Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Vic Sotto, Pauleen Luna pray for recovery of Ruby Rodriguez's sister amid fake news

by Gorgy Rula
Mar 24, 2020
Vic Sotto on Dr. Sally Gatchalian's condition: "Medyo may edad na rin si Manang Sally, e. Senior na rin ano? So, hindi ganun kadali ang laban... Sa ngayon, basta dasal lang at ang Diyos na ang bahala kung ano talaga ang nararapat.” Dr. Gatchalian, Ruby Rodriguez's sister, is Vic and Pauleen's ninang sa kasal.
PHOTO/S: Screen grab from Eat Bulaga! Facebook

Pinipigilan ni Pauleen Luna na maiyak nang binanggit niya sa prayer brigade ng Eat Bulaga! noong Lunes ng gabi, March 23, na patuloy sila sa pagdarasal para sa ninang nila sa kasal ni Vic Sotto na si Dra. Sally Gatchalian.

Si Dr. Gatchalian, presdiente ng Philippine Pediatric Society, ay kapatid ng kasamahan nila sa noontime show na si Ruby Rodriguez.

Sinimulan nina Pauleen, 31, at Vic, 65, ang prayer brigade sa FB live kung saan nag-lead sila ng rosary sa Facebook page ng Eat Bulaga.

Bago nila kinanta ang “Ave Maria,” humingi muna si Pauleen ng dagdag pang dasal kay Dr. Gatchalian.

Continue reading below ↓

NINANG SALLY

Pagkatapos ng kanilang Prayer Brigade, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vic sa aming radio program na Showbiz Talk Ganern sa DZRH.

Lagi raw nilang kinukumusta kay Ruby ang kanilang Ninang Sally, na nasa hospital pa rin.

Kuwento ni Vic, “Si Manang Sally, ninang namin sa kasal yun.

“Araw-araw talagang kinukumusta namin si Ruby, at sa ngayon stable naman si Manang Sally.

“Ang BP niya, mga vitals niya are okay. And she’s fighting.

“Medyo may edad na rin si Manang Sally, e. Senior na rin ano?

“So, hindi ganun kadali ang laban.

“Maganda ang chance para sa recovery. Hindi ko mabigyan ng percentage, e.

“Sa ngayon, basta dasal lang at ang Diyos na ang bahala kung ano talaga ang nararapat.”

Nakakalungkot lang daw na habang nasa hospital pa ang kanilang Ninang Sally, may nagkakalat ng maling balita na namatay na raw ito.

Ikinagulat ni Ruby dahil marami na raw ang nagku-condolence sa kanya.

Continue reading below ↓

Sabi ni Vic, “Ang hindi lang maganda dun, ang mga… pinangungunahan ng ano, e… na tegi na raw.

“Sabi ko nga, okay ‘yan, alam mo naman kapag natsitsismis na tegi, e, lalong humahaba ang buhay, ‘no?

“Naranasan na rin natin yun.”

Patuloy niya, “Nagulat nga si Ruby nung isang araw ba’t may mga nagku-condolence sa kanya.

“Sabi niya, ‘Bakit nagku-condolence na kayo, e, buhay pa?’

“Kumbaga, hangga’t maaari iwasan natin yung mga tsismis-tsismis, yung tinatawag nilang fake news.

“Understandable siguro, dahil karamihan ng mga tao, walang magawa, medyo malikot ang isip.

“Kaya tayong mga mamamayan, mag-ingat din tayo sa pagtanggap ng balita. Siguraduhin nating hindi fake,” sabi pa niya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vic Sotto on Dr. Sally Gatchalian's condition: "Medyo may edad na rin si Manang Sally, e. Senior na rin ano? So, hindi ganun kadali ang laban... Sa ngayon, basta dasal lang at ang Diyos na ang bahala kung ano talaga ang nararapat.” Dr. Gatchalian, Ruby Rodriguez's sister, is Vic and Pauleen's ninang sa kasal.
PHOTO/S: Screen grab from Eat Bulaga! Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results