4 new QC COVID-19 patients sent home for lack of hospital beds; Pokwang, Alex Gonzaga concerned

by Bernie V. Franco
Mar 22, 2020
Kapamilya stars Pokwang (left) and Alex Gonzaga react to news that four COVID-19 patients in Quezon City were sent home because there was no more space in city hospitals.
PHOTO/S: @pornstar_roviel and @cathygonzaga on Instagram / GMA News

Nagbigay ng suhestiyon ang Kapamilya stars na sina Alex Gonzaga at Pokwang sa balitang apat na COVID-19 patients sa Quezon City ang pinauwi dahil sa kakulangan ng espasyo sa mga ospital ng lungsod.

Kinumpirma mismo ni Mayor Joy Belmonte ang balitang ito sa GMA-7 primetime news program na 24 Oras nitong March 21, Sabado.

Base sa pinakahuling datos, umabot na sa 44 ang confirmed COVID-19 cases sa Quezon City.

Sa ulat ng 24 Oras kagabi, ipinaliwanag na ang tatlo sa bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod ay walang travel history: 49-anyos na male cook na nakatira sa Bgy. Tatalon; 25-anyos na male call-center agent mula Bgy. Masagana; at 60-anyos na housewife na dialysis patient mula Bgy. Ramon Magsasay.

Ang ika-apat na pasyente ay isang 51-anyos na negosyante mula Bgy. Bungad na bumiyahe sa Japan.

Paliwanag ni Mayor Belmonte, “Nasa bahay ang mga pasyente, ‘no, dahil nga sa kakulangan ng mga kama or mga kuwarto sa ating mga ospital.

Continue reading below ↓

“Ibig sabihin nun, nakipagkapwa na sila doon sa mga kapitbahay at sa kapamilya nila, so the risk is now multiplied, ‘no?

“At ngayon, we now have to test all of their family members.

"Sa isang bahay, maaaring tatlo, apat na pamilya ang nakatira doon, maaaring tabi-tabi talaga ang mga bahay, the risk of transmission is much, much greater, 'no?

“So we have to take extra precautions kapag ang communities na po natin ang naaapektuhan.”

ALEX AND POKWANG REACT

Ngayong Linggo, March 22, sa pamamagitan ng Twitter, inihayag nina Alex at Pokwang ang saloobin tungkol sa pagpapauwi ng COVID-19 patients sa Quezon City.

Nangangamba si Alex, 32, na baka lalong matagalan bago masupil ang banta ng COVID-19 dahil sa pagpapauwi sa mga ito.

Mensahe ng TV host-vlogger: “Nakakalungkot naman to watch an interview saying Covid patients are sent home because of lack of space sa facilities.

“We want this quarantine to end so people can get back on their feet na but with this kind of news from the authorities baka ma-prolong pa. Lord pls help us!”

Continue reading below ↓

May munghaki naman si Pokwang, 49, kung paano posibleng maremedyuhan ang kakulangan ng espasyo para sa mga magpopositibo sa virus.

Aniya (published as is): “E bakit hindi po gamitin ang Araneta Coliseum para doon pansamantala gamutin ang mga nag positibo sa virus?

“kesa pauwiin kawawa naman ang family nila lalo na kung may bata [crying emoji] or matatanda?

Continue reading below ↓

“wala naman gagamit non at wala naman mag Co concert sa panahon na ito!!!”

Posibleng nakuha ni Pokwang ang ideyang ito sa De La Salle University (DLSU), na pansamantalang pinatuloy ang 61 homeless individuals sa Razon Sports Center.

Ang Enrique M. Razon Sports Center ng DLSU ay 10-storey building na nakatayo sa Malate, Manila.

Continue reading below ↓

Sina Alex at Pokwang ay parehong residente ng Rizal—si Alex ay taga-Taytay at si Pokwang ay taga-Antipolo.

As of March 22, kinumpirma ng Department of Health na umakyat na sa 380 ang kaso ng COVID-19 cases sa Pilipinas; 25 dito ang namatay at 17 ang naka-recover.

For more stories on COVID-19, please CLICK HERE.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya stars Pokwang (left) and Alex Gonzaga react to news that four COVID-19 patients in Quezon City were sent home because there was no more space in city hospitals.
PHOTO/S: @pornstar_roviel and @cathygonzaga on Instagram / GMA News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results