Ilang beteranang aktres ang umalma sa naging aksiyon ng Quezon City government—partikular na ang desisyon ni Mayor Joy Belmonte—na payagang pauwiin ang ilang COVID-19 positive cases sa kanilang mga bahay.
Sa post ni Jo Macasa, isang assistant director sa pelikula, ikinumpara niya si Mayor Belmonte kay Valenzuela City Rex Gatchalian.
Ang Valenzuela ay nag-convert ng isang gymnasium para gawing quarantine facility para sa COVID-19 patients.
Sa Quezon City, kinumpirma ni Belmonte na pinauwi ang apat na bagong COVID-19 positive cases dahil sa kakulangan ng pasilidad sa mga ospital.
Ito diumano ang rekomendasyon ng Department of Health (DOH) sa mga pasyenteng hindi naman masyadong malubha ang kalagayan.
Pahayag ni Belmonte sa panayam sa kanya ng 24 Oras ng GMA-7 noong March 21: “Nasa bahay ang mga pasyente ‘no, dahil nga sa kakulangan ng mga kama or mga kuwarto sa ating mga ospital.
“Ibig sabihin nun, nakipagkapwa na sila dun sa mga kapitbahay at sa mga pamilya nila.
“So, the risk is now multiplied, ‘no. Ngayon, we have to test all of their family members.”
Ipinost ni Jo ang video clip ng interview na ito ng alkalde ng Quezon City noong March 22, Linggo.
Caption ni Jo sa kanyang post, na may halong pasaring kay Belmonte: “Why???????????? No words.
“If Rex Gatchalian of Valenzuela thought of converting a basketball court into a quarantine facility as a back-up plan, bakit di mo naisip?
“Bakit di mo na lang kinopya?
“Haay, you really don't spark, Joy.”
LAURICE GUILLEN
Ilang respetadong beteranang aktres at direktor ang nagkomento sa post ni Jo.
Tila pabuntung-hiningang komento ng actress-director na si Laurice Guillen: “Haaaay!”
Dugtong pa niya, “Pls help her! Kung hindi, patay tayo!”
Narito ang palitan ng usapan nina Laurice at Jo:
JACLYN JOSE
Ayon naman sa Cannes best actress winner na si Jaclyn Jose: “Alam pala nia consequence bat pinauwi damay damay na?
"Grabe! Bat di na lang dinala dun hotel na kausap nia.
“Paano na tayo? D puwede yung reasoning nia..”
ELIZABETH OROPESA
Sabi naman ng veteran actress na si Elizabeth Oropesa, na residente ng Quezon City:
“Napaka labo ng sitwasyon nating mga taga Qc. Napakalamas natin. (crying with tears emoji) Naiiyak ako.”
TETCHIE AGBAYANI
Nag-suggest naman si Tetchie Agbayani na gamitin ang Quezon Institute bilang lugar para sa COVID-19 patients, pero tila may isa raw problema rito.
Aniya: “QI (Quezon Institute) appears to be ideal place to house the patients. It’s in QC and surrounded by trees and accessible to the public but keeps a good distance from its surrounding homes.
"Ahhh... wait. I think the Belmonte’s home is just beside it. Sigh."
Narito naman ang usapan nina Techie at Jo:
Simula nang pumutok ang COVID-19 pandemic at ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon, maraming residente ng Quezon City ang naghayag ng kanilang pagkadismaya sa liderato ni Mayor Belmonte.
Ngunit ipinagtanggol naman ni Belmonte ang sarili sa mga batikos laban sa kanya.
Pahayag niya sa kanyang Facebook post:
"To those who hate me, you are under no obligation to accept any of my projects - housing, education, healthcare, social benefits. That means there will be more for those who truly have faith in me as their leader.
"But please just show your hatred for me at the polls in 2022 because the people who want to be served and patiently wait for it don’t deserve for their lives and that of their families to be politicized.”