Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Ellen Adarna is not making a showbiz comeback: "Definitely, not in the next seven years."

by Bernie V. Franco
Apr 3, 2020
Ellen Adarna says no to a showbiz comeback: "I don’t wanna say, like, forever, right? But definitely, not in the next seven years."
PHOTO/S: @maria.elena.adarna on Instagram / Facebook (RX93.1)

Hindi magbabalik-showbiz si Ellen Adarna, 32.

Tututukan daw muna ng sexy actress ang pagpapalaki kay Elias Modesto, ang anak niya sa dating partner na si John Lloyd Cruz, 36.

Magdadalawang taon na si Elias sa darating na June.

Pagpasok ng 2020, naging visible muli si Ellen sa Instagram, kaya inisip ng marami na babalik na siya sa showbiz.

Pero nilinaw ito ni Ellen sa interview sa kanya ng FM radio na RX93.1, via Facebook live, ngayong Biyernes ng umaga, April 3.

Diretsong tanong sa kanya ng disc jockeys: Magkakaroon ba siya ng comeback pagkatapos ng COVID-19 crisis?

“No. In showbiz? No. No,” sagot ni Ellen.

Taong 2007, kasabay ang noo'y boyfriend na si John Lloyd, iniwan ni Ellen ang showbiz.

Maging sa social media ay nanahimik sila at tinutukan ang kanilang personal na buhay.

ELLEN AS HANDS-ON MOM

Dagdag ni Ellen, hindi niya tinutuldukan ang pagbabalik-artista, pero taon ang bibilangin bago siya magkaroon ng comeback.

Continue reading below ↓

“I don’t wanna say, like, forever, right?

“But, definitely, not in the next seven years,” paniniyak ni Ellen.

Gusto raw niyang tutukan ang pagiging ina sa kanyang anak.

“I want to be with my son in his formative years, which is the first seven years.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“I’m a very hands-on mom, like, really…

“People are not expecting [that of me].

“I know they think I’m just in the club, drinking, [and they’re thinking] ‘This party girl is still the same,’” nangingiting kuwento ni Ellen tungkol sa kanyang naging reputasyon.

ELLEN WILL BE ACTIVE ON INSTAGRAM

Bagama’t iiwan muna niya ang showbiz, sinabi ni Ellen na magiging active siya sa Instagram, kung saan meron siyang 3.3 million followers.

Tinukso naman siyang gumawa ng account sa YouTube para masubaybayan pa rin siya.

“At first, I was interested in doing YouTube, but I spoke to some friends. It’s, like, showbiz.

“You have to make time for it.

Continue reading below ↓

“Now, I’m not ready for that kind of pressure. I want to focus on myself,” paliwanag ni Ellen.

Binuyo ng mga disc jockey si Ellen na ikunsidera pa rin ang pagiging aktibo sa YouTube.

Pero ganoon pa rin ang sagot niya, “Pag malaki-laki na si Elias, in the next seven years…”

STILL NO DIRECT CONFIRMATION ABOUT BREAKUP

Samantala, sa interview ay hindi tinalakay ang love life ni Ellen.

Hindi rin siya tinanong tungkol sa paghihiwalay nila ni John Lloyd.

Naiulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hiwalay na ang dalawa mula pa noong August 2019.

Nakuha rin ng PEP sa isang source na co-parenting na lang umano ang dalawa.

Sa kanyang Instagram post nitong March 29, may sagot si Ellen sa isang netizen na nang-usisa tungkol sa paghihiwalay nila ng aktor.

Nagpahiwatig si Ellen na tila hiwalay na nga sila ni John Lloyd.

Tanong ng netizen (published as is): “I am curious what really happened why you and John Llod had fallen out…”

Continue reading below ↓

Makahulugang sagot ni Ellen: “only god can answer this question.”

Hanggang ngayon ay wala pa ring direktang pag-amin mula kina Ellen at John Lloyd.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna says no to a showbiz comeback: "I don’t wanna say, like, forever, right? But definitely, not in the next seven years."
PHOTO/S: @maria.elena.adarna on Instagram / Facebook (RX93.1)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results