DOH Secretary Francisco Duque in self-quarantine; to work from home

by Jet Hitosis
Mar 19, 2020
President Rodrigo Duterte (left) speaks with Health Secretary Francisco Duque (right) during a meeting with the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases at the Malacañang Palace on March 9, 2020.
PHOTO/S: Presidential Communications Operations Office

Naka-self-quarantine ngayon si Health Secretary Francisco Duque III.

Ito ay matapos siyang magkaroon ng exposure sa Department of Health (DOH) director na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Sa kabila nito, nilinaw ng 63-anyos na kalihim na magwu-work from home siya sa susunod na 14 na araw, habang patuloy ang monitoring niya sa COVID-19 pandemic sa bansa.

Sa isang report ng Manila Bulletin, quoted si Secretary Duque: “I’ll be working from home for now, for 14 days.

“I will continue to give orders to my entire DOH, which connects to the Inter-Agency Task Force [IATF] on Emerging Infectious Diseases.”

Sa pahayag sa media ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kinumpirma niyang sumailalim na sa COVID-19 testing si Secretary Duque.

Ito, aniya, ay kahit pa asymptomatic o walang anumang sintomas ng virus ang DOH chief.

Kabilang sa mga sintomas ng COVID-19 ang ubo, lagnat, pananakit ng katawan, at nahihirapang huminga.

Continue reading below ↓

Inaasahang lalabas ang resulta ng pagsusuri kay Secretary Duque sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw.

DOH DIRECTOR TESTED POSITIVE

Miyerkules, March 18, nang kumpirmahin ni Usec Vergerie na nagpositibo sa COVID-19 ang isa sa DOH directors.

Hindi pinangalanan ng undersecretary ang director, na isang lalaki at mahigit 50 taong gulang.

Tiniyak naman ni Usec Vergerie sa media na stable ang lagay ng pasyente.

Kaagad ipinag-utos ang pagse-self-quarantine ng lahat ng nakasalamuha ng director sa nakalipas na mga araw.

Kabilang sa kanila si Secretary Duque.

PRESIDENT DUTERTE CONTINUES TO WORK

Kaugnay nito, sinabi ngayong Huwebes, March 19, ni Secretary Christopher “Bong” Go na ipagpapatuloy ni Pangulong Rodrigo Duterte, 74, ang pagtatrabaho.

Ito ay sa kabila ng ilang araw nang nakakasalamuha ng Presidente si Secretary Duque.

Sa katunayan, batay sa text message ni Go sa media, nakipagpulong pa ang Chief Executive sa IATF ngayong Huwebes ng hapon.

Si Go ay longtime aide ni Pangulong Duterte.

Continue reading below ↓

15 NEW COVID-19 CASES, ANOTHER PATIENT RECOVERS

Sa latest update ng DOH ngayong araw, nakapagtala ng 15 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, may kabuuang 217 na ang kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas.

Kasabay nito, kinumpirma rin ng DOH na isa pang COVID-19 patient ang gumaling sa sakit.

Ayon sa kagawaran, nakalabas na ng ospital ang pasyenteng taga-Cavite matapos itong magnegatibo sa huling test.

Continue reading below ↓

Dahil sa latest development na ito, walo na ang kabuuang bilang ng gumaling sa COVID-19, habang 17 ang namatay.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
President Rodrigo Duterte (left) speaks with Health Secretary Francisco Duque (right) during a meeting with the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases at the Malacañang Palace on March 9, 2020.
PHOTO/S: Presidential Communications Operations Office
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results