PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maine Mendoza, nakalikom ng mahigit kalahating milyong piso sa kanyang DoNation drive

Tulong ni Maine Mendoza sa mga pamilyang naapektuhan ng enhanced community quarantine.
by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Published Mar 31, 2020
Nakalikom ng mahigit kalahating milyong piso si Maine Mendoza para makatulong sa mga pamilyang naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine.
PHOTO/S: @mainedcm instagram / @mainedcm twitter

Pitong araw matapos manawagan ni Maine Mendoza sa kanyang fans at social media followers, nakalikom ang kanyang DoNation drive ng mahigit kalahating milyong piso.

Video: GMA News.

Nanawagan ng donasyon si Maine nung March 19 upang matulungan ang mga nawalan ng pagkakakitaan dahil sa enhanced community quarantine na ipinataw sa buong Luzon nung March 16.

Isang linggo ang lumipas, umabot ng PHP587,677.92 ang kanyang nalikom ayon sa kanyang DoNation website.

Sa kanyang Twitter account nung March 25, nagpasalamat si Maine sa lahat ng mga nag-donate para makatulong sa mga jeepney drivers, tricycle drivers, construction workers, at iba pang naapektuhan ang kabuhayan dulot ng COVID-19 crisis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa report ni Nelson Canlas ng 24 Oras, nagpapasalamat din si Maine sa lahat ng frontliners na patuloy sa pagtupad sa kanilang tungkulin upang malabanan ang COVID-19.

Pahayag ng Kapuso Phenomenal Star, "Nagpapasalamat po ako sa lahat ng healthcare workers at sa iba pa pong frontliners na talaga naman pong nagsasakripisyo at nagbibigay-serbisyo po sa ating bansa at sa mga Pilipino pong nangangailangan sa panahon ng krisis ngayon.

"Hindi po kayo mawawala sa aming dasal. Sana po ay lagi kayong mag-iingat at sana po ay lagi kayong gabayan ng Diyos sa lahat po ng ginagawa ninyo sa araw-araw.

"Maraming salamat po at saludo po kami sa inyong lahat," pagtatapos ni Maine.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakalikom ng mahigit kalahating milyong piso si Maine Mendoza para makatulong sa mga pamilyang naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine.
PHOTO/S: @mainedcm instagram / @mainedcm twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results