Congress approves bill granting President Duterte special powers; lawyers' group opposes one-person control of entire national budget

by Jet Hitosis
Mar 24, 2020
The House of Representatives and the Senate of the Philippines approved on March 24 the Bayanihan to Heal as One Bill to declare a national emergency and grant President Rodrigo Duterte several special powers. The bill is now awaiting the President's signature to become law.
PHOTO/S: Presidential Communications Operations Office

Ibinigay na ng Kamara at Senado kay President Rodrigo Duterte ang special powers na hiningi nito.

Ipinasa ng mga kongresista ang Bayanihan to Heal as One Act (House Bill No. 6616) sa virtual special session, bago maghatinggabi nitong Lunes, March 23.

Nasa 284 kongresista ang bumoto pabor sa bill, habang 9 ang tutol.

Madaling-araw naman ngayong Martes, March 24, inaprubahan ng mga senador ang counterpart bill nito—ang Senate Bill No. 1418.

Nasa 12 senador ang pabor, habang kumontra si Senator Risa Hontiveros.

Ayon sa report ng CNN Philippines, nagkasundo ang Kamara at Senado na hindi na isasalang sa bicameral conference ang inaprubahang panukala—na certified as urgent ni Pangulong Duterte.

Batay sa legislative rules, isinasalang sa bicameral conference ang mga panukalang inaprubahan ng dalawang Kapulungan upang papag-isahin ang bersiyon ng mga ito, tsaka isusumite sa Malacañang para pirmahan ng Presidente.

Nangangahulugan itong pirma na lang ni Pangulong Duterte ang kailangan upang maging ganap na batas ang Bayanihan to Heal as One Act.

Continue reading below ↓

SPECIAL POWERS FOR THREE MONTHS—or more

Tatagal ng tatlong buwan ang additional powers na ibinigay sa Presidente.

Ang Kongreso ang magpapasya kung hindi paaabutin ang mga dagdag na kapangyarihan ng Pangulo ng tatlong buwan.

Ang Kongreso pa rin ang magpapasya kung ii-extend naman ang mga powers na ito nang mahigit sa tatlong buwan.

Mababasa sa panukala na ang COVID-19 ang pinakadahilan ng mga mambabatas na nag-apruba nito.

Ayon sa panukala: “In view of the continuing rise of confirmed cases of COVID-19, the serious threat to the health, safety, security, and lives of our countrymen, the long-term adverse effects on their means of livelihood, and the severe disruption of economic activities, a state of national emergency is hereby declared over the entire country,"

Sa bill na aprubado ng Kongreso, pinahihintulutan si Pangulong Duterte “to exercise powers that are necessary and proper to carry out the declared national policy.”

REALIGNMENT OF FUNDS FROM THE NATIONAL BUDGET

Sa parehong bersiyon ng bill, pinahihintulutan ang Presidente na i-“reprogram, reallocate, and realign” ang anumang nailaan nang pondo na nakapaloob sa 2020 General Appropriations Act (GAA).

Continue reading below ↓

Ito ay para tugunan umano ang pandemic.

Binigyan din ng awtoridad ang Pangulo “to allocate cash, funds, and investments held by any government-owned or controlled corporation (GOCC) or any national government agency as necessary to address the COVID-19 crisis.”

EMERGENCY SUBSIDY FOR THE POOR, COMPENSATION FOR HEALTH WORKERS

Ayon din sa panukalang batas, makapagbibigay na ang Presidente ng emergency subsidy sa 18 milyong mahihirap na pamilya na walang kinikita dala ng enhanced community quarantine.

Napagkasunduan ng mga mambabatas na magbigay ng PHP5,000 hanggang PHP8,000 para sa dalawang buwang panggastos ng bawat mahirap na pamilya, ayon sa ulat ng CNN Philippines.

Nakasaad naman sa Senate bill ang pagbibigay ng PHP100,000 compensation sa bawat health worker na mahahawa ng COVID-19 habang nagtatrabaho.

Ang medical frontliners na masasawi sa virus ay tatanggap ng PHP1 million compensation.

Sasagutin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang gamutan ng healthcare workers na dadapuan ng virus.

Kasabay nito, maaari nang ipag-utos ng Presidente na pabilisin ang proseso ng mass testing, at ang masusing gamutan sa mga magpopositibo sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Pabibilisin na rin ang pagbili ng mga kinakailangang testing kits, medical supplies, equipment, at gamot.

work setup, TRANSPORTATION, LOAN PAYMENTS

Ayon sa Bill, patuloy na magpapatupad ang gobyerno ng alternatibong work arrangements sa mga empleyado ng gobyerno at pribadong sektor sa susunod na mga buwan, batay sa direktiba ng Presidente.

Binigyan din ng kapangyarihan si Pangulong Duterte na pangasiwaan ang operasyon ng mga pampublikong transportasyon. Ito raw ay para magamit ng mga medical at emergency frontliners.

Saklaw din ng special powers ng Presidente ang pagre-regulate sa trapiko, at paglilimita sa operasyon ng mga pampubliko at pribadong land, sea, air, at rail transportation.

Pupuwede ring atasan ng Presidente ang lahat ng bangko at iba pang financial institutions na magbigay ng 30-day grace period sa pagbabayad ng mga utang, gayundin ng renta sa bahay, nang walang penalty charges.

PRESIDENT TO “DIRECT THE OPERATIONS” OF PRIVATE MEDICAL FACILITIES

Bibigyan din ng power ang Presidente “[to] direct the operation” ng alinmang pribadong ospital, medical at health facilities, at mga hotel.

Continue reading below ↓

Ang mga establisimyentong ito ay magagamit bilang pansamantalang tuluyan ng healthcare frontliners, bilang quarantine facilities at bilang medical relief at aid distribution locations.

Ayon sa panukala, ang operasyon sa mga pribadong pasilidad na ito “shall be retained by the owners of the public service or enterprise, who shall render a full accounting to the President or his duly authorized representative of the operations of the utility or business as basis for appropriate compensation.”

Kapansin-pansin namang hindi kabilang sa mga inaprubahang additional powers ng Presidente ang pag-take over sa iba pang pribadong establisimyento, maliban sa mga nabanggit.

Nauna nang inamin ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nagdulot ng “controversy” ang probisyong ito sa unang bersiyon ng panukala.

FINE AND IMPRISONMENT FOR VIOLATORS

Alinsunod sa Senate Bill No. 1418, ang sinumang mapatunayang lumabag sa Bayanihan to Heal as One Act ay papatawan ng korte ng hanggang dalawang buwang pagkakakulong at multang PHP10,000-PHP1 million.

Continue reading below ↓

Saklaw nito ang local government officials na sumusuway sa quarantine guidelines.

Gayundin ang mga may-ari ng medical facilities na ayaw makipagtulungan sa Pangulo.

Pati ang mga negosyanteng nagsasamantala sa presyo at nagho-hoard ng mga pangunahing produkto.

May parusa rin ang mga nagpapakalat ng fake news.

CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

Sa parehong bersiyon ng panukala, obligado si Pangulong Duterte magsumite tuwing Lunes ng weekly report sa oversight committee na bubuuin ng Kongreso.

Idedetalye sa report ang lahat ng hakbanging ipinatupad ng Presidente sa nakalipas na linggo, kasama ang halaga ng mga pondong na-realign at ginamit para tugunan ang pandemic.

Ang Congressional Oversight Committee na ito ay bubuuin ng walong miyembro: apat na senador at apat na kongresista.

GROUP OF LAWYERS OPPOSes bill

Samantala, mariing tinutulan ng Concerned Lawyers for Civil Liberties (CLCL) ang panukalang nagbibigay sa Pangulo ng buong kontrol sa 2020 national budget.

Ang CLCL ay grupo ng human rights lawyers at civil libertarians, na kinabibilangan nina dating Senator Rene A.V. Saguisag, Atty. Neri Colmenares, Dean Pacifico Agabin, Dean Tony La Viña, Atty. Jojo Lacanilao, Atty. Kristina Conti, at iba pang co-convenors.

Continue reading below ↓

Sa isang pahayag, binatikos ng grupo ang panukalang Bayanihan to Heal as One Act sa pagbibigay ng kapangyarihan sa iisang tao “to realign the 2020 budget of almost all branches of government.”

Giit ng CLCL, labag ito sa Konstitusyon.

“This grant of power to the President would be violative of Art. VI Sec 25 (5) of the 1987 Constitution which states that, ‘No law shall be passed authorizing any transfer of appropriations; however, the President, xxx may, by law, be authorized to augment any item in the general appropriations law xxx from savings in their respective appropriations.’”

Nag-suggest ang grupo na mas mainam sana kung nagpasa na lang ng batas na maglalaan ng partikular na pondo—tulad ng manggagaling sa Road Users Fund at Malampaya Fund—para tulungan ang mahihirap na pinakaapektado ng mandatory home quarantine.

Dagdag ng CLCL: “Congress will make a disastrous mistake if its solution to the COVID-19 is centralizing more power to one man, especially one who believes that the problems of the country can be simplistically solved with the use of brute force and martial law powers.”

Continue reading below ↓

UNNECESSARY EMERGENCY POWERS

Naniniwala rin si Dean La Viña ng Ateneo School of Government na hindi solusyon ang special powers para tugunan ng gobyerno ang anumang krisis.

Ayon sa dekano, ito ang kanyang napatunayan sa ginawa niyang pagsusuri sa emergency powers na dati nang ipinagkaloob kina former Presidents Cory Aquino, Fidel V. Ramos, Gloria Macapagal-Arroyo, at Joseph Estrada.

Sa hiwalay na pahayag ni Dean La Viña, sinabi niyang napatunayan sa kanyang analysis na ang mga direktibang ipinalabas ng mga presidenteng nabigyan ng emergency powers ay walang kaibahan sa kapangyarihang kaakibat ng kanyang mandato bilang lider ng bansa.

“The better approach is surgical, addressing specific problems,” saad ng dekano.

“Giving the President broad powers is not as effective as giving attention to the particular concerns at hand.”

Sa simpleng paliwanag, ikinumpara ni Dean La Viña ang pagbibigay ng emergency powers sa paggamit ng “bazooka when sniper guns with telescopic sights are more effective.”

Continue reading below ↓

May kabuuang 462 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, base sa latest update ng Department of Health (DOH) nitong Lunes ng hapon, March 23.

Labingwalo na ang gumaling sa sakit, pero 33 ang binawian ng buhay.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The House of Representatives and the Senate of the Philippines approved on March 24 the Bayanihan to Heal as One Bill to declare a national emergency and grant President Rodrigo Duterte several special powers. The bill is now awaiting the President's signature to become law.
PHOTO/S: Presidential Communications Operations Office
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results