QC government denies using garbage truck in delivering relief goods

by Arniel C. Serato
Mar 23, 2020
Quezon City government denies on Facebook that a barangay is using garbage truck in delivering relief goods.
PHOTO/S: Credit to the owner

Mariing pinabulaanan ng Quezon City government na garbage truck ang pinagpasa-pasahang larawan sa Facebook ng isang sasakyang may lamang relief goods.

Base sa mga nagkomento sa Facebook post, mukhang trak daw ng basura ang pinagsakyan ng relief goods na ipamamahagi sa mga residente ng lungsod.

Ilang netizens ang nag-repost ng nasabing larawan at binatikos ang mga opisyales ng Quezon City, partikular na ang alkalde ng lungsod na si Joy Belmonte.

Continue reading below ↓

AIKO MELENDEZ: “MY HEART BLEEDS…”

Kabilang din ang aktres na si Aiko Melendez sa nagbahagi ng post na ito sa Facebook.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Aiko na "para naman di makatao" na isang "truck ng basura" ang pinaglagyan ng relief goods para sa mga residente ng Quezon City.

Pahayag niya (published as is): “Parang di ko na matiis to ahh.. Bakit naman po hinayaan ng barangay na ilagay ang relief goods nila sa truck ng basura?

Continue reading below ↓

“Para naman di makatao ang trato nyo sa mga constituents nyo.

“Kng ako ay taga barangay Tatalon ipapasoli ko mga relief goods na yan dahil baka yan pa maging sanhi ng sakit..

“Dipa nga tapos ang mga problema sa QC dagdag nanaman to .????

“My Heart bleeds more now Hindi porket mahirap mahirap dn ang pagtrato nyo po. Sino ba inaasahan nyo sa tuwing eleksyon hindi po ba sila?!”

Si Aiko ay naging konsehal ng second district ng Quezon City sa loob ng tatlong termino, mula 2001 hanggang 2010.

Noong 2010 elections, nagkatunggali sina Aiko at Joy Belmonte para sa posisyong vice mayor. Tinalo ni Joy si Aiko.

Ang katiket ni Joy na si Herbert Bautista ang nanalong mayor noon.

Nang matapos ang termino ni Herbert noong 2019, tumakbo at nanalong mayor si Joy.

Continue reading below ↓

NOT GARBAGE TRUCK

Sa official Facebook page ng Quezon City, nilinaw ritong cargo/utility truck, hindi garbage truck, ang sasakyang ginamit sa pagdadala ng relief goods.

Ang cargo/utility truck daw na ito ay ginagamit ng Barangay Pasong Tamo.

Nakasaad sa kanilang statement: “Mula kay Brgy. Chairperson Banjo Pilar: Ang truck na ginamit sa paghahakot ng relief goods ay isang Cargo/Utility Truck na ginagamit sa maraming pangangailangan ng Barangay Pasong Tamo, Quezon City.”

Nakalagay rin sa pahayag ng kapitan: “Bilang paglilinaw, nais namin ipahayag sa publiko na ang ginamit na truck sa paghahakot ng relief goods para sa mga residente ng Barangay Pasong Tamo, Qc. ay isang Cargo/Utiliy Truck na ginagamit sa maraming pangangailangan ng barangay lalo na sa oras ng kalamidad.

"Maraming salamat po! #covid19 [boxing glove, face with medical mask emojis]”

Continue reading below ↓

Komento naman ng ilang netizens, hindi pinangalagaan ng barangay chairman ang kapakanan ni Mayor Joy.

Lalo na ngayong sentro ng pambabatikos ang liderato ng alkalde kaugnay ng kinahaharap na COVID-19 crisis ng bansa.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Quezon City government denies on Facebook that a barangay is using garbage truck in delivering relief goods.
PHOTO/S: Credit to the owner
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results