Kaye Abad, Paul Jake Castillo slam netizen for calling them "walang disiplina"

by Rachelle Siazon
Mar 23, 2020
Kaye Abad and husband Paul Jake Castillo clarify that they are not staying at a public beach resort but a rest house owned by the former PBB housemate's family (right photo).
PHOTO/S: @pauljake_castillo / @kaye_abad Instagram

Tinabla ng mag-asawang Kaye Abad, 37, at Paul Jake Castillo, 35, ang akusasyon ng isang netizen na wala umano silang disiplina.

Kaugnay ito ng litrato ni Kaye, kasama si Paul Jake at kanilang two-year-old son, sa isang beachfront property sa Catmon, Cebu.

Ibinahagi ni Kaye ang litrato sa kanyang Instagram account, Linggo ng hapon, March 22.

Continue reading below ↓

Sa comments section, kinondena ng isang netizen ang umano'y paglalagalag ng celebrity couple sa gitna ng krisis sa bansa dala ng COVID-19.

Ang Cebu City ay sumailalim sa community quarantine mula noong March 16.

Sabi ng netizen, ang pagpunta sa beach nina Kaye at Paul Jake ay "an example of undisciplined pinoy."

Naglagay rin ang netizen ng hashtag na "#NOTOCovid."

Pero lumabas na wala sa pampublikong lugar si Kaye, at hindi sumuway sa ipinagbabawal na mass gathering para maiwasan ang pagkalat ng novel coronavirus disease.

Paglilinaw ni Kaye (published as is): "it's a family owned beach house po.

"Hindi ko nilagay sa caption na it was my husband's because i don't want to sound mayabang.

"Sana na explain ko po ng maayos."

Continue reading below ↓

Nag-comment din si Paul Jake at biniro ang aktres tungkol sa pambabatikos dito ng netizen.

"@kaye_abad hahahaha. Ayun tuloy. Walang disiplina. I got you tho."

Nagpatutsada naman si Paul Jake na "bogits" ang netizen.

Ang "bogits" ay slang ng Bisaya para sa salitang bobo.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay hindi na makita ang comment ng bumatikos kina Kaye at Paul Jake.

NETIZENS DEFEND KAYE AND PAUL JAKE

Pero may ilang followers ang couple na sumita sa netizen na hindi raw dapat ito manghusga na pasaway sina Kaye at Paul Jake.

Lalo pa't pag-aari pala ng pamilya ni Paul Jake ang beach house sa Catmon, Cebu.

Ang Catmon ay one-hour-and-forty-five-minute drive mula sa Cebu City kung saan naninirahan ang celebrity couple.


Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kaye Abad and husband Paul Jake Castillo clarify that they are not staying at a public beach resort but a rest house owned by the former PBB housemate's family (right photo).
PHOTO/S: @pauljake_castillo / @kaye_abad Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results