President Rodrigo Duterte warns LGU officials: Comply with quarantine guidelines or face charges

by Jet Hitosis
Mar 20, 2020
President Rodrigo Duterte addresses local government officials on complying with enhanced community quarantine guidelines set by Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases against COVID-19.
PHOTO/S: Presidential Communications Operations Office

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na kakasuhan ang sinumang local government official na susuway sa kanyang guidelines.

Ito ay patungkol sa mga ipinatutupad niyang enhanced community quarantine guidelines kontra sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Binigyang-diin ito ng Presidente sa kanyang public address sa local officials, pasado ala-una ng madaling-araw ngayong Biyernes, March 20.

Giit ng Presidente, dahil “emergency of national proportions” ang COVID-19 pandemic, dapat national government ang nagtatakda ng mga patakaran sa pagpapatupad ng lockdown.

Ang quarantine guidelines na ipinatutupad sa Luzon simula nitong Martes, March 17, ay binuo ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Kabilang sa mga ito ang work suspension, pagpapasara sa maraming establisimyento, at pagbabawal sa lahat ng pampublikong transportasyon.

“HUWAG KANG MAGBIYAHE NANG SARILI MO”

“If you go beyond the standards that we have set, you are abusing your authority, and you know that it can lead to administrative cases, or even worse—unless you stop what you are doing—criminal cases cannot be far behind," anang Presidente.

Continue reading below ↓

Sinabi ng Pangulo na inatasan na niya ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Justice (DOJ) para magmonitoring kung nakatutupad ang local government officials.

Sakaling may mapatunayang pasaway na local officials, sinabi ng Presidente na may go-signal niya ang pagsasampa ng kaso ng DILG at DOJ laban sa mga ito.

“Do not try to overdo things or think that you can do what you want to do, because that is not allowed.

“We move in one direction precisely to place the contagion in control.”

Diin pa ng Pangulo: “Huwag kang magbiyahe nang sarili mo.

“Isa lang… sa gobyerno lang.”

Ayon sa Presidente, mahalagang nagkakaisa ang gobyerno sa pagpapatupad ng enhanced quarantine sa ngayon.

Aniya, social distancing ang pinakamainam na paraan upang mapigilan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Sa huli, nanawagan si Pangulong Duterte sa local government officials: “Implement the lockdowns and save our people from the dreaded disease once and for all.”

Continue reading below ↓

IS IT MAYOR VICO?

Sa buong public address ng Presidente, wala siyang binanggit na pangalan ng opisyal o sinuman na maaaring pinatutungkulan niya sa kanyang babala.

Pero sa nakalipas na mga araw, trending sa social media si Pasig City Mayor Vico Sotto dahil sa sariling initiatives para protektahan sa virus ang kanyang constituents.

Matapos bumili ng MG-1P drones para ma-disinfect ang iba’t ibang lugar sa Pasig, tiniyak ng 30-anyos na alkalde na magtutuluy-tuloy ang suweldo ng mga empleyado ng lungsod kahit na naka-home quarantine ang mga ito.

MAYOR ASKED TO “STICK TO GROUND RULES”

Gayunman, ang pagpapahintulot niyang makabiyahe sa Pasig ang mga tricycle ang gumawa ng kontrobersiya para sa binatang alkalde.

Pinayagan ni Mayor Vico ang pamamasada ng mga tricycle upang may makapagsakay sa healthcare frontliners, na exempted sa quarantine at kinakailangang magtrabaho.

Sinundan niya ito ng pakiusap sa national government na payagan ang mga tricycle sa Pasig upang may masakyan ang mga nangangailangan ng transportasyon.

Continue reading below ↓

Pero kinontra siya ni Cabinet Secretary Karlo Nograles at sinabihang “to stick to common ground rules.”

Sa isang television interview nitong Huwebes ng gabi, March 19, sinabi naman ni Mayor Vico na ihihinto na ang pamamasada ng mga tricycle sa Pasig, alinsunod sa quarantine guidelines.

Kasabay nito, may mga netizens na nagtanong: Ano ang kaibhan ng tricycles ni Mayor Vico Sotto ng Pasig sa Etrikes ni Mayor Isko Moreno ng Maynila? Bakit pinayagan ang Etrikes at hindi ang tricycles?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
President Rodrigo Duterte addresses local government officials on complying with enhanced community quarantine guidelines set by Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases against COVID-19.
PHOTO/S: Presidential Communications Operations Office
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results