Sandy Andolong upset over fake news about husband Christopher de Leon's makeup artist

by Gorgy Rula
Mar 23, 2020
Habang nasa ospital si Christopher de Leon matapos magpositibo sa COVID-19, ang kanyang misis namang si Sandy Andolong, na immuno-compromised, ay naka-quarantine sa isang kuwarto sa kanilang bahay.
PHOTO/S: Screen grab from Video

Hindi naniniwala si Sandy Andolong na mayroon pang ibang naging positive sa COVID-19 sa Love Thy Woman, ang ABS-CBN drama series na kinabibilangan ng mister niyang si Christopher de Leon.

Noong March 18 ay inanunsiyo ni Christopher, 63, na nagpositibo siya sa COVID-19.

Wala pang inilabas na statement ang ABS-CBN kaugnay rito, ngunit patuloy pa rin daw naka-self-quarantine ang mga nakasalamuha ng aktor sa taping ng teleserye.

Sa kasalukuyan ay nasa ospital pa si Christopher, ngunit malapit na raw ma-discharge.

Sa panayam ni Sandy sa radio program naming Showbiz Talk Ganern sa DZRH nung Linggo ng gabi, March 22, sinabi niyang regular ang communication nila ng mga taga-Love Thy Woman, partikular na ang business unit head na si Ms. Carlina dela Merced.

So far, okay raw lahat ng naka-self-quarantine.

“Wala sa akin sila nakukuwento.

“Probably, ako naman ang una niyang sasabihan, ‘no.

“She will let us know. Nag-home quarantine lang sila,” pakli ni Sandy.

Continue reading below ↓

FAKE NEWS ABOUT CHRISTOPHER’S MAKE-UP ARTIST

Nakaka-upset lang daw ang mga ikinakalat na fake news, gaya ng namatay na raw ang makeup artist ni Christopher sa Love Thy Woman.

“Eto ngang make-up artist niya, e. Natsitsismis na namatay na raw sa Taytay.

“That’s really, really sad. Hindi nakakatuwa.

“Because it’s very stressful for the other person… sa pamilya niya,” malungkot na pahayag ni Sandy.

Nakakadismaya raw na ang bilis mag-post ng iba sa kanilang social media, kahit hindi pa naman nakumpirma sa taong involved.

“They should be very careful of what they post, ha?

“They have to make sure na it’s really true, and it’s a fact. Dapat manggaling sa kinauukulan.

“They cannot just post anything,” saad pa ng 58-anyos na aktres.

COVID-19 POSITIVE PATIENTS HAVE TO COME OUT

Kung sakaling mayroon mang nag-positive, dapat nga raw ilabas sa publiko para maging aware ang mga taong nakatrabaho o nakasalamuha nila.

Continue reading below ↓

Kaya si Sandy raw mismo ang nag-engganyo kay Boyet na ilabas na ito agad sa publiko.

“I think, by not coming out is a big disservice to other people.

“Pero hindi lang naman siya, the rest na nag-positive and who came out in the open.

“Whether kilala sila o hindi, pinost nila right away,” sabi pa ni Sandy.

Napagtanto ni Sandy na kung sakaling may nahawa man ang asawa niya, siya muna bago ang ibang taong nakatrabaho o nakasalamuha ng aktor.

“Actually, kung meron mang dapat na tamaan diyan, ako yun, e.

“High-risk ako, e, because I’m a kidney transplant patient.

“At saka I’m always in contact with Bo the whole time.

“Iyon ang basis ko ngayon, e. I’m okay.

“If I’m okay, dapat na mas pa yung any normal people na nakahalubilo niya.

“E, araw-araw sa akin umuuwi, e,” pahayag ng aktres.

SANDY IN SELF-QUARANTINE

Isang linggo nang naka-home quarantine si Sandy, at hindi raw talaga siya lumalabas ng kuwarto.

Continue reading below ↓

Okay raw ang pakiramdam niya sa ngayon. Pero para safe sa lahat, kailangan niyang sundin ang 14-day quarantine.

Okay rin daw ang anak nilang si Mica at ang iba pa nilang kasamahan sa bahay.

“Yung 14-day quarantine… wala namang problem, life goes on for us. Very normal silang lahat.

“Ako lang. I’m more careful, kasi high-risk ako.

“So I just stay in my room, but my doctors are very thankful dahil wala namang lumalabas na symptoms sa akin.”

Sabi pa ni Sandy, “Hindi talaga ako lumalabas ng kuwarto.

“Sila malalayo, tapos ni-require ko sila to use the gloves, at saka naka-mask.”

HOW IS BOYET?

Araw-araw rin silang nagbi-video chat ni Christopher, at nakikita naman daw ni Sandy na masigla na ang asawa.

“Guwapo pa rin siya,” nakangiting pakli ng aktres.

“By God’s grace, hindi naman serious na serious si Christopher, ‘no?

“In-address lang nila yung rhinitis niya saka yung mild cough. Pero ngayon, okay na siya.

Continue reading below ↓

“Ang ginagawa lang sa kanya ngayon, nasal spray, saka yung sa allergy niya.

“So far, yun ang inu-observe nila, wala namang symptoms na bago na lumalabas.

“So, I think they’ll give another test to see kung anong results this time.

“Actually, mas masakit pa yung ano niya… nagkaroon siya ng mild fracture sa back.

“The night before siya na-hospitalize, medyo nadulas siya sa hagdan, e.

“Required lang ng DOH [Department of Health], pag nag-positive ang isang tao, tapos over 60, required nila to go to the hospital para ma-quarantine,” paliwanag niya.

GRATEFUL TO FRONTLINERS

Paulit-ulit na nagpasalamat si Sandy sa lahat ng doctors, nurses, at staff na nag-aasikaso sa asawa niya sa hospital at sa lahat ng COVID-19 patients.

Naikukuwento raw sa kanya ni Boyet kung paano sila alagaan ng medical personnel sa hospital.

“Overwhelmed siya sa… the people who worked dun sa wing ng hospital kung saan may mga positive na COVID patients.

Continue reading below ↓

“These people have been working there for months. Hindi sila umuuwi, pati ang mga doctors.

“Sabi nga ni Bo, they’re so patient, they’re all so nice, and yung concern nila is very sincere.

“Kanina nga, kausap ko siya, pumasok yung nurse, nagpasalamat ako, e.

“Kasi mahirap, hindi mo naman puwedeng samahan yung asawa mo.

“So, I thank all of them, dun sa hospital na who take care not only of my husband, but lahat na pasyente, na sina-sacrifice nila ang sarili nilang health,” saad ni Sandy.

Gusto ring ipaabot ni Sandy ang pasasalamat sa lahat ng nagdarasal at nagpapadala ng mensahe sa kanila magmula nang in-announce ni Christopher na COVID-19 positive siya.

“I’d like to thank everyone, sa co-workers, lahat sa entertainment industry, friends, even people we don’t know.

"Endless ang messages nila, that they’re praying for us, we are in their thoughts, and they hope for the best.

“Thank you very much, sa lahat ng taong nagmi-message sa akin sa Instagram, sa Messenger, even kay Christopher,” pahayag ni Sandy.

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Habang nasa ospital si Christopher de Leon matapos magpositibo sa COVID-19, ang kanyang misis namang si Sandy Andolong, na immuno-compromised, ay naka-quarantine sa isang kuwarto sa kanilang bahay.
PHOTO/S: Screen grab from Video
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results