PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dinalupihan residents in Bataan waive relief packs for poorer families

Even with COVID-19, bayanihan spirit alive in town of Dinalupihan in Bataan.
by Arniel C. Serato
Published Mar 27, 2020
Residents of Dinalupihan, Bataan put up a "PASS" sign on their gates to let barangay officials know they are willing to give away the relief goods allotted for them.
PHOTO/S: Courtesy: 1Bataan / DILG Bataan on Facebook

Kanya-kanyang diskarte ngayon ang local government units—mas kilala bilang LGUs—sa buong Luzon sa pamamahagi ng ayuda sa kanilang constituents.

Iba’t ibang uri rin ang laman ng relief goods sa bawat lugar.

Basta makakatulong sa mga tao ngayong nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang Luzon, pasok iyon.

Sa bayan ng Dinalupihan sa Bataan, tuluy-tuloy ang pamimigay ng relief goods.

Ayon sa artikulo ng Philippine Information Agency (PIA)-Bataan noong March 25, nagkakahalaga raw ng PHP15 million ang nabiling relief products ng bayan ng Dinalupihan.

Umabot sa 26,500 relief packs ang ipamamahagi nila sa bahay-bahay, sa pamamagitan ng mga opisyal ng barangay, para maobserbahan pa rin ang social distancing.

Pahayag ni Dinalupihan Mayor Maria Angela Garcia: "Our MDRRM team will make rounds to announce the schedule of distribution per barangay. Please wait for the announcements in the next coming days.”

Ang MDRRM ay Municipal Disaster Risk Reduction and Management.

Ito ang laman ng kada relief pack: limang kilong bigas, tatlong sardinas, tatlong corned beef, dalawang canned tuna, tatlong sabon, anim na sachet ng powdered detergent, at isang litrong disinfectant.

Nanawagan din si Mayor Garcia sa mga residente na maglabas ng upuan o kahit anong gamit na puwedeng paglagyan ng relief goods sa labas ng kanilang mga bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay para maiwasan ang kontak ng mga tao.

BE A BLESSING TO OTHERS

Nakiusap din ang alkalde sa mga kababayan niyang nakakaangat sa buhay na ipaubaya na ang kanilang relief goods sa mas nangangailangan.

Aniya, “For those who will give way to others during the distribution, place a sign that will say ‘Pass — Ibigay sa pamilyang mas nangangailangan’ on your gate or door.”

Tumalima naman ang ilang residente ng Dinalupihan.

Naglagay sila ng mga kartolina o anumang signage na may nakasulat na “PASS” sa kanilang gate o main door.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang aksiyon na ito ng mga nakakaluwag na mga residente ng Dinalupihan ay ikinatuwa ng netizens.

BAYANIHAN SPIRIT

Ayon sa DILG Bataan, ang pagpaparaya ng mga mas nakakaangat sa buhay ay simbolo ng pakikipagbayanihan sa kanilang mga kababayan.

Post ng DILG Bataan sa Facebook: "Sa tagubilin na rin ni Mayor Gila Garcia, bahay-bahay na ipinapamahagi ang mga food packs and hygiene kits sa bayan ng Dinalupihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maayos ang proseso ng 'door to door' relief distribution sa pakikiisa na rin ng mga Dinalupiheño.

"Tuwing schedule ng distribution ng barangay, inilalagay ng MDRRM Team ang mga relief goods sa silya/bangko sa harap ng mga gate o bahay. Ito ay para mapanatili ang ‘stay at home’ policy at social distancing.

"Sa mga pamilya na nakaka-angat sa buhay, sila ay nagpapaskil sa harap ng kanilang mga tahanan/pinto na may na nakasulat na “PASS – IBIGAY sa PAMILYANG MAS NANGANGAILANGAN”.

"Ito ay para magparaya at ipaubaya sa kanilang mga kabarangay na mas higit na nangangailangan ng mga ipinapamahagi ng LGU Dinalupihan at ng kanilang barangay.

"Tunay ngang hindi ka mawawalan kapag ikaw ay nagbigay.

"Maraming buhay ang natulungan, hindi lamang ng pisikal na gamit at pagkain, kundi pati na rin ng pagmamahal at pagkalinga.

"Yan ang bayanihan spirit sa bayan ng Dinalupihan.

"#BataanBayanihan
"#WeHealAsOne"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Residents of Dinalupihan, Bataan put up a "PASS" sign on their gates to let barangay officials know they are willing to give away the relief goods allotted for them.
PHOTO/S: Courtesy: 1Bataan / DILG Bataan on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results