Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Angelica Panganiban's photo with mystery guy sparks talk about new romance

by Jet Hitosis
Mar 25, 2020
Angelica Panganiban's latest Instagram post of her photo with a guy she refuses to name sparks talk that the actress is in love again.
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram

May bagong pag-ibig na ba uli si Angelica Panganiban?

Ito ang tanong ng Instagram followers ng 33-anyos na aktres dahil sa litratong ipinost niya nitong Lunes, March 23.

Sa picture, nakapanunghay si Angelica mula sa Burj Khalifa sa Dubai, United Arab Emirates.

Ang Burj Khalifa ang tallest structure sa mundo sa taas na mahigit 2,700 feet.

Nakatalikod si Angelica sa camera habang nakatanaw sa ibaba ng gusali.

Katabi ng aktres ang isang lalaki, na nakatalikod din sa camera habang nakatanaw sa ibaba.

Hindi tinag ni Angelica ang lalaki sa kanyang caption: “At the top [smiling cat with heart eyes emoji] kakamiss!!!”

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

MYSTERY GUY was with angelica in DUBAI

Bago pa magpatupad ng community quarantine sa Metro Manila nitong March 13, nag-shooting sa Dubai si Angelica para sa pelikulang Love or Money.

Pinagbibidahan ni Angelica ang pelikula, katambal si Coco Martin.

Bukod kina Angelica at Coco, nagpunta rin sa Dubai ang filmmaker na si Mae Cruz-Alviar.

Gayundin ang cast members na sina Gelli de Belen, Cai Cortez, Ketchup Eusebio, at Matet de Leon.

Continue reading below ↓

Batay sa picture ni Angelica, kasama niyang nagpunta ng Dubai ang lalaki.

Curious na nga ang maraming fans ni Angelica sa lalaking kasama niya, nakakaintriga pa ang mga naging komento sa picture ng mga kasama nila sa Dubai.

Limang heart emojis ang reaksiyon ni Direk Mae.

“Asus asus asuuuuus” at apat na starstruck emojis ang naikomento ni Cai.

Continue reading below ↓

Comment naman ni Gelli: “Ehem…. [hugging face emoji] Ayun na nga”

Continue reading below ↓

FANS ARE CURIOUS, HAPPY FOR ANGELICA

Pinutakti tuloy si Angelica ng mga tanong at kinikilig na pagbati ng kanyang Instagram followers, na iniisip na in love na muli ang aktres.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Walang sinagot si Angelica sa sinuman sa mga nagkomento sa kanyang post.

Huling na-link si Angelica sa ex-boyfriend niyang si Carlo Aquino.

Naging usap-usapan ang posibilidad na magkabalikan sina Angelica at Carlo matapos nilang gawin ang pelikulang Exes Baggage noong 2018.

Pero dahil sa serye ng kontrobersiyang kinasangkutan ng dating childhood sweethearts, tuluyan nang natuldukan ang kanilang friendship noong nakaraang taon.

Samantala, isa ang Love or Money sa official entries sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival (MMFF) sa susunod na buwan.

Pero dahil sa COVID-19, kinansela muna ang film festival.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban's latest Instagram post of her photo with a guy she refuses to name sparks talk that the actress is in love again.
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results