Karen Davila, Anthony Taberna, K Brosas join “bayanihan” against COVID-19

by Jet Hitosis
Mar 19, 2020
(L-R) Karen Davila, Anthony Taberna, and K Brosas are the latest celebrities to reach out to frontliners while Luzon is under quarantine against COVID-19. Said they: Start small and start where you are!
PHOTO/S: @iamkarendavila, @iamtunying28, @kbrosas on Instagram

Nakibayanihan na rin ang broadcast journalists na sina Karen Davila at Anthony Taberna at ang comedienne-TV host na si K Brosas.

Sa sarili nilang paraan, kumikilos sila para makapagsilbi sa frontliners ng enhanced community quarantine na ipinatutupad ng gobyerno laban sa COVID-19.

Sa Instagram post ni Karen nitong Miyerkules, March 18, hinimok niya ang kanyang followers to “start small” sa pagtulong sa mga nangangailangan ngayong panahon ng krisis.

Sa mga litratong ibinahagi ni Karen, 49, makikitang namili siya ng mga pandesal at canned luncheon meat para sa mga security guard sa tinitirhan niyang condo tower.

Ayon sa post ng news anchor ng Bandila, ang ABS-CBN late-night news program, dahil sa quarantine ay hindi nakakauwi sa kanilang mga tahanan ang may 40 guards sa kanilang building.

Dahil dito, naisipan ni Karen na bilhan ng bigas, delatang pagkain, kape, at pandesal ang mga ito para may makonsumo sa mga susunod na araw.

Continue reading below ↓

KAREN: “DO WHAT WE CAN, WHERE WE ARE”

Post ni Karen: “How can we, ordinary citizens help? [praying hands emoji] Start small & start where you are.

“May 40 guards at staff sa building namin na hindi nakaka-uwi dahil sa quarantine.

“Marami sa kanila, hindi nakatira sa Metro Manila.

“Nainspire ako some of my friends shared & delivered home cooked meals to families.

“Unfortunately, di po ako marunong magluto [rolling on the floor laughing]

“But hoping that rice, canned goods, coffee and our favorite pandesal will help for a few days!

“Let’s start small. Do what we can, where we are [smiling face with smiling eyes emoji] God bless us all! We are all in this together [heart emoji] #covid19ph #bayanihan”

Continue reading below ↓

ANTHONY PROUD OF EMPLOYEES “NA MAY PUSO SA PAGTULONG”

Ang kapwa niya Kapamilya broadcaster na si Anthony, o Ka Tunying, nag-“flex” ng “malasakit” sa frontliners.

Tampok sa mga litrato sa post ni Anthony ngayong Huwebes, March 19, ang pagbabalot ng relief goods na ipamamahagi niya sa “frontliners.”

Laman ng bawat plastic bag ay bigas at ilang piraso ng canned goods.

Ti-nag din ni Anthony sa kanyang post ang misis niyang si Rossel Taberna.

Mensahe ng 45-year-old broadcaster: “Dahil marami na ang nag flex sa mga Frontliners, Maraming salamat din sa #backliners ( tagabalot) [face with tears of joy, thumbs up, praying hands, heart eyes emojis] #covid19 #unity #malasakit #sakripisyo #nagiingatparin #pagibigsakapwa #pagiiibigangmagkakapatid @rosseltaberna”

Continue reading below ↓

Nauna sa post na ito ni Anthony, ipinagmalaki niya ang kusang-loob na pagboboluntaryo ng ilang tauhan sa pagmamay-ari niyang restaurant, ang Ka Tunying’s Tagaytay, para tumulong.

Pinasalamatan ng radio broadcaster si Chef Ramron delos Santos sa pagluluto ng “magulay na hapunan” para sa mga awtoridad sa isang checkpoint sa Tagaytay.

Bahagi ng post ni Anthony: “Hindi ko mapigilang ipagmalaki ang aking mga kasama sa Ka Tunying’s Tagaytay.

“Katatapos lang bugbugin ng Bulkang Taal, ang totoo hindi pa nakakabangon, heto naman si Covid19.

Tinukoy ni Anthony ang pagsabog ng Bulkang Taal noong January 12, kung saan labis na naapektuhan ng ash fall ang Tagaytay.

Patuloy niya, “Pero dahil nauunawaan nila na higit na mahirap ang sitwasyon ng mas marami nating kababayan, hindi sila nag-atubiling maging positibo sa gitna ng kaligaligan.

“Suwerte ako sa ganitong mga empleyado - may puso sa pagtulong at pamamahagi.”

Continue reading below ↓

K brosas DISTRIBUTES FOOD FOR FRONTLINERS

Ang Magandang Buhay host na si K Brosas, namahagi ng mga pagkain sa healthcare frontliners.

Sinabi ni K, 44, na “gagawin ko to hanggat kaya ko.”

Dagdag pa ng TVhost/singer/comedienne, magpapadala rin siya ng pagkain sa mga pulis at sundalong nasa checkpoint.

Kasabay nito, hinikayat ni K ang kanyang 1.2 million Instagram followers na “pwede po kayo padala kahit ano Lang kaya nyo.”

Nagpaliwanag din si K kung bakit kinailangan niyang i-post sa social media ang kanyang ginawang pagtulong.

“I’m posting this para mahikayat kayo na walang maliit o malaki pag dating SA pagtulong, kahit nasa bahay Lang tayo pwede naman.

“Let us HELP from home..” bahagi pa rin ng post ni K.

Continue reading below ↓

CELEBS MOVING

Sina Karen, Anthony, at K ang latest celebrities na kusang-loob na tumutulong sa mga nangangailangan ngayong panahon ng krisis.

Sa pamamagitan ng online fundraising, nakalikom si Bela Padilla ng PHP3 million para sa informal workers na walang kikitain sa mga susunod na linggo.

Namahagi naman ng daan-daan libong face masks si Senator Manny Pacquiao.

Samantala, namudmod ng tuna sandwiches sa health workers at pulis si Pokwang, bukod pa sa mga bigas na ipinamahagi sa mahihirap.

Sa latest update ng Department of Health (DOH), umakyat na sa 217 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Walo na ang napagaling, habang 17 ang binawian ng buhay.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Karen Davila, Anthony Taberna, and K Brosas are the latest celebrities to reach out to frontliners while Luzon is under quarantine against COVID-19. Said they: Start small and start where you are!
PHOTO/S: @iamkarendavila, @iamtunying28, @kbrosas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results