Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Ellen Adarna shuts down haters saying "puro lang ako happy happy"  

by Rachelle Siazon
Mar 25, 2020
Ellen Adarna speaks about how she helped ex-boyfriend Baste Duterte find a temporary quarantine facility in Davao City.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram

Walang pakialam sa ibang naghihirap at panay lang "happy happy."

Ito ang akusasyon kay Ellen Adarna ng netizens na binabatikos ang pang-aaliw niya sa sarili habang ito ay sumasailalim sa self-quarantine.

Nilinaw naman ni Ellen na kahit nakakulong siya sa hotel room ay nakapag-abot siya ng tulong na supilin ang panganib dala ng COVID-19.

Tinawagan daw siya ng ex-boyfriend at presidential son na si Sebastian "Baste" Duterte, na nanunungkulang vice mayor ng Davao City.

Humingi raw si Baste, 32, ng permiso na gawing quarantine facility ang isang motel sa Davao City na pag-aari ng pamilya ni Ellen, 31.

Para raw ito sa tutuluyan ng Persons Under Investigation (PUI) kung may COVID-19.

Paliwanag ni Ellen, "To some haters messaging me about puro lang ako 'happy happy and im not doing anything to help' here is my reply to you!

"@sebastianduterte called me and asked if it was possible to use one of our establishments in davao and okay na. Solved na.

Continue reading below ↓

"Sabta mga basher na di kasabot [Unawain ang mga bashers na hindi maabot]."

Base ito sa Instagram Story ni Ellen ngayong Miyerkules, March 25.

Kalakip ng kanyang pahayag ang screenshot ng mensahe mula sa isang netizen mula sa Davao City.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sabi rito, "Gwapa Ellen, thank you sa imo family kay nisugot sa request ni vice mayor baste duterte na ang queensland gamiton sa mga PUI's diri sa davao City. God bless Adarna Family."

Continue reading below ↓

SELF-QUARANTINE

Kakagaling ni Ellen sa14-day retreat sa isang wellness center sa Bali, Indonesia, at kasalukuyang nanunuluyan sa isang hotel sa Cebu.

Kasama niya roon ang matalik na non-showbiz friend.

Mula noong isang linggo ay aktibo si Ellen sa pag-share sa Instagram Stories ng kanyang aktibidades.

Mula sa workout routine at diet food, hanggang sa paliligo sa bathtub at sunbathing sa terrace overlooking the beach ay kasama sa updates ng sexy star.

Tila iyon ang mitsa ng batikos ng sinasabing "haters" ni Ellen.

Continue reading below ↓

GETTING OVER DEPRESSION

Una nang ipinaliwanag ni Ellen na kinailangan niyang mag-retreat para makawala sa depression na pinagdaanan niya ng halos tatlong taon.

Noong March 15, idinetalye niyang hindi nakabuti sa kanya ang anti-depressants na ang epekto ay nagiging "immobile and numb" siya.

Pakiramdam daw niya ay mas lalo lang siya nanghihina "mentally and emotionally" kaya sinubukan niya ang 14-day retreat.

Pagkatapos noon ay binigyan daw siya ng 100-day guide para mapanatili ang ngayo'y positibo raw niyang disposisyon.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna speaks about how she helped ex-boyfriend Baste Duterte find a temporary quarantine facility in Davao City.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results