Positibo sa COVID-19 si Senator Koko Pimentel.
Ito ang inanunsiyo ng mambabatas sa kanyang pahayag ngayong Miyerkules, March 25.
Nalaman daw niya ang resulta ng test na kinuha noong March 20 nitong March 24.
Pahayag ni Pimentel sa GMA News Online: “I was informed late last night—March 24, 2020—that I have tested positive for the COVID-19 virus.
"The swab was taken last Friday, March 20, 2020.
"Since the last day of session, March 11, 2020, I had already tried my best to limit my movement.
"I will call [to the best of my ability] those I remember meeting during those crucial days so that I can inform them of my test result."
Sa panayam naman sa kanya ng Balitaan ng CNN Philippines ngayong tanghali, sinabi ng senador na wala siyang malalang nararamdaman.
Saad niya, "Okay naman, I have a slight sore throat."
Susubukan daw ng kanyang tanggapan na ma-contact ang lahat ng mga taong posible niyang nakasalamuha para sa contact tracing.
Aniya, "Yes, yes. Tinatawagan ko yung staff ko to look at my schedule.
"Although I was not particularly busy na lately.
"So, I think I went to one birthday party, two birthday parties. Yun lang, e.
"Meeting, paisa-isa. Ganun lang.
"And, of course, yung attendance lang sa session, yun lang yung ano dun."
May meeting din siya dapat sa ilang mga pulitiko at dalawang ambassadors, na mabuti na lamang daw at kanyang natanggihan at nakansela.
Nakaramdam ba siya ng iba pang sintomas ng COVID-19 katulad ng lagnat?
Sagot ni Pimentel, "Wala ang fever, thank God. Ang chills, wala naman.
"Yung colds, wala naman. Yung boses ko ba mukha bang may cold?
"Parang nawala na din, e. Parang dumaan ata ako diyan, pero nawala na."
Umaasa naman ang senador na gagaling siya agad.
Saad niya, "I'm hoping, let's be positive na sana patapos na ito.
"Na-delay lang, kasi kagabi lang kasi ako nasabihan."
Hindi raw alam ni Pimentel kung paano niya nakuha ang sakit.
PRAYERS FOR WIFE
Kasalukuyang walong buwang buntis ang asawa ng senador na si Kat Pimentel.
Kaya humihiling siya ng dasal para sa buntis na misis.
Pakiusap ni Pimentel, "I need prayers for her kasi, number one, she's about to give birth.
"Siyempre being the wife of a COVID positive, she's also under isolation.
"So, kawawang-kawawa.
"So, imagine, eight months pregnant, and then under isolation pa.
"So, I hope that the doctors solve the situation, give her some comfort and assurances that they will take care of her.
"Ayaw lang natin yung feeling na discriminated. Ako naman yung positive, hindi naman siya."
Si Pimentel ang ikalawang senador na nagpositibo sa COVID-19. Ang una ay si Senator Juan Miguel "Migz" Zubiri.