Sasagutin ni Frankie Pangilinan ang piyansa ng isa sa 21 arestadong rallyista sa Quezon City noong April 1.
Ang mga magulang naman niyang sina Senator Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta ang sasagot sa piyansa ng 20 iba pa.
Ang piyansa ng bawat isang naarestong rallyista ay nagkakahalaga ng P15,000.
Ang 21 rallyista ay mula sa Purok San Roque, Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City.
Nagsagawa sila ng protesta sa North Edsa dahil sa kakulangan umano ng ayuda mula sa pamahalaan ng Quezon City.
Inaresto sila ng mga awtoridad dahil sa paglabag sa ipinatutupad na enhanced community quarantine.
Sa Twitter ngayong gabi, April 3, ipinagbigay-alam ni BAYAN secretary-general Renato Reyes Jr. na nasampahan na ng reklamo ang mga rallyista sa piskalya.
“The 21 San Roque residents who were arrested for protesting lack of food face multiple charges and must pay up to P15,000 EACH for bail according to their lawyer.
"Wala na nga silang makain, pagbabayarin pa ng P15,000 each.
"Walang awa sa mahihirap. #TulongHindiKulong"
Kaagad namang tumugon si Frankie sa tweet ni Reyes.
Sabi niya, “i’ll sponsor one. please give the details.”
Dagdag pa ni Frankie, sasagutin ng kanyang mga magulang na sina Senator Kiko Pangilinan at Sharon ang piyansa ng nalalabing dalawampu.
Tweet niyang muli, “and my parents would like to cover the other twenty.”
Aabot sa P315,000 ang kabuuang piyansa para sa 21 rallyista.
Pasasalamat ni Reyes kay Frankie, “thanks Kakie. Will DM the details as soon as lawyers provide them.Salamat!"
Tugon naman ni Frankie, “maraming salamat po. nakakagigil talaga.”

“NOT DIRECTLY POLITICAL”
Kaagad namang humingi ng dispensa si Frankie sa kanyang naunang post.
Sobra lang daw siyang nagalit sa sitwasyon, at nilinaw na hindi ito politically motivated.
Saad niya, “please forgive me for immediately reacting so publicly.
"i cant take it back now, but please know the intentions were empathetic and emotionally fuelled and not directly political.”
Dagdag pa niya, "i’m really sorry i don’t normally put that stuff out here but nanginginig ako sa galit and they need to be set free and the faster we can get this done the better"
Nagkomento rito ang direktor na si Antoinette Jadaone.
Aniya, "Why apologize? Sometimes anger needs to be felt so that there can be change.
"We can see through the sincerity. Thank you (heart emoji)"
