Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Angel Locsin, Ara Mina put netizens in their place who criticize them even after they aid frontliners

by Bernie V. Franco
Mar 24, 2020
Actresses Angel Locsin (left) and Ara Minda respond to netizens criticizong them despite their efforts to give aid to frontliners.
PHOTO/S: @therealangellocsin and @therealaramina on Instagram

Umalma sina Angel Locsin at Ara Mina dahil may mga netizen na nagagawa pa ring punahin sila sa kabila ng ginagawang pagtulong sa COVID-19 frontliners.

Parehong nag-a-update sa social media ang dalawang aktres sa isinasagawa nilang relief efforts.

Sa kaso ni Ara, nire-repost niya ang pasasalamat ng recipients dahil sa ipinagkakaloob niyang medical supplies.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Si Angel naman, pinapangalanan ang nagpapaabot ng tulong, kabilang na ang mga kaibigang artista.

Noong nakaraang linggo, inanunsiyo ni Angel sa Instagram na sisimulan nila ang isang proyekto para makatulong sa health workers na nasa frontline.

“We, with the assistance and recommendation of the local government, are setting up sleeping tents within hospital premises for our health workers in the frontlines so they don’t have to worry about where to stay & transportation,” mensahe ng aktres.

Continue reading below ↓

Kabilang sa mga nag-donate ng taping beds ay sina Vice Ganda, Anne Curtis, Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Paulo Avelino, Arlene Muhlach, Cholo Barretto, Ryza Cenon, at maging private individuals.

Continue reading below ↓

ANGEL LOCSIN: "LET'S STOP COMPARING..."

Sa kabila ng maganda nilang gawain, may mga netizen na nakukuha pa ring magkomento nang hindi maganda.

Ang ibang netizens ay nagpahayag ng paghanga sa aktres, pero may karugtong na pagpaparinig sa ginagawang pagtulong ng iba, gaya ng mga nasa pamahalaan.

Dahil sa pagkukumpara, nag-tweet si Angel nitong hapon ng Martes, March 24.

Continue reading below ↓

Pakiusap niya: “In times like these, let’s stop comparing help from regular citizens and government.

“To be honest, based on my experience, it would be VERY hard to help without the assistance of government.

“So, Thank you to our local officials for assisting us and risking their lives as well”.

Continue reading below ↓

Kasunod nito, may netizen na sinagot si Angel.

Hindi na mababasa ang tweet ng netizen, pero matutukoy sa sagot ng aktres na may pamumuna ito sa pakikipagtulungan ni Angel sa iba para mapadali ang kanyang ginagawang pagtulong.

Sagot ni Angel: “Sige try mong umikot ngayon at maghatid ng tulong magisa. Good luck”

Continue reading below ↓

ARA MINA: "WAG PO TAYO BASTA MAGJUDGE."

Nitong weekend, nag-post si Ara Mina ng larawan nila ng kanyang limang taong-gulang na anak. Parehong naka-face mask ang mag-ina.

Isang netizen ang sumita sa pagsusuot nila ng face mask sa loob ng bahay.

Sabi nito, hindi kailangang mag-mask kung nasa loob ng bahay.

Komento pa nito: “please be sensitive, maraming health workers ang walang masks. huwag nyo na silang inggitin.”

Continue reading below ↓

Sa gitna ng COVID-19 crisis sa bansa, may panawagan ang medical at health workers dahil kulang na sila sa personal protective equipment (PPE), gaya ng surgical masks, gloves, at goggles.

Hindi naman pinalampas ng actress-businesswoman ang kritisismo ng netizen.

Katuwiran ni Ara (published as is): DI PO KAMI NANG IINGGIT ATE. GALING PO KAMI SA LABAS NG BAHAY NAMAIN NG ANAK KO NAGLAKAD LAKAD SANDALI.

“BAWAL PO BA MAGMASK SA LABAS?

“WE DECIDED TO HAVE A PICTURE INSIDE THE HOUSE KASI MADILIM SA LABAS.

“SANA PO WAG PO TAYO BASTA MAGJUDGE.”

Sinita rin ni Ara ang netizen.

“AND DON’T TELL ME TO BE SENSITIVE BEC. I’M SENSITIVE ENOUGH AND FYI NAGDONATE PO AKO NG MGA MASKS SA FRONTLINERS BAKA DI NYO LANG PO ALAM.

“PINAPAALAM KO NA PO SA INYO.

KASI DI PO LAHAT NG MGA BAGAY NA NAGAGAWA NAMIN E NAMEMEDIA OR NAPAPAMEDIA.

“MARAMING SALAMAT PO.”

May kasunod pang komento si Ara.

Continue reading below ↓

Tinag niya rito ang isang online souvenir business na nagpapaabot ng tulong ni Ara sa medical workers.

Komento ng aktres: “si @heartandsoulphilippines PO MAKAKAPAGPATUNAY NA NAGDONATE PO AKO NG MASKS JUST IN CASE NA HINDI KAYO NANINIWALA.

“WAG PO KAYO BASTA BASTA NAGJAJUDGE NGA TAO.

“AND DI NAMAN MASAMA SIGURO MAGTIRA AKO NG MASK PARA SA AMIN NG ANAK KO.”

Continue reading below ↓
Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actresses Angel Locsin (left) and Ara Minda respond to netizens criticizong them despite their efforts to give aid to frontliners.
PHOTO/S: @therealangellocsin and @therealaramina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results