Pita Revilla, mother of Bernard and Mico Palanca, passes away

by Bernie V. Franco
Mar 20, 2020
Pita Revilla, mother of actors Bernard Palanca (right photo) and Miko Palanca, passed away a few weeks after being diagnosed with cancer.
PHOTO/S: Instagram

Pumanaw na si Pita Revilla, ina ng mga aktor na sina Bernard at Mico Palanca.

Binawian ng buhay si Pita sa Amerika kahapon, March 19, dahil sa sakit na cancer.

Mahigit tatlong buwan lamang ang pagitan ng pagpanaw niya at sa pagpanaw ng anak niyang si Mico noong December 8, 2019.

Sa pamamagitan ng Facebook ngayong Biyernes, March 20, ibinahagi ng pinsan ni Pita, na si Ditas Santos, ang malungkot na balita tungkol kay Pita.

“Father God, I know Pita is now with You in Heaven. She is welcomed with hugs by Jesus as shown in this picture,” simula ni Ditas sa kanyang post.

“You have welcomed her into Your Paradise where there is no more sickness, pain, sorrow, and weeping, for in Your presence is the fullness of joy!"

Dagdag ng pinsan ni Pita, “It saddens us here on earth that we will not see her again and enjoy precious moments with her anymore but we lift up our sorrow and grief to you knowing she is in a much better place, she is with You now.

Continue reading below ↓

“Despite all the trials that she encountered in her life, she has always managed to pull through with a smile.

“She always had inner strength to endure every thing that came her way.

“In this life You embraced her with Your tender love by surrounding her with people who loved her unconditionally.”

">

Continue reading below ↓

Sa comments section, nabanggit ni Ditas na cancer ang dahilan ng pagpanaw ni Pita.

Sagot ni Ditas sa nagtanong: “[S]he found out 2 weeks ago when she had a check up that she had a cancer and that it had spread already.

“It was so sudden! [sad emoji]”

LYNN CRUZ's POST

Kinumpirma rin ni Lynn Ynchausti Cruz, misis ng veteran actor na si Tirso Cruz III, ang pagpanaw ni Pita.

Continue reading below ↓

Sa pamamagitan ng Instagram, ipinaabot ni Lynn ang pakikiramay sa mga naulila ng kaibigan.

Binalikan din niya ang mga huling pag-uusap at pagkikita nila.

Mensahe ni Lynn: "To the family of our dear friend Pita Revilla Hocson, my heartfelt condolences.

"Until now I am shocked of Pita’s sudden demise.

"No more pain, no more worries, no more tears for you my friend.

"I remember her telling me last year over the phone, 'I can’t imagine how you are feeling Lynn after having lost a dear son. I don’t want to be in your place. That must be so painful.'

"I told her, 'Pita, it is because of the Lord that is why I am handling this well. Without Him, I just cannot.'"

Ang tinutukoy ni Lynn ay ang pagpanaw ng kanyang panganay na anak na si Teejay Cruz, sa edad na 37, noong November 21, 2018.

Patuloy ng misis ni Tirso, "That was July of last year while I was in the US. Five months after, December 8, 2019, her son Mico [Palanca] died.

Continue reading below ↓

"Pita when home from the US, and when we saw each other at the wake of Mico, while holding hands, she told me, 'Now I know how it feels Lynn. It is so painful.'

"I told her, 'Jesus is the key. Just call on him, put him in your heart, because my strength and comfort comes from Him.'

"She nodded, and said 'Yes Lynn.'"

Sabi pa ni Lynn: "Last night, I received the news that our dear friend Pita passed away in the US due to cancer.

"Life is so short. We really don’t know when the Lord calls for us.

"We don’t know when our time is, only God knows.

"Let us love one another, take care of each other, pray, and most of all, put Jesus first in our lives!

"God bless us all."

Nagbahagi rin si Lynn ng isang Bible verse: "John 10:28-30 I give them eternal life, and they shall never perish; no one will snatch them out of my hand. My Father, who has given them to me, is greater than all; no one can snatch them out of my Father’s hand. I and the Father are one."

Continue reading below ↓

REVILLA CLAN

Si Pita ay mula sa Revilla showbiz clan.

Ang kanyang ama ay ang yumaong aktor na si Armando Goyena—Jose "Pinggoy" Goyena Revilla Jr. sa tunay na buhay—na leading man sa pelikula noong dekada '50.

Si Pita ang ikalima sa walong anak nina Armando at Paquita Roces.

Ang iba pa niyang mga kapatid ay sina Maritess, Tina, Johnny, Ces, Rossi, Malu, at Cita Revilla.

Continue reading below ↓

Pamangkin naman niya sina Bianca Araneta at Lexi Schulze.

Unang ikinasal si Pita sa race car driver na si Bernard Palanca Sr., na pumanaw noong maliliit pa ang mga anak nilang sina Bernard Jr. at Mico.

Paglipas ng ilang taon ay pinakasalan ni Pita si Dr. Lorenzo Hocson, na pumanaw noong 2008.

Si Dr. Hocson ang dating family doctor ni former Philippine President and Manila Mayor Joseph Estrada.

Nagpadala ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Potal) kay Ditas ngayong umaga, para ipaabot ang aming pakikiramay at makahingi ng karagdagang impormasyon sa pagpanaw ni Pita.

Pero hindi pa kami nakakatanggap ng sagot.

At press time ay wala pa ring bagong post si Bernard sa Instagram kaugnay ng pagpanaw ng kanyang ina.

Bukod kina BJ at Mico, ang iba pang anak ni Pita ay sina Lisa, Erika, Martin, at Santi.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pita Revilla, mother of actors Bernard Palanca (right photo) and Miko Palanca, passed away a few weeks after being diagnosed with cancer.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results