Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Frankie Pangilinan to her critics: “Don’t come for my parents or my family if you disagree with me.”

by Bernie V. Franco
Mar 26, 2020
Frankie Pangilinan says she has a mind of her own: “I'm a whole woman with a brain."
PHOTO/S: @frankiepangilinan on Instagram

May klarong mensahe si Frankie Pangilinan,19, sa kanyang mga kritiko: ang kanyang mga paniniwala sa buhay ay inaako niyang kanya lamang.

“[M]y personal convictions don’t reflect the rest of my family’s views and vice versa,” tweet ng dalaga ngayong gabi ng Huwebes, March 26.

Si Frankie ay panganay na anak nina Megastar Sharon Cuneta at Senator Francis “Kiko” Pangilinan, at kapatid na buo nina Miel (15) at Miguel (10).

Continue reading below ↓

Sumunod pang tweet ni Frankie: “i’m a whole woman with a brain [smiling face emojis] ok?”

Mahihinunang patama ito sa netizens na hindi sang-ayon sa kanyang mga opinyon.

Hirit pa ni Frankie, hindi ang kanyang mga magulang o pamilya ang dapat balikan ng kanyang mga kritiko.

Tweet niya: “like still growing up and def [definitely] still learning but don’t come for my parents or my family if you disagree with me because i’m the one who should be held accountable for my own choices and actions and i’m committed to growth…”

Continue reading below ↓

Nasa dugo man ni Frankie ang showbiz, hindi niya lubusang pinasok ang pag-aartista.

Gayunpaman, isa siyang aspiring singer.

FRANKIE CRITICIZES THE PRESIDENT

Mas nakilala ang anak ng Megastar sa pagiging vocal sa kanyang opinyon, na ipinapahayag niya sa Twitter.

Sa katunayan, noong December 2019, sunud-sunod ang mga patama ni Frankie kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Twitter.

Continue reading below ↓

Ito ay matapos ipahayag ng Pangulo sa isang speech na mayroong marital issue diumano ang mag-asawang Sharon at Kiko.

Sa speech ni Pangulong Duterte sa Bonifacio Day Rites sa Caloocan noong November, 30, 2019, sinabi nitong pinapaalis na ni Sharon sa kanilang bahay si Senator Kiko.

Kilala si Senator Kiko bilang kritiko ng administrasyon.

Sinabi pa ng Pangulo sa speech na magre-resign ito kung sinuman ang magsabing hindi totoo ang kanyang sinasabi.

Nakarating ito kay Frankie, na noon ay nasa New York sa Amerika, kung saan siya nag-aaral.

Nagsunud-sunod ang kanyang tweets laban sa Pangulo.

Isang tweet niya: “Like imagine being more concerned with ruining a perfectly happy family instead of… being… a good leader.”

Continue reading below ↓

Sa isa pa niyang tweet ay may kalakip na screenshot ng report ng pinagsasabi ng Pangulo tungkol sa marital issue nina Sharon at Kiko.

Mababasa rin dito ang sinabi ng Pangulo na magre-resign siya kapag sinabihan siyang nagsisinungaling siya.

Reaksyon ni Frankie dito: “omg when he resigns ur welcome”

Kasunod ng mga patama ni Frankie sa Pangulo, nag-post si Sharon ng pagsuporta sa anak.

Continue reading below ↓

Anang Megastar: “di ko hawak ang mga utak ng mga anak ko, and after all, we’ve raised them all and have always encouraged them to express themselves and stand up for what they believe to be right, I will continue to let her be."

Si Sharon ay hayagang nagsasabing kaibigan siya ng pamilya Duterte.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Frankie Pangilinan says she has a mind of her own: “I'm a whole woman with a brain."
PHOTO/S: @frankiepangilinan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results