Carlo Aquino, Jake Ejercito, Enchong Dee, Arnold Clavio take a swipe at trending lawmakers

by Rachelle Siazon
Mar 23, 2020
Do Carlo Aquino, Jake Ejercito, Enchong Dee, and Arnold Clavio agree with netizens tagging certain lawmakers as "#angkakapal?"
PHOTO/S: @jose_liwanag / @unoemilio / @mr_enchongdee / @akosiigan Instagram

Hindi napigilang magpatutsada ng ilang artista at media personalities sa pagpapalapad umano ng papel ng ilang mambabatas sa pagsugpo ng COVID-19.

Trending topic buong araw ang hashtag "#angkakapal" habang sabay na nagsagawa ng special session ang Senado at Kamara ngayong Lunes, March 23.

Pero hindi bilib ang netizens at ilang celebrities sa pagpasok ng mga mambabatas sa trabaho sa kabila ng banta ng COVID-19 outbreak.

Continue reading below ↓

CARLO AQUINO

Isa na rito si Carlo Aquino, 34, na napanood ang bahagi ng pagdinig sa Kamara.

Tiyempong pinag-uusapan ang tungkol sa ilalabas na pondo ng gobyerno ngayong 2020 at kung magkano rito ang magagamit para sa pagsugpo ng COVID-19.

Caption sa pinanonood ni Carlo na live streaming sa DZMM Teleradyo: "Rep. [Luis Raymund] Villafuerte tiniyak na walang korapsyon sa paglalabas ng pondo."

Nilakipan ito ni Carlo ng sarili niyang hiling na magasta nang tama ang pondo ng gobyerno.

"Sana talaga totoo. Yun po ang dasal naming lahat," saad ng Kapamilya actor.

Makikita ang kopya ng screenshot ni Carlo sa kanyang Instagram Story nitong Lunes ng tanghali.

Continue reading below ↓

Bandang hapon, nag-post si Carlo ng patutsada sa mga mambabatas na nagpa-medical test para malaman kung sila ay dinapuan ng COVID-19.

Naiulat na ilan sa mga mambabatas ang nag-demand ng VIP treatment para unahin ng hospital staff na suriin at ilabas ang resulta ng kanilang test.

Naging tampok ito ng espekulasyon dahil sinasabing may ilang hospital staff ang nagreklamo na naantala ang iba nilang inaasikasong persons under monitoring (PUMs) dahil sa mga inunang VIP testing.

Dagdag pa ritong marami ang hindi maka-avail ng COVID-19 test kits, partikular na ang mga pasyenteng mula sa laylayan at walang kakayahang magpa-checkup.

Sa post ni Carlo, wala siyang partikular na tinukoy kung sino ang pinatatamaan niya.

Pero makikita sa ibinahagi niyang quote card ang mga katagang "WALANG PALAKASAN" at hashtag na #NOTOVIPTESTING."

Sabi pa sa quote card, ang dapat inuuna sa COVID-19 test ay pasyenteng may sintomas, frontline health workers, at komunidad na may kumpirmadong kaso.

Continue reading below ↓

Dagdag na written text ni Carlo: "Test kit pa lang kurakot na. Pano pa sa pondo."

JAKE EJERCITO

May patutsada rin si Jake Ejercito, anak ni Laarni Enriquez kay dating President at Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada.

Simple pero malaman ang meme na ibinahagi ni Jake, 29, sa kanyang Instagram Story.

Continue reading below ↓

Litrato ito ng mga kongresista na ipinagmalaki ang kanilang aksyon para labanan ang COVID-19 pandemic.

Hawak nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Executive Secretary Salvador Medialdea ang isang banner na nagsasabing kaisa sila sa frontliners tulad ng health workers.

Ang original text na nakalagay sa banner ay ''TOGETHER WITH DOCTORS AND FRONTLINERS, WE WENT TO WORK FOR YOU, SO PLEASE STAY HOME FOR US!"

Pero sa meme na pinakita ni Jake, pinalitan ang text ng isang clown emoji.


Continue reading below ↓

Hindi ito nalalayo sa pag-alma ng ibang netizens na hindi na dapat iyabang pa ng lawmakers ang pagpasok nila sa trabaho.

ENCHONG DEE

Si Enchong Dee, 31, ay nag-retweet naman ng video ng isang dubsmasher tungkol sa mga pulitikong sumailalim diumano sa VIP testing.

Sa video ng dubsmasher, kunwari ay tinawagan siya ng isang "makapal ang mukha" na caller na sumailalim sa VIP testing ng COVID-19, gayong marami ang mas nangangailangan nito.

Ilan sa mga pinatamaan ng dubsmasher ay ang mga sumusunod na senador: Francis Tolentino, Pia Cayetano, Ping Lacson, Grace Poe, Bong Revilla, at Tito Sotto.

March 22 nang i-retweet ni Enchong ang video na ito.


Continue reading below ↓

ARNOLD CLAVIO

Ang GMA-7 news anchor na si Arnold Clavio, 54, ay sunud-sunod din ang batikos sa mga mambabatas.

Si Arnold, na kilala rin sa palayaw na Igan, ay anchor sa GMA-7 late-night newscast na Saksi.

Tinabla niya ang pagpapa-picture ng mga kongresista hawak ang banner na kaisa sila ng frontliners na lumalaban sa COVID-19.

Kalakip ng tatlong angry emojis, tila gigil na pahayag ni Arnold:

"Hindi pa tayo nahihimasmasan sa mga politikong inagawan pa ang ibang PUIs at PUMs sa COVID19 test sa RITM, eto na naman ang mga hinayupak at kinumpara pa ang kanilang mga sarili sa mga frontliner.

"Patawarin kayo ng mamamayang pilipino at tila ginagawa ninyong circus ang lahat.

"Marami ang nangangailangan ng tulong ninyo sa inyong mga distrito.

"PLEASE GO HOME! AND HELP THEM!"

Makikita ito sa Instagram feed ni Arnold ngayong Lunes, March 23.


Continue reading below ↓

Una na ring na-post ni Arnold sa Instagram Story ang kopya ng utos mula kay Department of Health Secretary Francisco Duque na palitan ang current director ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Si Dr. Celia Carlos ang current director ng RITM hospital sa Alabang, Muntinlupa.

Kumalat sa social media ang bali-balitang naging bukas diumano ang doktora sa pagkontra sa VIP testing sa RITM.

Umugong ang hinala ng netizens na may katotohanan ang bali-balita nang lumabas ang utos ng DOH na italaga ang DOH assistant secretary na si Dr. Nestor Santiago bilang OIC-director ng RITM.

Nag-iwan ng palaisipang mensahe si Arnold ukol sa isyu: "Pinalitan na nga ang Director ng RITM dahil sa COVID-19 testing sa mga politician at VIP. Siya ba ang scapegoat ng DOH?"

March 22 nang i-post ni Arnold ang isyu ukol sa VIP testing, kasabay ng iba pang nagrereklamong netizens.

Continue reading below ↓

Kinabukasan ng umaga, March 23, lumabas ang paglilinaw ni Secretary Duque na "nagkamali lang" umano ang kanyang tanggapan sa inilabas na "department order."

Kinorek na raw nila na si Dr. Nestor Santiago ay niluklok hindi bilang director kundi bilang "overseer, oversight ng RITM."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Do Carlo Aquino, Jake Ejercito, Enchong Dee, and Arnold Clavio agree with netizens tagging certain lawmakers as "#angkakapal?"
PHOTO/S: @jose_liwanag / @unoemilio / @mr_enchongdee / @akosiigan Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results