Vice Ganda donates boxes of medical supplies for COVID-19 frontliners

by Bernie V. Franco
Mar 20, 2020
Vice Ganda posts on Instagram the medical supplies he allocated for four hospitals to be distributed to COVID-19 frontliners.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram

Kung tulong pinansiyal at pagkain ang ipinaabot ng ilang artista ngayong may COVID-19 crisis sa bansa, personal protective equipment (PPE), alcohol, at disinfectants naman ang ipinamigay ni Vice Ganda sa ilang ospital sa Metro Manila.

Ngayong hapon ng Biyernes, March, 20, nag-post ang It’s Showtime host ng mga larawan ng kahon-kahong PPEs na idi-distribute sa apat na ospital sa NCR.

Tinukoy ni Vice ang laman ng mga kahon: N95 masks, medical disposable gloves, safety goggles, alcohol, at disinfectant sprays.

Apat na ospital ang makikinabang sa supplies na ito: Lung Center of the Philippines, Quezon City General Hospital, at Philippine Children Medical Center sa Quezon City; at San Lazaro Hospital sa Sta. Cruz, Manila.

Sa social media, maingay ang panawagan para sa supplies ng PPE para sa proteksiyon ng medical at health workers.

Itinuturing na bayani ang medical at health workers dahil kabilang sila sa frontliners sa pagharap sa banta ng COVID-19.

Continue reading below ↓

Nagpasalamat din si Vice sa frontliners para sa kanilang kontribusyon sa panahon ng krisis.

Caption ni Vice: "MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA LHAT NG MGA FRONTLINERS PARA SA PAGMAMAHAL AT PAGKALINGA NINYO SA MGA MADLANG PEOPLE!!!

“MABUHAY PO KAYO! PAGPALAIN NG DIYOS ANG INYONG KABAYANIHAN.”

Pinuri naman si Vice ng mga kapwa niya artista, kagaya nina Angel Locsin, Pokwang, Charlene Gonzalez, Bianca Gonzalez, Mariel Padilla, Jugs Jugueta, Liz Uy, at Ruffa Gutierrez.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

VICE GANDA’S MESSAGE TO DETRACTORS

Samantala, may mensahe rin si Vice sa mga pambabatikos ng bashers.

Sa gitna kasi ng health crisis na kinahaharap ng bansa, may mga netizens na itinutuon ang pansin sa ginagawa o hindi ginagawa ng iba, gaya ng mga artista.

Nitong Huwebes, March 19, isang netizen ang sinagot ni Vice sa Twitter.

Hindi na available ang tweet ng netizen, subalit sa sagot ni Vice ay matutukoy na pamba-bash ito ng pagtulong ng mga artista.

Banat ni Vice: “Wag nyo na po kaming pagka abalahan.

“Wag nyo na pong problemahin kung paano kami tumutulong.

“Ang isipin nyo na lng po ay kung paano kayo makakatulong.

“God bless you po. Pls be safe.”

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda posts on Instagram the medical supplies he allocated for four hospitals to be distributed to COVID-19 frontliners.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results