Mayor Isko Moreno thanks Angel Locsin: “Mabasa ka sana ng ulan nang dumami ka pa.”

by Jet Hitosis
Apr 3, 2020
Manila Mayor Isko Moreno (left) thanks actress Angel Locsin (right) for the donation of two isolation tents at Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center in Tondo: “Maraming salamat sa iyo, Angel Locsin. At patuloy ka sanang magtagumpay sa iyong karera. At mabasa ka sana ng ulan… nang dumami ka pa.”
PHOTO/S: Isko Moreno Domagoso on Facebook, @therealangellocsin on Instagram

“Mabasa ka sana ng ulan nang dumami ka pa.”

Ito ang pabirong mensahe ng pasasalamat ni Manila Mayor Isko Moreno, 45, kay Angel Locsin, 34.

Nagpasalamat ang alkalde sa actress-humanitarian activist at sa fiancé nitong si Neil Arce para sa dalawang isolation tents na donasyon ng magkasintahan sa Maynila.

Ang mga tent ay tinanggap ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa Tondo ngayong linggo.

Bahagi ito ng #UniTENTweStandPH fundraising campaign ni Angel, katuwang si Neil.

Layunin ng kampanya na maresolba ang overcrowding sa mga ospital ngayong apektado ang bansa ng coronavirus disease o COVID-19 pandemic.

Continue reading below ↓

Target ng grupo ni Angel na makapagtayo ng dalawang isolation tents sa bawat isang benepisyaryong ospital.

Ang naturang 12x24 meter isolation tents ay magagamit ng mga Person Under Investigation (PUIs) o ng mismong COVID-19 patients.

Batay sa regular update na ipinu-post ni Angel sa Instagram, 11 ospital na ang nakatanggap ng tigdalawang isolation tents.

Continue reading below ↓

Kabilang nga sa 11 ospital na ito ang Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa Maynila.

MAYOR ISKO THANKS ANGEL

Sa naka-livestream na public announcement ni Mayor Isko nitong Martes, March 31, isa-isa niyang pinasalamatan ang mga nagbigay ng donasyon sa Maynila.

Kasama sa mga binanggit ng alkalde sina Angel at Neil.

Continue reading below ↓

Sabi ni Mayor Isko: “Si Angel Locsin.

“Siya po ay isang artista, at kilala po ninyo at kilala nating lahat si Angel Locsin, and Neil Arce.

“Nagbigay po sila ng dalawang big tent for Gat Andres Bonifacio Hospital.

“Maraming salamat sa iyo, Angel Locsin.

“At patuloy ka sanang magtagumpay sa iyong karera."

Seryosong-seryoso ang mukha, idinugtong ni Mayor Isko: “At mabasa ka sana ng ulan… nang dumami ka pa.”

REMEMBER THE GREMLINS?

Malinaw na tinutukoy ni Mayor Isko ang maliliit na monsters na nagbida sa American horror-comedy film na Gremlins.

Ipinalabas noong 1984, bida sa pelikula ang gremlin monsters na dumarami kapag nababasa.

Ang gustong puntuhin ni Mayor Isko, sana raw ay dumami pa ang tulad ni Angel na tumutulong sa mga nangangailangan.

Samantala, may 38 pang ospital ang balak patayuan nina Angel at Neil ng isolation tents sa susunod na mga araw.

Dahil dito, at press time ay tuluy-tuloy na kumakalap ng donasyon ang #UniTENTweStandPH.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manila Mayor Isko Moreno (left) thanks actress Angel Locsin (right) for the donation of two isolation tents at Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center in Tondo: “Maraming salamat sa iyo, Angel Locsin. At patuloy ka sanang magtagumpay sa iyong karera. At mabasa ka sana ng ulan… nang dumami ka pa.”
PHOTO/S: Isko Moreno Domagoso on Facebook, @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results