Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Elmo Magalona posts sweet photos of him and girlfriend of one year

by Rachelle Siazon
Mar 24, 2020
TOTALLY IN LOVE. Kapamilya actor Elmo Magalona describes non-showbiz girlfriend as "my rock." He adds, "ILYSM!!!!!!"
PHOTO/S: @elmomagalona Instagram

Blooming ang love life ng Kapamilya actor na si Elmo Magalona, 25.

Sa kauna-unang pagkakataon, isinapubliko ni Elmo ang tungkol sa relasyon nila ng isang non-showbiz girl na tinatawag niya sa pangalang Ry.

Ngayong Martes, March 24, ipinagdiriwang nila ang kanilang anniversary bilang magkasintahan.

Ipinakita ni Elmo ang ilang litrato ng unforgettable moments nila ni Ry.

Una na rito ang isang photo collage kunsaan hinahalikan ni Elmo sa ulo ang kanyang girlfriend. Mayroon ding kuha na nakayakap si Elmo rito.

Continue reading below ↓

Sa sumunod nilang litrato, napapikit pa si Elmo habang nakasandal siya sa dalaga. Magkahawak ang kanilang mga kamay at halatang masaya sila sa piling ng isa't isa.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

May video rin si Elmo kunsaan pinapanood niya ang girlfriend habang nakatingin ito sa cell phone.

Caption ng post ni Elmo (published as is): "happy anniversary. thank you for being my rock & for being u ALWAYS.

"To more memories together [heart emoji] these are some of our milestones!!

"sorry Ry for posting the last video [peace and smile emojis] ILYSM!!!!!!"

Continue reading below ↓

Pero maya-maya lang ay dinelete ni Elmo ang unang Instagram post at saka pinalitan ng panibago na hindi na kasama ang video.

Matagal ding tikom ang bibig ni Elmo pagdating sa estado ng kanyang buhay-pag-ibig.

ELMO'S DATING HISTORY

Huling naugnay kay Elmo ang dati niyang movie and teleserye leading lady sa ABS-CBN na si Janella Salvador.

Naging "exclusively dating" sina Elmo at Janella bago nauwi sa hiwalayan ang kanilang samahan noong September 2018.

Ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez ay naging kasintahan din ni Elmo noong taong 2014, pero naiulat ang kanilang breakup noong October 2016.

Dati ring nobya ni Elmo ang Kapuso actress na si Lauren Young. Nabalita ang tungkol sa pagkakamabutihan nila taong 2013.

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TOTALLY IN LOVE. Kapamilya actor Elmo Magalona describes non-showbiz girlfriend as "my rock." He adds, "ILYSM!!!!!!"
PHOTO/S: @elmomagalona Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results