic will not help. Good bye nalang. Di ko na kaya.”
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results