Porke’t walang post sa social media, hindi na tumutulong?
Ito ang katuwiran ni Sharon Cuneta, 54, sa pamumuna ng netizens na nagkokomento sa kanyang Instagram posts.
May mga nang-uusisa kasi kung tumutulong ba sila ng kanyang asawang si Senator Francis “Kiko” Pangilinan, 56, ngayong may enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.
Pasaring ng netizens sa mister ng Megastar, tumulong na lang ito sa halip na punahin ang government efforts kontra COVID-19.
Si Senator Kiko ay kabilang sa Liberal Party, ang pangunahing opposition party at itinuturing na kalaban ng administrasyong Duterte ng PDP-Laban.
Sa kanyang recent tweets, pinuna ng senador ang administrasyon dahil sa mga hakbang nitong hindi niya sinasang-ayunan.
Vocal ang senador sa paghahayag ng saloobin tungkol sa kung paano kumikilos ang gobyerno sa gitna ng health crisis.
Kagaya ng mabagal umanong distribusyon ng P275 billion emergency fund bilang cash assistance sa 18 milyong pamilyang Pilipino.
Ganundin sa huling banta ng Pangulo na aarestuhin, babanatan, at babarilin kung kinakailangan ang mga taong hindi susunod sa mga utos ng gobyerno niya.
Samantala, hindi naman itinatago ni Sharon na kaibigan niya ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
SHARON SAYS HER FAMILY DOES ITS PART TO HELP
Kamakailan ay pinuri ng Megastar ang proyekto ni Angel Locsin na pagtatatag ng isolation tents sa hospital premises, bilang sleeping quarters ng frontliners at additional space para sa Persons Under Investigation (PUIs).
Sa comments section, isang netizen ang nagpasaring na sana'y tumulong din ang Megastar.
Komento ng netizen: “Kung walang mahirap na pumila sa iyong mga movies, bimili [sic] ng plaka at cd’s [sic] mo ay walang Megastar ngayon. [heart emojis]”
Ipinagtanggol agad si Sharon ng kanyang mga tagasuporta.
Kalmado ring sumagot ang Megastar sa panunumbat ng netizen.
Bahagi ng komento niya (published as is): “Wala syang alam sa nga ginagawa ko kasi di ko pinapa alam kaya di nya fault.”

Tila naghahamon naman ang komento ng isa pang netizen na may patama kay Senator Kiko.
Patutsada ng netizen (published as is): “Ang asawa nyo nasaan?diba po kami ang public at xa ang servant?pero nasaan po xa.
"buti pa po si angel maraming nagawa at pinost nyo.pero asawa di nyo kaya ipost kasi walay.diba senador xa.”
Simpleng buwelta ni Sharon: “Ayun siya, tumutulong ng walang press release katulad naming lahat.”
Balik-tanong pa niya: “Matanong ko lang po, may naitulong po kayo kahit isang mask o alcohol bottle lang?”


Hindi nalalayo rito ang komento ng isang netizen sa isa pang post ni Sharon.
Tungkol naman ito sa ginagawang pagtulong ng anak niyang si KC Concepcion.
Hirit ng netizen (published as is): “Sana ganyan na lang din ang ginagawa ng asawa mo kesa magcriticize ng magcriticize sa government.”
Pagtatanggol ni Sharon sa mister: “Hindi kasi mahilig sa press release ang asawa ko.
“Lahat naman kami. Malalaman niyo din."
Dagdag niya, “And sana puede magdasal na muna tayong lahat?
“Pagkatapos ng COVID sige bash lang.
“Pero sa ngayon di nakakatulong kahit isang iota ang mga tulad nyo na wala naman alam sa ginagawa ng asawa ko para makatulong.”

