Vivian Velez, netizens angered by Las Piñas relief op; mayor apologizes, changes system of distribution 

by Rachelle Siazon
Mar 20, 2020
An excerpt from Mayor Imelda Aguilar's (right) public apology after much-criticized relief op at the Las Pinas City Hall: "Ikinalulungkot namin ang nangyari kahapon kung saan ang ilang residente ng Las Piñas ay nagpunta sa City Hall."
PHOTO/S: Noel Orsal / Las Pinas resident / Imelda Aguilar Facebook

Sa halip na maglayu-layo dahil sa banta ng COVID-19, nauwi sa siksikan ang mga taong sumugod sa Las Piñas City Hall upang kumuha ng ayudang food packs.

Naganap ang insidente noong Miyerkules ng hapon, March 18.

Ang Las Piñas ay pinamamahalaan ni Mayor Imelda Aguilar, asawa ng dati ring mayor na si Vergel "Nene" Aguilar.

Bago ipinamigay ang relief goods, nakunan ng video si Mayor Aguilar na sinu-supervise ang pagbabalot ng food packs.

"Bilang tulong natin sa ating mga kababayan ngayon na may crisis, sisiguraduhin natin na hindi sila magugutom dahil may malasakit na nanggagaling sa ating lahat," pahayag ng alkalde.

Continue reading below ↓

vivian velez, others alarmed by zero social distancing

Isa ang aktres na si Vivian Velez sa mga nagulantang sa kawalan ng maayos na sistema sa Las Piñas relief op.

Nakarating sa kanya ang ilang litrato na nagkukumpulan ang mga residente sa tapat ng Las Piñas City Hall.

Halos hindi matukoy kung paano ang sistema sa pagpila dahil sa pagdumog ng tao sa loob ng compound.

Pahayag ni Vivian sa kanyang Facebook post: "Las Piñas residents gathered at the city hall today as the local government released relief goods.

"The Mayor of Las Piñas just threw the President’s orders right out the window.

"Kinumpromiso ang social distancing para sa isang kilo ng bigas... ang sakit sa pusong pagmasdan ang ganitong sitwasyon!"

Continue reading below ↓

SOCIAL DISTANCING

Ang insidente ay taliwas sa utos ng national government na ipinagbabawal ang mass gatherings para iwasan ang pagkalat pa ng COVID-19.

Lalo pa't ayon sa medical experts ay maaaring kumalat ang virus, hindi lamang kapag matindi ang sintomas (symptomatic) ng isang tao kundi pati na rin iyong human carrier na dinapuan ng virus pero walang nararamdamang sintomas (asymptomatic).

May iba ring netizens ang nabahala sa insidente sa Las Piñas dahil may mga nakapila pang senior citizens, na pinaniniwalaang mas prone na dapuan ng virus.

Continue reading below ↓

EYEWITNESS ACCOUNT

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isang residente ng Las Piñas na isa sa mga nakipila sa City Hall.

Tumanggi ang residente na banggitin ang kanyang pangalan.

Sa pakikipagpalitan ng mensahe sa Facebook kagabi, March 19, kinumpirma niyang pinapila sila sa City Hall para makatanggap ng relief goods.

Continue reading below ↓

Pero sabi ng Las Piñas resident, sa sobrang dami ng taong naroon ay hindi na siya umabot sa mga nabigyan ng food packs.

Tinatayang mga dalawang oras din ang itinagal niya roon.

Pahayag pa ng residente sa kanyang hiwalay na Facebook post (published as is): "Di kami nakakuha lahat kunti lang nabigyan naubusan marami naka pila hinde naka tanggap, umuwing walang dala pagkain.

"Ok lang sa akin wala ako makuha, pero yung iba kawawa naman, tuwang-tuwa naman sila sana, kaso kinagulat ng lahat ubos na."

Continue reading below ↓

MAY SOCIAL DISTANCING GUIDELINES, HINDI naman SINUNOD

Kuwento naman ng isa pang residente ng Las Piñas, hindi naman panay sa City Hall ang problema.

May pagkakamali rin ang kanyang mga kasamahan sa pila: hindi sila sumunod sa social distancing guidelines.

Published as is: "May mali din ang Tao matigas ang ulo sinabihan sila ng kapulisan natin 1 meter distance di natupad ang titigas din ng ulo ng taga las piños/piñia."

Dagdag niya, "nanggigil" nga siya sa isang babaeng walang pakundangan kung umubo habang nakapila sa bandang likod niya.

"Loko ka ate, hindi ka ba nahiya? Tinakpan mo na lang sana bunganga mo wala ka pa naman suot na mask."

LAS PIÑAS CITY GOVERNMENT Statement

Huwebes ng gabi, March 19, pormal na humingi ng dispensa ang pamunuan ng Las Piñas sa kawalan ng maayos ng sistema sa distribusyon ng relief goods noong March 18.

Sinabi rin sa kanilang statement na imbes na pagpilahin ang mga tao sa City Hall, iha-house to house na ang relief goods.

Continue reading below ↓

Nakasaad sa official statement ng Las Piñas officials:

"Ikinalulungkot namin ang nangyari kahapon kung saan ang ilang residente ng Las Piñas ay nagpunta sa City Hall.

"Ipinapaalam namin sa lahat, na ang relief goods at supplies ay ipapamahagi namin sa inyong mga tahanan para sa inyong kaligtasan.

"Maraming salamat po at gagawin po namin ang lahat ng aming makakaya para maiabot sa inyo ang inyong mga pangangailangan lalo na ngayong panahon ng krisis."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
An excerpt from Mayor Imelda Aguilar's (right) public apology after much-criticized relief op at the Las Pinas City Hall: "Ikinalulungkot namin ang nangyari kahapon kung saan ang ilang residente ng Las Piñas ay nagpunta sa City Hall."
PHOTO/S: Noel Orsal / Las Pinas resident / Imelda Aguilar Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results