Jasmine Curtis Smith, Jake Ejercito, Bianca Gonzalez rally behind Mayor Vico Sotto

by Bernie V. Franco
Mar 21, 2020
Pasig Mayor Vico Sotto (left) earns the admiration of celebrities Jake Ejercito, Bianca Gonzalez, and Jasmine Curtis Smith.
PHOTO/S: GMA News TV (Vico) / Facebook (Jake), Instagram (Bianca, Jasmine)

Kahit mga celebrities ay napapahanga sa lideratong ipinakikita ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa gitna ng banta ng COVID-19 sa bansa.

Nitong mga nakalipas na araw, trending ang 30-anyos na mayor dahil sa kanyang inisyatibo, pagiging transparent, at pagiging hands-on sa pamumuno sa Pasig.

Ngunit mayroon ding hindi pumapabor sa diskarte ni Mayor Vico, at hindi siya ligtas sa bashers sa social media.

Gayunpaman, hindi maitago ng ilang artista at personalidad ang paghanga nila sa anak nina Coney Reyes at Vic Sotto.

JAKE EJERCITO

Isa sa mga nagpahayag ng admirasyon sa batang alkalde ay si Jake Ejercito, 29.

Sa pamamagitan ng Twitter nitong Huwebes, March 19, ito ang mensahe ni Jake para kay Vico:

"Chiming in to commend Mayor @VicoSotto.

“He’s exemplified genuine public service and the kind of change we still desperately need.

“It’s up to us to hold our other leaders to the same standards”. tweet ng binata.

Continue reading below ↓

Si Jake ay anak ni dating Manila Mayor Joseph "Erap" Ejercito Estrada, 82.

Nanungkulan si Erap ng dalawang magkasunod na termino, mula 2013 hanggang 2019.

Tumakbo si Erap para sa ikatlong termino noong 2019 elections, subalit natalo siya ni Isko Moreno, 45, na kakontemporaryo ni Vico.

Bago naging mayor ng Maynila, si Erap ay naihalal bilang ika-13 na Pangulo ng Pilipinas noong 1998 presidential elections.

Continue reading below ↓

Gayunpaman, hindi niya natapos ang kanyang termino nang mapatalsik siya sa puwesto noong 2001 dahil sa plunder charges.

JASMINE CURTIS-SMITH

May halong pagtatanggol naman para kay Mayor Vico ang mensahe ni Jasmine Curtis-Smith, na taga-Pasig.

Ni-retweet ng 25-anyos na aktres ang ulat ng isang broadsheet noong March 19.

Tungkol ito sa direktiba ni Manila Mayor Isko Moreno na i-deploy ang 189 e-trikes para sa paghahatid ng frontliners sa mga ospital ng Maynila.

Tweet ng Descendants of the Sun actress: “Sana i-reconsider din yung sa Pasig our Mayor has done so well!!!

“So glad to see new leaders setting a new norm for efficiency and strategic thinking. Sana dumami pa sila.”

Continue reading below ↓

Nauna kasi rito, nanawagan si Mayor Vico na payagang pumasada ang tricycles sa Pasig City.

Ito ay upang magkaroon ng transportasyon ang mga taga-Pasig na walang sariling sasakyan, na kailangang pumunta ng ospital para sa kanilang medical checkup o dahil sila ang nagtratrabaho sa mga ospital bilang frontliners ng lungsod.

Pahirapan kasi ang pagsakay dahil sa pagsuspinde sa public transport nang ipatupad ang enhanced community quarantine sa buong Metro Manila noong March 17.

Pero ang pakiusap ni Mayor Vico ay hindi napagbigyan ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Idiniin ng IATF na hindi maipatutupad ang social distancing kung papayagan nilang bumiyahe ang mga tricycle.

“Concerned talaga ang gobyerno dito sa paggamit ng tricycle dahil hindi namin lubos na makita or maintindihan paano mag-social distancing sa tricycle,” pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa isang briefing sa Malacañang noon ding Miyerkules.

Tugon naman ni Mayor Vico, susundin nila ang direktiba ng IATF.

Continue reading below ↓

Pero ang tanong pa rin ng marami: Kung pinayagan ang e-trikes sa Manila, bakit hindi ang tricycles sa Pasig?

ANTOINETTE JADAONE

Sunud-sunod din ang papuri ng film and TV director na si Antoinette Jadaone kay Mayor Vico, gayundin sa ibang mga alkalde sa Metro Manila.

Bilang taga-Pasig, ipinagmamalaki ni Antoinette ang kanilang mayor.

Tweet ng 35-anyos na direktor: "Sana alam nina Mayor Vico at Mayor Marcy [Teodoro ng Marikina City] na dahil sa pagiging competent nila, natutulungan din nila ang mga mamamayan ng ibang syudad at ng buong bansa.

"Nalalaman natin ngayon na pwede pala yun, yung lider na may malasakit, may aksyon, hindi lang puro pangako at papogi ang alam.”

Continue reading below ↓

Pinuri rin ni Jadaone sina Mayor Kit Nieto ng Cainta at Mayor Rex Gatchalian ng Valenzuela City.

Continue reading below ↓

Todo rin sa pagtatanggol si Antoinette kay Mayor Vico laban sa bashers.

Tweet niya: “Nag-uumpisa nang i-neutralize at i-discredit si Mayor @VicoSotto.

“Naisip siguro nila: Naku, nalalaman na ng masa kung ano ang good governance at effective leadership! Hindi maaari ito! Apektado tayo! Di na tayo makakapanloko!

“Us: Neqneq nyu pu! Namumulat na kami!”

Continue reading below ↓

Kabilang sa mga pelikulang ginawa ni Jadaone ay That Thing Called Tadhana (2014), You’re My Boss (2015), Never Not Love You (2018), at Alone/Together (2019).

Siya rin ang direktor ng Kapamilya teleseryeng On The Wings of Love (2015) at Till I Met You (2016).

BIANCA GONZALEZ, OGIE ALCASID

Proud Pasigueño rin ang ABS-CBN host na si Bianca Gonzalez, 37.

Tweet niya: “Ako ay taga Pasig at suportado namin at proud kami sa aming Mayor at sa kanyang buong opisina.

“Maraming Salamat, @VicoSotto.”

Continue reading below ↓

Simple pero malaman ang tweet naman ni Ogie Alcasid, 52, laban sa mga kritiko ni Vico.

Tweet nito: “#ProtectVico”

JAKO DE LEON

Feeling vindicated naman si Jako de Leon, 34, sa pananalig sa kakayahan ni Vico bilang public servant.

Tweet ni Jako noong March 18: “A couple of months ago, I read a post about how we shouldn’t praise Vico for 'doing his job.'

Continue reading below ↓

“To whoever said that, look at Vico now - He’s doing way above and beyond the call of duty. Always have. He is an exemplary example in whatever standard you hold him to.”

Si Jako ay anak ni Joey de Leon, ang kaibigan at katrabaho ng ama ni Vico na si Vic Sotto.

Continue reading below ↓

WHY VICO IS A HOT TOPIC NOWADAYS

May rason kung bakit protective ang mga tagasuporta ni Mayor Vico.

Sa kabila kasi ng pagpapamalas nito ng kakayahan bilang isang mabuting lider, hindi maiiwasang mapuna siya bilang mayor ng isang siyudad sa panahon ng enhanced community quarantine.

Sa episode ng ABS-CBN News primetime na TV Patrol ng March 19, nagbitaw ng unsolicited advice ang news anchor at former vice president na si Noli de Castro sa panawagan ni Mayor Vico na payagang mag-operate ang tricycles sa Pasig.

Nagkomento si Noli na “baka hindi alam” ng batang alkalde na may designated bus ang gobyerno para magamit na transportasyon sa iba't ibang lungsod ng Metro Manila.

At baka raw kasi, kapag pinayagan si Mayor Vico, hilingan din ito ng ibang mayors sa Metro Manila.

Ang pahayag na ito ni Noli ay umani ng matitinding batikos mula sa netizens at tagasuporta ni Mayor Vico.

Hindi rin maiwasang maikumpara si Mayor Vico sa mayors ng ibang lungsod.

Continue reading below ↓

Naging tampulan ng tukso at puna sa social media ang ibang city mayors na hindi kasing-ingay ang mga ginagawa tulad ng kay Vico.

Nakiusap na mismo ang Pasig City mayor na huwag "pagsabungin" silang namumuno sa local government units (LGU).

"Kaya kailangan po, yung mga LGU, hindi po dapat negatibo yung comparison kundi magtulungan na lang po kami,” pahayag ni Vico sa panayam sa kanya ni Jessica Soho sa 24 Oras noong Huwebes, March 19.

Hindi rin nakaligtas si Vico sa bashers at trolls sa social media.

Tinawag siyang “pabebe” at “madaming hanash” dahil sa kanyang diskarte.

Pero walang balak pag-aksayahan ng panahon ng mayor ang mga kritiko niya.

Sa isang komento sa social media, sinagot ni Vico ang isang netizen na sinabihan siyang huwag pansinin ang bashers.

Bahagi ng tugon ni Mayor Vico: "Wala po kaming panahon makipaglaban sa mga trolls at paninira.

"Lahat na lang gusto nilang gawin politika.

Continue reading below ↓

"We are just trying to do our best to SAVE LIVES."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pasig Mayor Vico Sotto (left) earns the admiration of celebrities Jake Ejercito, Bianca Gonzalez, and Jasmine Curtis Smith.
PHOTO/S: GMA News TV (Vico) / Facebook (Jake), Instagram (Bianca, Jasmine)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results