Isinusugal na nga ang kanilang buhay araw-araw, nakararanas pa sila ng diskriminasyon.
Ang healthcare frontliners sa laban sa COVID-19 ay kinakawawa nang husto.
Bunsod ng mga lumulutang na kaso ng diskriminasyon at pagmamaltrato sa frontliners, nanawagan na ang Department of Health (DOH) upang proteksiyunan sila.
"We denounce the acts of physical assault, harassment and discrimination committed against our fellow health care workers," simula ng official statement ng DOH nitong Linggo, March 29.
Inisa-isa rin dito ang mga natanggap na report ng ahensiya tungkol sa hindi magandang trato sa healthcare workers.
“We are receiving reports of our healthcare workers around the country being attacked physically, including being thrown bleach and splashed with chlorine.
“Additionally, there are reports of healthcare workers being refused access to basic services such as public transport, and laundry, blocked and fined at checkpoint, and evicted from their homes.”
Kaugnay nito, binanggit ng DOH na nagsasagawa ito ng imbestigasyon ng mga naturang report, at para panagutin ang sinumang napatunayang umabuso sa frontliners.
Nakasaad sa statement: “These acts cannot be tolerated.
“We are mobilizing our own personnel in efforts to ascertain more details and hold perpetrators of these attacks liable and reporting these incidents to the Inter-Agency Task Force on COVID19 for proper investigation and resolution.”
Ang IATF ang “policy-making body” sa pagharap ng bansa sa COVID-19 threat.
Itinatag naman ng IATF ang National Task Force (NTF) na titiyak na maipatupad ang mga ginawa nitong batas.
Nananawagan din ang DOH sa katuwang na mga ahensiya nito na tiyakin ang kapakanan at kaligtasan ng healthcare workers.
Kabilang sa katuwang ng DOH ay ang Philippine National Police (PNP), Department of Transportation (DOTr), Department of Interior and Local Government (DILG), gayundin ang local government units (LGUs).
Tinitiyak ng DOH sa publiko na ginagawa ng frontliners ang mga precautions upang masiguradong hindi sila magkalat ng kinatatakutang virus.
“As medical professionals, our healthcare workers take extra precautions to ensure infection prevention and control.
“Healthcare workers who are PUIs [Persons Under Investigation] and PUMs [Persons Under Monitoring] are following protocol, taking steps to isolate themselves even from their own loved ones.”
Pakiusap ng DOH sa publiko: “We appeal to the public to extend understanding and compassion to our healthcare workers.
“Our healthcare workers have responded to our country’s need, with dedication, courage and selflessness.
“This is not the time for us to turn our backs on them.
Hindi raw sapat na mapasalamatan ang frontliners sa sakripisyong ginagawa nila ngayong may kinakaharap na health crisis ang bansa.
“We need to protect them too,” sabi ng ahensiya.
Narito ang kabuuang pahayag ng DOH:

MEDICAL WORKER MOBBED IN TACURONG, SULTAN KUDARAT
Noong March 28, 2020, naglabas ng official statement ang St. Louis Hospital sa Tacurong City, Sultan Kudarat, tungkol sa kanilang hospital personnel na sinabuyan umano ng bleach na muntik nitong ikabulag.
Nangyari raw ang insidente habang papunta ang hospital personnel sa ospital noong March 27 ng hapon.
Hindi pinangalanan ng ospital ang kanilang tauhan, pero sa ulat ng ABS-CBN News ay kinilala itong si Ritchie Estabillo.
“He was traversing near the Public Market of President Quirino when a mob of five (5) individuals ganged up on him.
“Outnumbered and alone, he was helpless as these vile individuals splattered ZONROX all over his face, which could have caused irreparable and permanent damage to his sight.
“Fortunately he was able to rush himself to the hospital where he was given prompt treatment.
Binanggit din sa statement na si Estabillo ay breadwinner ng kanyang pamilya, gaya raw ng iba pa nilang frontliners.
Naiulat na raw ng pamunuan ng St. Louis Hospital ang pangyayari sa President Quirino Police Station, pero naghihintay pa sila ng update sa kaso.
Diin pa ng ospital: “At this time, we respectfully DEMAND that justice be given.
“HE IS A FRONTLINER.
“WE DEMAND JUSTICE for our healthcare personnel.
“He heeded the call of duty when others would not.”
Pagtatapos nito: “As we remain steadfast in the service of the community, we likewise shall show resilience in this pursuit of justice.
“We believe justice will prevail and we will hold those accountable to the full extent of the law.”

MEDICAL WORKERS DISPLACED
Nakakabahala rin ngayon ang mga napapaulat na pagpapaalis sa medical frontliners sa kanilang mga tinutuluyang rented space.
Nangingibabaw ang takot at paranoia ng iba pang tenants na mahawa ng COVID-19.
Iniulat ng Interaksyon.com ang post ni Adrian Franco tungkol sa kanyang kapatid—isang nurse sa East Avenue Medical Center sa Quezon City.
Ayon kay Adrian, pinaalis daw ang kanyang kapatid sa tinutuluyan nitong apartment dahil sa takot ng mga kapitbahay na magkaroon ng virus.
Hindi raw naman makauwi ang nurse sa Bataan, kung saan naroon ang anak at pamilya nito, dahil sa enhanced community quarantine.
Post ng netizen: “It is disheartening to know that the very people you swore to serve and protect are the same ones who will discriminate and would wish to render you homeless in the middle of this global battle.
"It is heartless to deny a frontliner a safe place to rest, recharge and recover after dealing with imminent danger — away from her own family.
"A little compassion is all she asks. Nothing more, nothing less," pagtatapos ng post.
Nabanggit naman sa ulat na nakahanap na ng bagong matutuluyan ang nurse.
Isa pang netizen, si Cristina Tayengco Dimaculangan, ang nag-repost ng screenshot ng post ng kanyang dating estudyante na isa na ngayong doktor.
Nakatanggap daw ng eviction notice ang doktor mula sa landlord nito dahil sa pagiging frontliner niya.
Mababasa sa screenshot: “Today I got an eviction notice from my landlord because I’m a doctor (fellow) in a Hospital handling COVID cases.
“I couldn’t believe this kind of discrimination exist.”
May update sa ulat ng Interaksyon.com na nakahanap na ng matutuluyan ang doktor.
Nag-tweet din ang netizen na si @tom_MD_ tungkol sa mga nurse na pinapaalis ng mga landlord nila.
Nabanggit nito sa tweet na isang pamunuan ng condominium building ang nagpadala ng text sa tenants kung may kilala silang frontliners na naninirahan doon.
Tweet ng netizen: “My isang nurse tinapunan ng tubig ng pedicab driver. STOP THIS SHIT.”
LGUS, ROBREDO, ANGEL PROVIDE SOLUTION
Iba’t ibang grupo, kabilang ang local government units at mga indibidwal, ang tumutugon para maresolbahan ang isyung ito.
Noong March 18, nilagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno ang Executie Order No. 17, para matulungan ang frontliners na apektado ng shutdown ng public transportation.
Kabilang sa executive order ang pagbibigay ng free accommodation sa frontliners sa pamamagitan ng itinalagang 531 hotel rooms ng lungsod.
Kabilang dito ang branches ng Sogo Hotel (421 rooms), Eurotel (50 rooms), at Town and Country Hotel (60 rooms) sa Maynila.
Ganito rin ang ginawa ng Quezon City government sa pakikipagtulungan sa pribadong sektor.
Ang Hotel Sogo branches sa siyudad ay nag-allot ng kabuuang 228 rooms para sa health workers; habang ang Rainbow Place Dormitory sa Tandang Sora ay nag-allot ng 80 karagdagang rooms.
Tumugon din sa panawagang ito si Vice President Leni Robredo, na nagbukas ng isang dormitoryo sa Cubao, Quezon City, para sa frontliners.
Ito ay sa pakikipagtulungan ng Bise Presidente sa kanyang partners sa programa niyang Angat Buhay, isang anti-poverty program.
Aktibo rin ang aktres na si Angel Locsin sa programa niyang sinimulan noong March 20. Ito ay tinawag niyang #UniTENTweSTANDPH campaign.
Sa kanyang project, nagtatayo ang aktres ng tents sa labas ng mga ospital bilang sleeping quarters ng healthcare workers, at bilang additional space para sa COVID-19 patients.
Sa kanyang pinakahuling Instagram post ngayon Lunes, March 30, inanunsiyo ni Angel na umabot sa P3 million ang nakalap niyang donasyon.
Twenty-eight hospitals sa Metro Manila, Muntinlupa, Tarlac, Cavite, at Batangas ang nakinabang dito.
Sa Bayanihan to Heal As One Act of 2020 na nilagdaan kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte, nakapaloob dito ang pagbibigay sa kanya ng kapangyarihan na ipag-utos sa mga private hospital, medical facilities, at iba pang mga establisimyento na mabigyan ng matutuluyan ang medical at health workers.
FRONTLINER FINED P5000
Mainit ding pinag-usapan sa social media ang health worker na pinagbayad ng P5,000 dahil sa paglabag sa protocol ng DOTr na bawal ang backriding.
Sa inilabas na ordinansa ng DOTr, bawal ang pag-angkas sa motor dahil nilalabag nito ang pagpapatupad ng social distancing.
March 24, sakay ng kanyang motorsiklo, sinundo ni Gerald Libiran ang kanyang kapatid na si Mark para isabay pauwi ng Bulacan, ayon sa ulat ng GMA News Online.
Si Gerald ay administration aide sa medical records ng Philippine Orthopedic Center sa Sta. Mesa Heights, Quezon City.
Si Mark naman ay administration aide sa dietary department ng National Children’s Hospital (NHC) sa E. Rodriguez Ave., New Manila, Quezon City.
Katatapos lang daw ni Mark ng kanyang four-day straight duty at wala nang iba pang masakyan.
Ang motorsiklo ang mode of transportation ni Gerald dahil sa suspensiyon ng public transportation, alinsunod sa enhanced community quarantine sa Luzon na ipinatutupad mula noong March 17, 2020.
Ani Mark, may shuttle service ang kanilang ospital.
Pero ito ay patungo sa Fairview, na out of way kay Mark dahil dumadaan siya sa MacArthur Highway patungong Bulacan.
Nang makaabot sa Valenzuela City checkpoint ang magkapatid, hinarang sila ng traffic enforcers.
Kinumpiska ang ID ni Gerald dahil sa paglabag nito sa DOTr protocol na bawal mag-angkas.
Kinabukasan, bumalik si Gerald sa Valenzuela Traffic Management Office upang kunin ang kanyang ID.
Subalit nagulat siya nang malamang kailangan niyang magbayad ng P5,000 bilang penalty.
Halos kalahati ito ng monthly salary ni Gerald na P11,000.
"Nagsasakripisyo rin naman kami as frontliners dito sa ospital," himutok niya.
"Parang ba't ganun? Ang naging ano lang naman namin, gusto lang namin makauwi."
Pahayag naman ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian hinggil sa isyu, "We are also trying to find a way with the city council to lower the fine for health care providers caught back riding, but we have to evaluate our moves carefully as this may embolden others to take advantage and violate this national mandate on back rides."
Ayon naman sa DOTr, mahigpit na ipinatutupad ng ahensiya, maging ng DILG at Philippine National Police PNP, ang no-backriding rule.
Wala raw exempted dito, kahit na frontliners.
“Pinagbabawal po ng DILG, DOTr, at ng PNP ang magka-angkas sa motorsiklo habang tayo ay nakapailalim sa enhanced community quarantine," quoted si DOTr Assistant Secretary Goddess Libiran ng Manila Bulletin noong March 27, Friday.
“The government’s position on this matter stands.”
Diin ng assistant secretary, hindi ipinagbabawal ang pagsakay sa motor, lalo na ng frontliners.
Pero aniya, “Social distancing applies to all. Kapag nasa loob po kayo ng bahay, maaari ninyong gawin o sundin anuman ang rules ninyo.
“Pero kung kayo po ay nasa labas, lalo na sa mga kalsada at public places, kinakailangan niyo pong sundin ang mga panuntunan at polisiya ng gobyerno to uphold order and uniformity.”
Diin pa ni Libiran, kung magbibigay ng exemption para sa frontliners, baka gayahin ito ng iba at hinging maging exempted din sila.
“It will be an enforcement nightmare. And it will defeat the purpose of asking people to just stay at home. No uniformity of rules, no order,” ayon sa DOTr official.
Samantala, ang DOTr ay nagpo-provide raw ng free shuttle service para sa health workers.
As of March 28, mayroon itong 19 routes.
Ang dulo ng shuttle service sa north ay sa Malanday, habang sa South naman ay Sta. Rosa, Laguna.
Sa Facebook page ng DOTr, naka-post ang update at link ng pick-up/transfer stations ng kanilang free shuttle service para sa healthcare workers, na puwede rin para sa iba pang frontliners.
Hindi nga lang malinaw kung gaano kasapat ang free shuttle services na pinagmamalaki ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian.
Sa kaso ng magkapatid na healthworkers na hinuli sa checkpoint at minultahan ng P5000, malinaw na wala silang masakyan pauwi.
