Jodi Sta. Maria to shoulder bail of 4 jailed QC protesters

by Arniel C. Serato
Apr 4, 2020
Jodi Sta. Maria to pay the bail of 4 out of 21 jailed protesters in Quezon City amounting to P60K.
PHOTO/S: Courtesy: @jodistamaria on Instagram / www.untvweb.com

Tutulong din ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria sa pagpiyansa ng mga arestadong rallyista sa Quezon City noong nakaraang April 1.

Ang mga rallyista ay nakakulong ngayon at nahaharap sa patong-patong na reklamo ng QC Police District.

Nag-file electronically ang mga pulis ng siyudad nung April 2 sa Quezon City Prosecutor's Office ng mga sumusunod: paglabag sa Public Assembly Act of 1985, paglabag sa Bayanihan To Heal As One Act, paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act, at paglabag sa Resistance and Disobedience to a Person in Authority.

Kagabi, April 3, nag-alok si Jodi na bayaran ang piyansa ng ilang arestadong rallyista.

Ito ang tugon ng aktres sa anunsiyo ni BAYAN secretary-general Renato Reyes, Jr. tungkol sa mga nakakulong na rallyista.

Naunang tweet ni Reyes: “The 21 San Roque residents who were arrested for protesting lack of food face multiple charges and must pay up to P15,000 EACH for bail according to their lawyer.

Continue reading below ↓

"Wala na nga silang makain, pagbabayarin pa ng P15,000 each.

"Walang awa sa mahihirap. #TulongHindiKulong”

Tugon ni Jodi, “Ilan pa po ang kailangan?"

Sagot ni Reyes: “May nag pledge na po for the 2 senior citizens, si @kakiep83 nagpledge na rin. So 18 to go. This appeal is from their lawyer.”

Continue reading below ↓

Sagot muli ni Jodi: “Okay po. 4 po sa akin Sir.”

Continue reading below ↓

Nauna nang nag-alok si Frankie Pangilinan na sasagutin nito ang piyansa ng isa at ang nalalabing dalawampu naman ay sagot na ng kanyang mga magulang na sina Senator Francis Pangilinan at Sharon Cuneta.

Aabot sa P315K ang piyansang kailangang bayaran ng mga taga-Purok San Roque, Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City.

Nitong umaga ng April 4, Sabado, nag-tweet si Reyes ng update tungkol sa pangpiyansa ng tinagurian na niya ngayong San Roque 21:

"Atty. Conti, @chronikryssis reports that online donations for bail fund of San Roque 21 now at P35,420.50 from 55 individuals. Salamat din kina @kakiep83 @JodiStaMaria @kikopangilinan sa kanilang mga pledge. #TulongHindiKulong pa rin."

Ang binabanggit na Atty. Conti ay ang abugadang si Krissy Conti, na siyang namamahala ng kaso ng mga hinuling protesters.



Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayon hapon lamang si Rita Baua, miyembro ng national secretariat ng BAYAN, tungkol sa mga donasyong pumapasok para sa protesters.

Sinabi nito, "Marami pang kailangang gawin para sa kanila. Hindi lang piyansa. They need food. When they get out, paaano uuwi? Paano pagkain? Nasa Camp Karingal sila ngayon, punta sila bandang Trinoma. Kaya ang anumang donasyon ay may silbi."

Grateful daw sila na may mga taong gaya ni Jodi at Frankie na tumutulong. Sabi pa ni Rita, "May mga gusto pang magbigay, gusto mag-pledge."


Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jodi Sta. Maria to pay the bail of 4 out of 21 jailed protesters in Quezon City amounting to P60K.
PHOTO/S: Courtesy: @jodistamaria on Instagram / www.untvweb.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results