PH194 opens up about battling COVID-19: "Hindi pa ako handang mamatay."

by Arniel C. Serato
Mar 24, 2020
Dr. Grace Casas-Torres of St. Luke's Medical Center on discovering that she is COVID-19 positive: "Diyos ko po, una kong naisip ang pamilya ko: ang anak kong 4yo, ang parents kong seniors. Inexpose ko sila, ang iyak ko noon. Di bale nang ako, wag lang sila."
PHOTO/S: Courtesy: Drgrace Casas-Torres on Facebook

Takot para sa apat-na-taong-gulang na anak at kanyang pamilya ang unang pumasok sa isip ni Dr. Grace Caras-Torres nang malaman niyang siya ay COVID-19 positive.

Sa kanyang viral Facebook post nitong Lunes, March 23, inamin ni Dr. Caras-Torres na positibo siya sa COVID-19.

Siya si PH194, 42 years old, at mula sa Quezon City.

Paglalahad niya: “Ako si #PH194.

“Mabuti nang sakin nyo direktang malaman, kesa sa tsismis.

“Hindi ko akalaing tatamaan ako agad.

“Nagsisimula pa lang ang gyera nun, casualty na ako. Akala ko chikungunya lang.”

Ang "chikungunya" ay sakit na dulot ng kagat ng lamok. Kadalasang sintomas nito ay lagnat at pagsakit ng mga kasu-kasuan.

Kasunod nito ay inilarawan ni Dr. Caras-Torres ang mga mga sintomas na naranasan niya:

“High grade fevers na paulit- ulit.

“Kakaibang sakit ng ulo at katawan. Hindi makakain.

“Saka lang nag-sink in sakin na posibleng Covid nga ito nung malaman kong may symptoms din yung kasama kong mag-opera ilang araw nang nakalipas.”

Continue reading below ↓

THE COVID-19 BATTLE

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News Online kahapon din, nagtatrabaho si Dra. Caras-Torres sa St. Luke’s Medical Center, sa Quezon City, bilang OB-Gynecologist.

Mayroon din siyang clinic sa Metro North Hospital at Commonwealth Hospital.

Kasalukuyan daw siyang naka-home quarantine.

Dagdag pa sa ulat, March 7 siya nakaramdam ng mga sintomas ng COVID-19 .

Noong March 14, nakuhaan siya ng sample sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa.

March 19 nang sinabing positibo sa COVID-19 ang kanyang test result.

Pagpapatuloy ni Dr. Caras-Torres sa kanyang viral Facebook post: “Diyos ko po, una kong naisip ang pamilya ko: ang anak kong 4yo, ang parents kong seniors.

“Inexpose ko sila, ang iyak ko noon.

“Di bale nang ako, wag lang sila.

“Nagkulong na ako sa kwarto.

“Nag-birthday akong nakaquarantine at may sakit na nakamamatay.

“Buti pala umabot pa ako ng 42.

“Wala akong choice kundi libangin ang sarili ko sa pagbabasa ng soc med.”

Continue reading below ↓

OTHER COLLEAGUES INTUBATED

Kasunod nito, sinabi ni Dr. Caras-Torres na may apat na silang kasamahang namatay dahil sa COVID-19.

Ang iba naman ay naka-intubate na o pinasukan na ng tubo ang katawan.

“Ang mga colleagues kong may covid ay naka-intubate.

“At 4 na nga silang namatay.

“Akala ko pagaling na ako, bigla akong nagtae.

“Sabi sa Wuhan, pag nagkaroon ng GI symptoms, tuluy-tuloy nang pumapangit ang kundisyon.

“Ngayon lang ako natakot. Napaiyak ako."

Pag-amin pa niya, “Hindi pa ako handang mamatay. Masamang damo ako, di ba?

“Kelangan pa ko ng anak ko.

“Sasabak pa ko sa gyera...

“Hindi lang pala virus ang kalaban ko, pati katinuan ng pag-iisip.”

Kasunod nito ay pinayuhan ni Dr. Caras-Torres ang lahat: “Kaya kamustahin nyo mga kakilala nyong may sakit, mga naka-quarantine, at ang pamilya nila.

“Kelangan nila ng pagpapalakas ng loob. Sana matapos na ito."

Asam pa niya: “Sana gumaling na kami.

“Sana wala nang mamatay.

Continue reading below ↓

“Miss na miss ko na ang anak ko.

“Ngunit salamat pa din sa lahat ng taong tumulong at nangamusta.

“Too many to mention. Mahal ko kayo.

“At Dyos ko, maraming salamat po at buhay pa ako at ok ang pamilya ko.”

May 175K likes, 46K comments, at 52K shares na ang post na ito ni Dra. Casas-Torres.

Continue reading below ↓

Samantala, sa kasalukuyan ay may 501 positive COVID-19 cases na sa bansa.

Mayroon namang 33 deaths at 19 recoveries.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dr. Grace Casas-Torres of St. Luke's Medical Center on discovering that she is COVID-19 positive: "Diyos ko po, una kong naisip ang pamilya ko: ang anak kong 4yo, ang parents kong seniors. Inexpose ko sila, ang iyak ko noon. Di bale nang ako, wag lang sila."
PHOTO/S: Courtesy: Drgrace Casas-Torres on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results