Luis Manzano to netizen calling him "bayot": "Kung makabayot...itsura mo nga yung nagnanakaw ng bag sa fastfood” 

by Arniel C. Serato
Apr 4, 2020
Luis Manzano to netizen telling him he's gay: "so as a gay man, you believe na ikaw dapat mag out na isang tao at hindi sa terms niya? Lupet mo ha, nasa yo pala ang say kung kelan dapat sila ma out in a humiliating manner, tanga nga talaga.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Nakipagsagutan si Luis Manzano sa Twitter sa dalawang bashers na tinawag siyang "bayot."

Ang bayot ay salitang Cebuano na sa Tagalog ay bakla.

Nitong Biyernes, April 3, sinabihan ng isang netizen si Luis ng “bayot."

Sabi ng netizen sa actor/endorser: “Hoy bayot pag hilom [Hoy bakla manahimik ka]”.

Sagot ni Luis sa netizen, “Kung maka-bayot ka naman as if masama maging bayot, itsura mo nga 'yung nagnanakaw ng bag sa fastfood."

Continue reading below ↓

Dagdag pa ng anak ni Vilma Santos at Edu Manzano: “Kung makasabi ka naman ng bayot, as if masama maging Bayot, tandaan mo ang LGBT+, breakfast lunch dinner ay discrimination ng ibang tao, at hinahassle pa… but yet, they always excel sa kahit anong gawin nila (smiley emoji) bayot ba ako? Nope (smiley) lupit ba nila? yes!”

Continue reading below ↓

May isa namang netizen ang nagsabi kay Luis na ang mga ganung klaseng pananalita ay galing talaga sa isang bayot.

Saad nito: “Ay alam ko yang sagot na yan. Bayot kaayo hahaha.”


Pambubuyo pa ng netizen: “Luis bakla din po ako no need na pangaralan ako.

Continue reading below ↓

“Hindi kita dini discriminate, dini describe po kita.

"Alam ko at amoy na amoy ko.

“I hope mahanap mo sa sarili mo yung totoong identity mo po.

“Hehe idol Salamat sa notice. Lab u.”

Binura din ng netizen ang kanyang tweet.

Tugon ng 38-year-old TV host: “Binura mo nga tweet mo dahil nagmukha kang tanga... so as a gay man, you believe na ikaw dapat mag out sa isang tao at hindi sa terms niya?

Continue reading below ↓

"Lupet mo ha, nasa yo pala ang say kung kelan dapat sila ma out in a humiliating manner, tanga nga talaga.”

Hindi na bago kay Luis ang pakikipagsagutan sa netizens na kinukuyog siya, lalo na't naging vocal pa ito sa hindi niya nagugustuhan sa kasalukuyang gobyerno.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Manzano to netizen telling him he's gay: "so as a gay man, you believe na ikaw dapat mag out na isang tao at hindi sa terms niya? Lupet mo ha, nasa yo pala ang say kung kelan dapat sila ma out in a humiliating manner, tanga nga talaga.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results